Today was once the future

maganda mag gunita ngayon ng nakaraan dahil malapit nang mag pasko. special pag ganitong time of the year kasi lahat ng tao ay masaya. kahit nga yung mga matatandang dalaga na masusungit dahil nagsara na yung labasan nila ng ihi eh masaya rin. kaya hayaan ninyo ako ngayon magbalik tanaw.


five years ago – nasa pilipinas pa kami ni jet. paalis ako sa kumpanya na pinagrabahuhan ko ng 12 years at papasok sa isang mas malaking kumpanya sa makati. ok na sana kaya lang hindi ko talaga ma take ang pag maneho from antipolo to ayala avenue. inaabot ako ng 4 na oras papunta at parito. pakiramdam ko nga eh tumanda ako ng husto sa commute. kaya nga welcome surprise nang bigla na lang akong nakatanggap ng tawag galing sa isang kaibigan kong singaporean. niyayaya niya akong doon na lang magtrabaho at pumayag naman ako – inayos nila ang working visa ko at within one month, nag resign ako sa bago kong trabaho sa pilipinas. filled with excitement, sumakay ako ng eroplano at pumasok sa isang buhay na both rewarding and fulfilling in so many ways. jet and i will eventually live for four years in singapore and will both be very sad when we would leave dahil talagang napamahal na ang lugar na ito sa amin.

five months ago – nasa singapore kami pero nag-a-alsa balutan na. aksidente lang na bumisita kami sa mga kaibigan namin sa california nung february. sila yung mga nakilala namin through my work. habang nag uusap usap ay sinabi nila sa akin na mayroong opening sa main office at baka gusto ko raw mag apply. nagpakipot pa ako at sinabing “aywilsee”. pero eventually, i did send my application letter and that started a series of events that culminated in getting transferred from singapore to the US. sila na rin ang umayos sa work permit at mga visas namin ni jet. end of july, we said goodbye to singapore and found ourselves here in california.

five weeks ago – living the california life. nasa newport beach kami ni jet dahil may conference ang company namin. doon kami matutulog ng ilang araw. maganda ang newport beach. parati ko lang itong nababasa at napapanood sa TV nung bata ako. ngayon, within driving distance na ito sa amin ni jet. what a difference a few years make. yung mga lugar na dati mong pinapangarap dahil nakikita mo sa mga pelikula at nababasa sa mga libro ay isinasabuhay mo na ngayon.

five hours ago – maganda ang gising ko. bigla akong napaisip habang humihigop ng mainit na kape – ano kaya ang mangyayari sa akin ngayon at kwarenta anyos na ako. will i still have the same drive and ambition? mas malayo pa kaya ang mararating namin? may pupuntahan bang lahat ang mga ginagawa ko ngayon? titigas pa kaya ang titi ko? it’s funny how much you can think of at 6 o clock in the morning.

five minutes ago – nagpunta ako sa banyo at umihi. oo, tumingin ako sa ibaba. kahit nakaharang yung malaki kong forty year old na tiyan eh nakikita ko pa rin naman yung forty year old kong pototoy. sana talaga, tumigas pa rin siya kahit matanda na ako. nararamdaman ko na rin kasi ang edad ko – makakalimutin na ako at medyo mahirap nang yumuko at magtali ng sapatos. pakiramdam ko minsan ay parang mawawalan ako ng malay dahil humihinto ang pagtakbo ng dugo sa ulo ko dahil bwisit na malaking tiyan gets in the way.

five minutes from now – dapat lang ay by this time, tapos na akong gumamit ng banyo. ang isa kong greatest fears? darating ang araw at babagal na ang pag patak ng ihi ko. nakikita ko ito sa mga kasabay kong mga lolo sa public toilet. aabutan ko sila sa loob na umiihi. sasabayan ko sila, matatapos. maghuhugas ng kamay, magsusuklay, magpupunas at kung ano-anong pang mga activity. pagtingin ko, umiihi pa rin si lolo. alam ko balang araw ganyan din mangyayari sa akin.

five hours from now – baka tulog pa rin ako. one of my pleasures at the moment: sleeping in a warm bed on a cold night na katabi ko at kayakap si jet. nahit magkalindol siguro at bumagyo, mahirap akong mapabangon. actually babangon lang ako ngayon pag “may i go out”. pag malamig talaga. ihi ka ng ihi.

five days from now – pasko na. sana merry na christmas pa. ito pa lang ang 2nd time namin ni jet na hindi magpapasko sa pilipinas. sana hindi malungkot. may mga kaibigan naman na nag invite sa amin kaya ok lang. actually, medyo matipid ngayon kasi hindi kami uuwi. ang barat ko talaga. minsan kasi, naiisip ko, malaki talaga ang gastos pag nasa pilipinas ka pag pasko. how much do we spend for the chiristmas holidays? malaki. basta malaki. isip ka ng number at lagyan mo ng limang zero.

five months from now – end of spring. papasok na ang summer at end na ng lease namin sa apartment. big decision. itutuloy ba namin ang pag rent sa current apartment o talagang magde-decide na to settle here at bumili ng bahay?

five years from now – forty five na ako. bwakanginangyan. plano ko sana eh mag semi retire na by this time at umuwi na sa pilipinas at magturo na lang. gusto ko kasing ibalik sa mga susunod na generation yung mga kalokohan at kaalaman na natutunan ko. to pass the torch, improve the next generation and all that shit. ang panalangin ko lang eh sana by this time dumating na yung malaking delubyo na matagal ko nang hinihiling kay lord para mamatay nang lahat yung mga nagpapahirap sa bayang magiliw. at sana tumitigas pa rin talaga. AMEN.

15 thoughts on “Today was once the future

  1. sana merry talaga ang christmas nyo. at sana merry din ang christmas namin.

    may god bless you more with what is really in life!

    salamat po lagi sa espasyo!

  2. Der Ankel,

    Nawa’y matupad lahat ng pangarap mo sa buhay. Na-aaliw talaga ako sa iyo, hekshuli galing galing mo talaga..

    P.S. Layp begins at 40… tsaka age doesn’t matter as long as it doesn’t show. Pero kung edad 40 ka pero mukha ka ng 80, yun ang malaking problema hek hek hek..

  3. Super xxx-mas sa inyo, Manong Batjay & Manang Jet.

    5 years from now pala target retirement mo ha. Ako we still have a long way to go. Kelangang lumaki muna si dyunior (yung anak ko hindi pototoy ni mister).

    I plan to retire at 55… At siempre sa Pinas din ang balak ko. And like you I want to teach but not in the standard teaching post. Sana we have enough money then because my ultimate dream is setup a charitable organisation for rural areas (as in mga barriong walang toilets etc)

  4. hi auee. 55 is not a bad age to retire. yung pilipinas dreams ko nga – i am having 2nd thoughts. sa bisaya “sikantot” ang tawag dito. mahirap kasi sa pilipinas dahil people get away with almost anything. pero siguro we just have to choose where we want to stay.

    in my case, jet and i would love to live in davao or somewhere similar.

  5. Bilis talaga ng panahon, di mo napansin yong 5 years ang dami ng nangyari sa buhay mo…

    I wish you and Jet all the best, Merry Christmas and a great 2006…may all your dreams come true, especially ‘yong retirement, siguro ako I still have to work for another 15 years….lol tanda na ako noon….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *