Tomorrows rain will wash the stains away

nanood kami ng concert ni sting sa singapore indoor stadium. ano ba sa tagalog ang sting? “kagat” ba? as in the sting of a bee (kagat ng putakte). incidentally, hindi ko mabigkas ang salitang “putakte” nang hindi nakakaisip ng kabastusan. ewan ko ba. i really have a sick mind siguro. heniwey, ang sting ay pwede rin kasing “kirot” – as in “your vile toungue stings my sensitive heart”. ang concert na ito ay part ng kanyang sacred love tour at una nila para sa 2005. puting ining, ang galing ni sting kahit lolo na. iba talaga ang tibre ng boses niya and the concert made me realize why i am an engineer and not an artist like him. at napasayaw na naman kami – sa sobrang sayaw nga ay muntik na akong gumulong pababa ng stadium. nasa aisle seat kasi ako at bandang upper box area. katabi ko lang yung steps na may 100 foot drop. kung nagkataon, na diyaryo sana ako ngayon: “Filipino Engineer breaks his neck in freak tumbling accident during Sting Concert“.

kasama namin ni jet ang mga kaibigang bloggers na sina leah with husband eder at christine with husband ronald. kasama rin namin si owen na boarder nina leah.

after the show, kumain kami sa geylang area – besides being the center of prostitution in singapore, geylang is also a mecca for good excellent food. in my book, the best food in singapore. perhaps the two are related – ie. good food and prostitution. in any case, kumain kami ng beef hor fun sa “lorong 9” na to die for. naka 5 servings ata ako. sa sobrang takaw ko nga ay nakalulon ako ng malaking sili at nasamid ako. muntik ko nang bugahan ng pagkain ang mukha ni ronald. buti na lang at naagapan ko. malalagay sana ako (yet again) sa newspaper pag nagkataon: “Filipino IT Consultant hits Filipino Engineer with Hor Fun Bowl due to misunderstanding over discharge of high velocity food“.

back to the concert…

i forgot how much i loved the music of sting till we watched him perform. his lyrics are intelligent and the music touches the soul. a perfect combination for a very discerning rocker like me. case in point ang opening lines ng “fragile” which he sang last night:


If blood will flow when flesh and steel are one
Drying in the colour of the evening sun
Tomorrow’s rain will wash the stains away
But something in our minds will always stay

23 thoughts on “Tomorrows rain will wash the stains away

  1. mr batjay,
    long time, first time. isa akong mandaragat at nagawi na ako sa islang yan at memorable sa akin ang geylang. that was oh about 13 yrs ago and I didn’t go there for the food. nakakaaliw ang mga sulat mo at parang nde kumpleto ang araw ko pag di ko nabasa ang mga entry mo. sikat na sikat na ka na dre. i can relate to you kasi i’m also an ofw.

  2. dear junjun,

    maraming salamat sa pagsulat mo. natutuwa ako pag may kapwa kabayang OFW ang bumibisita rito. alam ko ay feel ninyo rin ang mga kakaibang mga experiences ng isang pinoy na kumakayod sa labas ng inang bayan.

    matagal ka na bang di nagawi sa singapore? sa ngayon ay marami pa rin siyempreng mga pinoy na mandaragat na dumadalaw sa singapore. tuwing linggo ay nakikita ko sila sa lucky plaza na tumatambay. natutuwa ako pag naroon ako kasi parang sa isang iglap ay nasa pilipinas ka sa dami ng mga pinoy doon. naroon pa rin ang people’s park at marami pa ring pinoy doon. at siyempre, narito pa rin ang pinakamamahal mong geylang. at oo, marami pa ring umaaligid doon nga mga sexy chickababes. mas marami nga ngayon kasi dinumog ang singapore ng mga chinese na babae from the mainland.

    yon na lang muna. ingat na lang sa iyo at hanggang sa susunod.

    jay

  3. ang lakas ng tawa ko sa entry mo, kuya batjay. agree ako, ang galing nga talaga ni Sting, walang kupas! kahit kabuhok na nya si einstein at elvis presley, receding and all, ang galing pa rin ng boses!

    worth it ang panonood natin ganon din beef hor fun (or kway teow) sa lorong 9. sana ay makabalik tayo dun.

    ingat!

  4. Bosing, galing talaga yang si Sting. Iba boses no? Kinanta niya pihado yung mga all time favorites ko na Englishman in New Yorl at Message in a bottle. Kinanta nya ba yung standard na composition ni Gershwin? Yung Someone to watch over me? Nag bass ba siya tulad ng ginawa niya dito sa Ultra? Hay anku, eto ko, nakikinig na lang sa tsismis…

  5. Hey Tito Rolly.

    Ibang klase talaga ang timpla ng boses ni Sting. High pitched na solid… very unique. OO, kinanta niya ang “Englishman in New York” at “Message in a Bottle”. Sayang at wala yung Gershwin na “Someone to watch over me”. Di na yata niya kinakanta ito.

    Yung “Fields of Gold”, ang ganda ng pagkaperform. Napa pikit nga ako. Si Jet nga ay naiyak… basahin mo ang blog niya ngayon.

  6. Sarap talaga manood ng concert no, mylab, lalo na marami kayo tsaka game lahat ng kasama mo. Sarap din ng after-dinner concert, pangpababa ng tama sa pagkanta ni Sting… hehe.

    Salamat talaga mylab ha. Kundi sayo, siguro di ko mapapanood ng live si Sting at hanggang ngayon e wishing pa rin ako.

    Labyu! 🙂

  7. hello mylab. enjoy ka ba talaga sa panonood sa concert ni sting? isa sa mga regalo ko yon sa iyo sa iyong nalalapit na happy birthday.

    alam ko kasi na matagal mo na siyang gustong panoorin. next time naman ay si da boss springsteen. sana mapanood natin siya ano?

    lab U!

  8. Tomorrow’s rain will wash the stains away
    But something in our minds will always stay

    Winner ang passage na ito. Malalim! Ang galing!
    Kung kasama nyo akong nanood ng concert…dalawa kami ni Jet na naiyak.

  9. ankel batjay,

    wow, inggit ako sa inyo! matagal ko ng idol and crush si lolo sting (yup, kahit lolo na sya) pero ni minsan hindi pa kami nakapunta ng concert nya. wah! siguro kelangan lakasan ko pa yung hint-hint ko sa labbydabby ko, hehe. anyway, yung favorite song ko sa sacred love album ay ‘whenever i say your name’.

    btw, nakapunta ako minsan sa singapore for a few days. pero hindi ko masyado natandaan yung mga pangalan ng mga lugar na kinainan namin, kasi sandali lang kami doon at hindi ko pa masyado na-orient yung sarili ko sa lugar. anyway, ang point ko pala is: we went to this place na malapit sa dagat at mey ‘outdoor’ food vendors selling food in carts at nagtitinda sila ng iba’t ibang pagkain tulad ng chicken satay and coconut juice (na isi-serve nila sa loob ng coconut). alam nyo po ba kung saan ‘tong lugar na ‘to? kelangan ko lang po ang tulong nyo para mabuo yung memories ko about singapore, hehe. tenkyu in advance! 🙂

  10. hmmm…. based on your description, and also based on the facts which cannot be denied, either this is Newton’s Circus, Fisherman’s Village, Changi Village or East Coast Park. take your pick. marami kasing places that fit your description but these 4 places are the ones where tourists visit because they are the most accessible. ganito na lang ang gawin natin – kumbinsihin natin si mark not only to get you tickets to a sting concert, but also to buy you round trip tickets to singapore. once you’re here, jet and i can take you guys around. how’s that? teka nga, masulatan si mark.

    oo nga pala – sting rocks. sana makanood kayo when he drops by your part of the world. kaya lang nga eh tapos na siya diyan. the only places remaining in his tour is asia-pacific.

    ingat!
    jay

    ps bakit gising ka pa?

  11. ankel b:

    amen to that! 🙂 sige, sana makapunta kami ng singapore and visit with you and auntie jet. see you sometime then. 🙂 and yup, sana maka-attend din kami ng sting concert sometime this decade, hehe.

    answer to your ps:
    my body clock is all backwards because i work the night shift. so kahit on my nights off (like tonight), hindi ako nakakatulog until about 4 or 5 am. and since you asked, share ko po sa ‘yo isang haiku i wrote in my blog last february ’04:

    insomniac’s haiku

    night’s cold and bed’s warm
    i wrestle with rampant thoughts
    sleep, sleep, come to me

    o, diva drama? sige na nga, makatulog na nga. 🙂

    ’till next post! 🙂

  12. wow. ang galing naman ng haiku.

    na inspire tuloy akong gumawa ng tula tungkol sa insomnia:

    paikot ikot ako sa kama
    dahil di makatulog
    pabaling baling ng ulo
    hanggang sa nauntog.

    ayun, sa wakas nakatulog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *