TOP 5 NA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI MAGANDA PARA SA ISANG OFW ANG UMUWI SA PILIPINAS PAG PASKO

1. MAHAL ANG TICKET SA EROPLANO – medyo bordering on highway robbery nga pag bumili ka ng ticket ng december. eto magandang example: umuwi si jet ng november 30, ang bayad sa ticket niya ay mga $800 from LA to MANILA (and vice versa, ika nga sa mga jeep sa cavite). nung araw tinatanong ko sa mommy ko kung saang lugar yung “BISEHBERSAH”. hehehe. i digress. so $800 nga ang ticket ni jet nung november. dahil nahuli ako, ang binayaran ko sa trip ko nung december 11? over $1100. alam ko, ito lang ang season kung saan gagawa ng killing ang mga airline pero packingsheet naman, minsan sobrang garapal.



2. MASYADONG MARAMING TAO SA MGA MALL – nagpunta kami ni jet para bumili ng television sa SM City. inabot ata kami ng dalawang oras para lang makabili ng isang maliit na TV. yung model na kinuha ko eh “on sale” kaya labingapat ata kaming customer ang sabay sabay na bumili. wala naman akong magawa – christmas season, lahat ng tao gusto ng bagong gamit sa bahay at may pera na silang pambili gawa ng 13th month pay. ang hirap palang bumili ng appliance sa SM. lahat ng empleyado sa tindahan eh kailangan pumirma ng resibo. pati ata yung delivery boy at yung security guard ay nag verify. nakaka insulto nga minsan. parang sinasabi sa iyo ng binilihan mo – kaya maraming pumipirma sa pag release ng merchandise mo ay para siguraduhin na hindi mo ito ninakaw sa tindahan.

3. SOBRA ANG TRAFFIC SA KALYE – monday morning, bumaba kami ni jet from antipolo para magpunta sa pasig. umalis kami ng mga 10:30 ng umaga. yung trip na dapat ay 30 minutes kung maluwag eh inabot ng tatlong oras. putangina, asar na asar ako. hindi na nga gumagalaw ang traffic, singit pa ng singit ang mga jeep at taxi. eh matagal na akong hindi nagmamaneho sa pilipinas kaya hindi na ako marunong manggulang. sa sobrang tagal nga eh napag usapan na tuloy namin ni jet kung ano ang gagawin namin in the next 5 years. hindi pa rin gumagalaw ang traffic after a while kaya naisama na rin namin kung saan kami pupunta pag nag retire, saan kami bibili ng bahay, etc. etc. on hindsight, masarap ding ma traffic paminsan-minsan dahil maipaplano mo ang buhay mo ng maayos habang naghihintay kang gumalaw ang sasakyan mo. hindi ako magtataka na ang susunod na makaka diskubre ng gamot sa cancer ay isang jeepney driver. sa tagal ng hinihintay nila sa traffic, i am sure marami na silang naiisip na magagandang mga idea.

4. NAKAKAPAGOD MAGING SANTA CLAUS – alam mo naman ang mga pinoy pag pasko, gusto may aguinaldo. iniisip ko nga, bigyan ko na lang sila ng limang piso dahil naroon ang mukha ni emilio aguinaldo. MWA-HAW-HAW (TV canned laughter after corny joke from noontime show host). ok lang sa akin ang magregalo sa pasko para sa mga inaanak, kamag-anak at mga kaibigan. pero kung yung association ng mga street vendor sa palengke ay magbigay sa iyo ng sobre eh iba na yon. isa isahin natin – sobre para sa barangay, sobre para sa security guard, sobre para sa basurero, sobre para sa collector ng tubig, sobre para sa collector ng kuryente. bwakanginangyan, walang katupasang merry christmas sir. may nagpunta nga sa aming bata kahapon. nautusan lang ata ng nanay niya at naligaw. akala ko nanghihingi ng pamasko kaya napasigaw ako ng “PATAWAD”. ayun natakot tuloy.

5. ANG DAMING NAKIKI PAKI – minsan mas marami pa ang dala mong mga padala kaysa sa sarili mong gamit. ok lang sana kung pera dahil pwede mo itong ibulsa – ang nakakainis minsan ay kung ano-anong mga exotic na pagkain at kagamitan ang ipinapaki sa iyo. pakidala mo naman itong apat na kilong pusit, limang kilong tinapa, pitong kahon ng chocnut, tatlong supot ng mamon, anim na pakete ng biscuit na fita, sampung bote ng sunsilk conditioner (?), tatlumpung lata ng burong talangka and a partridge in a pear tree. hehehe. masisira ulo mo sa paghahanap kung saan sa bagahe mo ilalagay ang mga bwakanginang sari-saring kalintikan.

15 thoughts on “TOP 5 NA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI MAGANDA PARA SA ISANG OFW ANG UMUWI SA PILIPINAS PAG PASKO

  1. nevertheless, ang sarap pa rin sanang umuwi sa pinas pag Christmas. last time i spent Christmas in the Philippines was way back 1999. Nasa province naman ako kaya di masyadong burat ang beauty ko…

    Sir, namamasko po… hehehe..loko lang. Gusto ko lang po batiin kayo ni ma’am Jet ng maligayang pasko at sa pagsapit ng bagong taon ay sana lahat tayo yayaman na. pagawa tayo sarili natin kalsada… bawal dumaan ang mga magugulang na drivers.. hahaha. 🙂

  2. very true yung number one. kaya nga hindi ako nakauwi =(

    yung numbers two to four, matagal ko nang alam kasi lahat ng pasko ko until last year, sa maynila.

    pumupunta ka ba ng toronto? let me know if you do. may mga pinoy bloggers din dito. nabisita mo pala si ghee.

    meri krismas na lang =)

  3. Hi KB – Nandito na ba kayo? I missed you both!

    PS: Magulang talaga ang mga airlines sa ticket prices. Bumili ang kaibigan ko ng roundtrip fare LAX-MNL on PAL. Dec. 16-26. $1800.000. Coach!

  4. happy holidays!

    ganon talaga ang traffic sa manila hindi lang ganitong holidays. parang gremlin lang ang mga kotse at tao pag ganitong panahon..dumadami sila na parang ewan. last year, it took me about 3 hours from makati to blueridge para lang magdeliver ng isang regalo! wish kong pumayat na sana ako habang ‘nagpapanggap’ na nagmamaneho.

  5. haha, ako, nasa number 3 pa lang… uuwi kami sa angkan ng tatay ko sa pasko. malamang mapagkakamalan din nila akong santa claus…

    hope you had a great time in pinas, bossing. have a jolly christmas and new year’s back in socal!

  6. maraming salamat ruth. narito na kami ni jet sa california. medyo malamig na nga at nakakapanibago. the trip home was great kahit marami akong nakitang hindi maganda. ingat.

    merry christmas stripe. sabi nga sa akin medyo naging mas grabe ang traffic sa manila ngayon. kailangan talaga ng ibang skill set para ma manage mo ang sarili mo sa traffic. parang nawala na sa akin ang pasensya. dati sanay ako ng 4 hours sa kalye each day. ngayon kasi 5 minutes lang ang drive ko from home to office dito. nakakapanibago.

    hey saint gigi. we just arrived today. dito na ulit kami sa socal. $1800 for a coach ticket to manila? gardenget – that’s really way too much. miss na rin namin kayo ni jet.

    hi PJ2. ngyehehe… sometimes i bitch just to amuse myself. but christmas in the philippines IS a bitch and yet we still keep coming home. some of us are really into… what’s the word? self flagellation, i suppose.

    oo nga angela, umuuwi tayo sa pilipinas kahit mahirap dahil gusto nating parusahan ang ating sarili at ma enjoy ang pasko at the same time. parang kalbaryo – hirap muna tapos salvation.

  7. lahat naman ata tayo may mga masochista streaks dahil uwi pa rin tayo ng uwi kahit mahirap. masarap kasi ang sakit sa katawan. hehehe.

    hopefully makarating din kami sa toronto one day. i really love canada and i’ve never been to the east coast of the country. puro vancouver lang ako. maraming salamat nga pala sa pag banggit mo sa akin sa website mo from time to time. merry christmas at happy new year sa iyo.

    hi ms manilena. hindi kami sa pilipinas magpapasko. may pasok kasi si jet sa pasko at bagong taon.

    hi winnie. thank you very much sa pagbanggit sa inquirer article. natuwa nga ang mga kamag-anak ko nang mabasa nila ito. at oo, we did have a lot of fun kahit sandali lang ang visit namin. ingat at maraming salamat ulit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *