TOP 10 REASONS KUNG BAKIT GUSTO KONG MANAPAK NG TAO

10. pag may nagpadala sa akin ng mahigit 1MB na e-mail pag overseas ako at naka dial-up lang. o kaya, pag may nagpadala sa akin ng mga forwarded na email within an email

9. pag nanonood ako ng sine at yung taong nasa harap ko ay nagkukwento ng blow by blow account ng kung anong mangyayari sa palabas tapos mali mali naman ang kwento. o kaya pag may nag ring na cellphone ng mga taong nasa near vicinity ko sa sinehan

8. pag may sumingit sa pilahan at dinedma ako pagtapos kong sigawan siya ng “HOY GAGO, the end of the line (QUEUE pag dito sa singapore) is at the back!

7. pag taeng tae na ako ay may naka harang na tao sa pinto ng banyo

6. pag may kumanta ng “MY WAY” sa karaoke.

5. pag nagpagupit ako at iniba ng barbero ang hati ng buhok ko. O kaya, pag hindi pinantay ng barbero ang patilya ko.

4. pag may katabi ako sa train or bus na may anghit, nangungulangot o kaya kumakanta ng sintunado. ibang usapan na talaga pag ang katabi ko sa bus ay may anghit na nangungulangot pa, habang kumakanta ng sintunado.

3. pag nagmamaneho ako papuntang baguio at nasa bulacan pa lang ay may magtanong ng “malayo pa ba?” parehas din siguro ito pag nadapa ako at may nagsabing: “nadapa ka? masakit?

2. pag may nang gising sa akin at nag sabing: “gising ka na?

1. pag masama ang loob ko at may nagsabi sa akin na “OK ka lang?” o kaya “ganyan talaga ang buhay…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *