“To myself I am only a child playing on the beach, while vast oceans of truth lie undiscovered before me” – Isaac Newton

HUNTINGTON nakapag ikot din ako sa bisikleta nung sabado bago dumating yung bagyo. nagsimula ako sa newport beach at umakyat north bound sa huntington beach (kung saan ko kinuha ang photo na ito). ang huntington ay isa sa mga unang beach na napuntahan ko rito sa california kaya memorable ito sa akin. historic din ang location na ito dahil dito nagsimula ang surfing culture sa california.

dahil winter, kaunti lang ang tao at masarap mag bisikleta along the board walk. kailangan mo lang ng sweater at lakas ng loob na mag bike sa lamig. may mga kasabay rin akong mga ibang bikers at skaters. yung iba nga naka tank top at bikini. di ko alam kung paano nakakatagal ang mga kumag. parang pinaglihi sa ice candy at hindi ata nilalamig. marami ring mga surfers dahil over 15 feet ang mga along dala ng bagyo. buti nga nakapag bisikleta ako nung sabado. pag pasok kasi ng linggo ay bumuhos na ang ulan. hanggang ngayon nga maulan pa rin – parang umiiyak ang panahon. siguro nakikisama sa akin. pasukan na naman kasi bukas. ayoko pa sana mag opisina bukas kaya lang… kailangan kumayod para may pambili ng kaning lamig.

26 thoughts on ““To myself I am only a child playing on the beach, while vast oceans of truth lie undiscovered before me” – Isaac Newton

  1. happy new year! buti pa jan medyo malamig ng konti kaso nga lang panay ulan..baligtad naman dito sa min sa texas, ilang linggo nang di umuulan…like now, in the middle of winter-sunny skies and 80 degrees…parang miami!

  2. ang ganda nga mylab nung time na nasa huntington beach ako. kaunti lang ang tao. dito sa site na pinagkuhanan ko, ako lang mag-isa ang naroon. ang sarap nga na maupo sa buhangin at panoorin ang dagat.

    next weekend, punta tayo sa huntington or sa newport.

  3. nakaka senti ang shot mo, tito jay.

    pareho kayo ng feeling ni R, malungkot dahil after ng bakasyon kayod agad. yep, para rin may pambili ng kaning lamig. hahaha.

    ingat.

  4. hi tin. post vacation depression ata ang tawag dito. very typical lalo na pag long christmas break. mas lalong malala pag nasa pilipinas at january 2 na. ibig sabihin malapit nang lumayas na naman.

  5. Ako andito na sa opisina pero ang bigat pa rin ng pakiramdam kasi dapat natutulog ako ngayon e. Alam mo naman ang mga growing boys na tulad natin, kailangan ng maraming tulog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *