TOO MUCH HEAVEN ON THEIR MINDS

wala kaming holiday dito sa california pag holy week at kahit biyernes santo ay may pasok kami. sayang nga, gusto ko pa naman sanang magpa-pako sa krus sa gitna ng hollywood boulevard. iniisip ko nga ang dahilan kung bakit hindi holiday dito kahit man lang good friday – siguro dahil puro mga pagans kami rito. oo raw, sabi ng isang kaopisina kong based sa houston. inis na inis dahil nasa california siya during holy week for some meetings. sa texas kasi, holiday ang good friday.

na miss ko nga bigla ang pilipinas. naalala ko kasi nung bata ako, ang ginagawa namin doon sa novaliches pag holy week ay kumain ng bibingka at puto bungbong pagkatapos ng simbang gabi. ay teka muna, christmas pala yon. ulit, ulit, ulit… ang ginagawa namin doon sa novaliches pag holy week nung bata ako ay panoorin ang libo-libong mga tao na naglalakad from all over luzon papunta sa grotto. marami ngang naliligaw sa subdivision namin at pag tinatanong nila kami for directions ay lalo namin silang nililigaw.

iba rin yung mga eating customs dito pag holy week – walang restrictions sa pagkain ng karne. imbitado nga kami ni jet kagabi sa isang dinner with our american and european friends. nagluto ang host namin ng roast beef. sarap nga eh. anyway, nung unang subo ko ay medyo ninerbyos ako. hinintay ko nga kung tatamaan ako ng kidlat. hindi malayo kasi malakas ang ulan dito kagabi. eh wala, kaya kinain ko na rin. sa tingin ko naman eh hindi pikon ang diyos at siguro naman ay hindi ako pupunta sa impyerno dahil lamang sa pagkain ng karne ng good friday. and besides, mas marami akong mga kilalang mga relihiyoso na mas gago pa sa akin. yon na muna unahin niya. ang inalala ko nga ay yung diet ko. ito kasi ang unang kain namin ni jet ng beef in over two months.

19 thoughts on “TOO MUCH HEAVEN ON THEIR MINDS

  1. Ganun? Pati ba naman si Sy, nagpi-pre-emptive calibrated response. My brother told me, may announcement daw ang SM na Black Saturday daw open na sila. They’re so mean. Median and mode.

  2. Dito sa Phoenix yung ibang opis half day pag good friday. Marami kasing mexicano dito na nag-oobserve ng good friday e. halos kapareho talaga natin sila ng praktises. meron din silang re-enactment ng pagpapako kay jesus.

    Yung tungkol sa baguio, iba talaga yung baguio pag holy week. in fact, in recent years, yung mga malalaking companya nag-oorganize pa ng party pag good friday. may pumupunta naman. halang na talaga ang kaluluwa ng mga tao.

  3. dito marami ring mexicano pero walang nagpapapako sa krus. o baka mayroon, hindi ko lang alam. sayang, mag a-apply pa naman sana ako ng taga sigaw ng “IPAKO SA KRUS!”

  4. happy easter pala sa inyo…kami naman dito sa houston, about 40% ay may pasok din ng good friday at saturday gaya ko..pati nga kartero may pasok sila nung byernes..yung pang mga hinayupak na yun…
    bagay, depende din sa work mo, kasi ako pinauwi ko mga tao ko after lunch..habang ako naman e natutulog sa opis, tapos uwi ng bahay kunyari pagod..lasing pa..hehehe

  5. actually, marami akong alam na mga lasing pag biernes santo. iniisip ko na lang na kaya nila ginagawa ‘yun kasi sorrowful sila dahil pinako si Jesus.

  6. Happy Easter to all!

    Dito sa Bahrain as usual may pasok lahat ng tao kasi muslim country. Pero ang thursday ginawang walang pasok ng boss ko kasi majority ng staff ay pinoy. Pero it doesnt mean na hindi sya kupal. He is still number one on my list. =>

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *