Toge or not Toge – that is the kwistyon!

Weekend-Lunch-01

ang toge ay kakaibang gulay. sa aking pananaw, ito ay munggong nagkaroon ng ambition na maging halaman. ang ginisang version nito ay isa sa pinakamadaling lutuin at pinakamasarap na pagkain. impak, ito ang recommendation ko para sa mga nagmamadali sa buhay at walang oras na magluto ng mga complicated na pagkain. mag init ka lang ng mantika sa kawali, ibuhos ang toge, lagyan ng paminta at asin. presto, in 5 minutes, mayroon ka nang ulam.

minsan pag naglalandi ako ay nilalagyan ko ng tokwa ang toge. ito’y variation na nagdadala ng kaunting “flair” sa pagkain. pero with or without tokwa, ang ginisang toge ay maganda para sa kalusugan. diabetic kaming parehong mag-asawa at isa ito sa mga mainstay naming ulam. simpleng gawin, masarap at masustansya.

24 thoughts on “Toge or not Toge – that is the kwistyon!

  1. di ako mahilig sa tokwa pero yung toge na niluluto mo masarap nga siya at gustong gusto ko. Impak!… tingin ko mas magaling ka nang magluto kesa saken e. Bihasang bihasa ka na sa kusina. Time was, sinaing lang challenged ka na. You’ve gone a long way baby. 😀

  2. batjay, kung pwede sa diabetic ang oyster sauce lagyan mo na din kahit konti para mas magkalasa. dito karamihan sa mga pagkain hinahaluan ng toge, di ko lang alam kung main ingredient nila yun o extender lang.

  3. Toge is one of the best! Nasubukan ko na rin iyan with tokwa and I agree na masarap nga. Gusto ko rin iyong toge na sine-serve as appetizer sa mga Korean restaurant. Salamat sa mga Intsik for discovering it. Hehe

  4. oo nga bossing. nawala sa ulo ko ang lumpiang prito. paborito ko pa naman kaya lang matagal na akong di nakakatikim nito. di po kasi alam kung paano ito gagawin.

    yung toge sa mga korean restaurant at steamed. great with their spinach and kimchi appetizer. mayroon dito sa irvine na maliit na korean restaurant na parati naming pinupuntahan.

    sayang. you’re missing a lot. eh di ka rin kumakain ng taho?

    diabetic ba tatay mo?

    di na kailangan ng oyster sauce pare. medyo bawas din kasi sa salt para walang hypertension. pag over 40 ka na, marami nang mga hindi pwedeng kainin.

  5. opo kuya. diabetic sya.

    nangungulubot na din balat namin kakakain ng amplaya hehe.

    pero ok to, dali lang pla gawin. 😀

  6. Kahit walang kanin basta toge,sarap din ng kain ko.Ganon din ang pagluto ko,gaya mo Batjay,mantika lang at paminta pero gamit ko ay kikkoman,sarap din!

  7. buti pa sa place mo ay may tokwang nabibili,dito sa lugar ko puro mukhang tokwa ang mga tao sa puti pero yung edible wala kang mabilhan!!

  8. hahaha! dati yan na ang lagi naming kinakain kasi nakakatamad talagang magluto. Tapos minsan kami na nagpapagawang toge sa munggo! (ilagay mo sa bulak o face towel, tutubo na) apir!

  9. dito din sa taiwan halos every meal na inihahain sa canteen namin ay may toge,very healthy.nung nasa pinas pa ko lumpia lang at ginisa ang alam kong luto ng toge kaya ng makita ko ang ginawa ng mga taiwanese, malupit!!!! hanep sa dami ng variation as if meron silang cookbook ng 101 ways to cook toge and in fairness most of it are not bad at all. ginutom tuloy ako…….

  10. sa singapore din, maraming mga toge dish. yung paborito ko ay ginisa na may halong sili. spicy pero magaan lang sa tiyan.

    pwede mo ngang hayaan maging toge ang monggo. tapos pag tagal magiging halaman yung toge at magkakaroon ng bungang monggo.

  11. usagi, ano ba yung nilalagay nila sa lutuin ng sweet and spicy na malakas maka-stain ng pula. dami ko na kase na-try na seasoning dito sa china pero hindi ko makuha yung lasa. nag-try ako ng lee kum kee, tapos yung seasoning nilang maanghang na may kung ano anong grains tapos nilagyan ko ng asukal pero wala parin.

    ineexplain ko sa mga kasama ko dito, duduguin na ilong ko di pa kami magkaintindihan. hahaha (sensya na batjay, naki-epal sa blog mo :P)

  12. Jay,

    Thank you for the suggestion…matagal na ‘kong hindi nakapag-gisa ng toge, masubukan nga uli…

    Kung mag-la-lunch tayo, dadalhan ko kayo ng lumpiang toge kasabay ng sukang maanghang….(kung payag ka!)

  13. KOTSENGKUBA
    I think yung sinasabi mong sauce na maanghang ang name nuon ay WASABI Sauce,meron kasi ditong nabibili.Kaya siguro ganon ang name nyan ay dahil walang masabi sa sobrang anghang;o))

  14. Naku Batjay early in the morning dito nung buksan ko ang site mo at nakita ko na naman ang toge,ginugutom tuloy ako.Ang sarap mag-almusal tuloy ng kanin na toge ulam.Miss ko tuloy nanay ko”krissy!kanin ang kainin mo bago ka pumasok sa eskwela!” imagine,4:30 am ang alis ko ng bahay nuon,kanin ang pinapakain!!Nanay ko talaga,kaya ako chubby nuong araw!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *