kaninang umaga, may nakatabi ako sa train na sintunadong humuhuni habang nakikinig ng kanyang walkman. actually, hindi huni. it was more like “excessively loud tuneless toneless humming”. alam nyo ba yung tunog ng refrigerator na binuksan mo ng madaling araw para kumuha ng malamig na tubig dahil gumising kang uhaw na uhaw? mas malala pa doon.
parang ganito yung katabi ko kanina: “hmmmmmm… MMM MMM MMM… MmmMmmMmmMmm… MmmMmmMmmMmm… MMMMMMMM… Mmm Mmm Mmm Mmm…. I love you! hmmmmmm… MMM MMM MMM… MmmMmm MmmMmm… MmmMmmMmmMmm… MMMMMMMM… MmmMmmMmm Mmm…. I love you!”
tama lang ba na pag-isipan ko na sapakin siya at sigawan ng “SYARAP your friggin’ MANTRA”!