TOWNSVILLE AND THE PINOY MAFIA

ang townsville ay isa sa mga siyudad sa queensland. pang tiningnan mo ang mapa ng australia, ito ay nasa bandang north east. just above brisbane and below cairnes. katulad ng maraming mga lugar sa australia, mayroong small town feel ang townsville. mababait ang mga tao rito at very accomodating. sa townsville nagsisimula ang isa sa pinakasikat ng natural wonder ng ating mundo – ang great barrier reef. multi cultural ang group namin as usual. si norman ay isang chinese south african na australian citizen. si tom ay german american. si ceci ay filipino american at ako naman ay pinoy kupal.

sa pilipinas lumaki si ceci kaya marunong siyang mag tagalog. she can actually change her accent from american slang to pinay off the fly. parati kaming nag-uusap sa sariling wika lalo na pag inaalaska namin si tom. marami na rin kaming naituro sa kanya na mga salita katulad ng – aso, ipis at kulangot. katulad ng experience namin sa perth at brisbane, may mga pinoy na nagtatrabaho sa hotel namin. ano bang meron ang mga pinoy at maraming pinoy na staff sa mga hotel? siguro dahil sa inherent lambing natin at pagkamaasikaso. yung pinoy na staff ng hotel dito ay tumulong sa amin sa pag set-up ng venue. medyo aloof nga lang siya ng kaunti sa amin. di ko alam kung bakit. siguro, ayaw niyang ma associate sa kapwa pinoy dahil baka makita siya ng boss niya na nakikipag usap sa amin. sayang.

2 thoughts on “TOWNSVILLE AND THE PINOY MAFIA

  1. Well, we’ll never know mylab, what kind of life she’s had to live or what kind of experiences make her feel the need to be on her guard. At least tinulungan niya kayo. If she can’t be friendly, at least she was professional.

  2. yes mylabopmayn. professional – that she was. in the end, we had a great show and the staff (the pinay included) were great. gusto ko lang sana ng kaunting contact. wala lang – gusto ko lang naman silang makausap at tanungin sa buhay nila sa australia. alam ko, marami akong matutunan sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *