To lengthen thy life, lessen thy meals

nung araw, ang takaw takaw ko. kahit ano basta may sawsawan na patis o suka, kinakain ko. pati nga yung mga mabangong eraser na sikat nung elementary kami ay nginunguya ko. nabanggit ko na ba na mahilig ako sa kaning lamig? masarap kasi itong kainin kahit matigas, lalo na pag may tutong. pag ang ulam namin ay sinigang na baboy, ang gagawin ko ay ibubuhos ko ang maasim na sabaw sa plato, tapos papatungan ko ito ng isang malaking bloke ng kaning lamig. akala mo nga iceberg ang hitsura niya. doon ko naman sa kanin ilalagay ang kangkong, tapos dudurugin ko yung gabi sa sabaw para lumagkit ng kaunti. para mas masarap, kukuha ako ng isang platitong patis at didikdikan ko ng sili na galing sa pinaglutuan ng sinigang. packingsheet, ang sarap.

pero nag-iba na ngayon ang eating habits naming mag-asawa. lalo na ako. hindi na pwedeng kumain ng bloke-blokeng kaning lamig. hindi na pwedeng higupin ang patis pagtapos kumain ng taba ng sinigang na baboy. kwarenta na ako, diabetic na at may high blood pa. ngayon, tatlong kutsara na lang ng brown rice, bilang na rin ang ulam. kung minsan nga salad na lang ang kinakain ko. gulay, puro na lang gulay. minsan nga, pakiramdam ko ay para akong kabayo. sana man lang sa pagkain ko ng gulay ay humaba rin ang titi ko na parang sa kabayo.

27 thoughts on “To lengthen thy life, lessen thy meals

  1. bakit naman kung ano pa masarap kainin yun ang masama sa katawan… lalo na yung tocino tapos yung mantika gagamitin sa fried rice…

    kuya diet rin ako nowadays… usually saging tsaka apple juice, sana maganda rin epek sa pototoy ko lolz

  2. hi batjay!
    tagal ko namahinga…lumalamon din kasi lagi hehehehe
    totoong masarap yan! bakit tayo’ng mga pinoy natutunan nati’ng kumain ng kaning lamig, may tutong pa kung minsan? tapos sinigang na baboy at maanghang na patis…naglalaway ako…nag te-take ako ng xenical…pwedeng pwede! hehehe

  3. hey hi joyce. i hope you are well. oo nga, i haven’t heard from you in a while.

    panay na lang nga ang imagine ko. siguro magsasabi ako kay jet na magluto ng sinigang na baboy soon. matagal na kaming hindi kumakain nito. bawal na kasi sa akin ang maalat. paano kaya yon? may low salt bang patis na available? wala yata.

  4. Nasubukan mo na bang ternuhan ng tortang giniling yung sinigang? Tortang mas marami ang giniling ha. yung parang cake ang hitsura? The best!
    Kaya lang, pareho mo, iwas na rin ako sa taba at patis e.

    Subukan mong kumain ng spinach na nasa lata. Lalake muscles mo sa kamay at magkakaroon ng tatong anchor. Iwas ka lang kay Bluto ha.

  5. Dati, nung nag-post ka about hipon, napabili ako ng hipon. Ngayon, magluluto ako ng sinigang na baboy pero hinay hinay na lang ako sa pagkain…grabe, kakaalmusal ko lang, gutom na naman ako. Regarding sa patis, na-try mo na ba ang Bragg Liquid Aminos? Okay din kahit mas parang toyo. Wala siyang table salt pero may naturally occuring sodium…Pinapatakan ko na lang ng kalamansi at sili…

  6. Tiyong,
    Di mo naman kailangang i-deprive ang sarili mo sa mga tsibog na gusto mo. You can always “spoil” yourself once in a while, say a couple of times a month. Bawiin mo na lang kaagad sa exercise.
    Life is too short. Gaya na lang ng nasira kong ama. He spent the last 5 years of his life watching his diet and keeping himself fit, kahit na wala naman siyang sakit. Then all of a sudden he’s gone, nalunod while fishing off some Hawaiian coast.

    Matakaw din ako gaya mo, hanggang ngayon, but only once every other weekend. Kumpletong pinoy meals usually on a Saturday. Pinoy breakfast, ma-mantikang sabaw sa lunch, ginatan sa merienda, at beer sa gabi na may pulutang pritong isaw or bulaklak kung merong available sa store. Kung sinisipag pa nga, come Sunday, I make my favorite dinuguang manok sa gata’. Then I get busy with work sa yard o sa garahe, wash and wax the car, plus threadmill and bike. And sometimes my wife & I take a stroll sa nearby park.

    Off topic: you mentioned once na tubong Grace Park ka. Meron dating maliit na tindahan, I’m not sure kung sa dulo ng 10th o 11th, almost sa A. Bonifacio na, that makes the best okoy I’ve ever tasted. Alam mo ba ito? Hinanap ko ito last time I was home pero marami ng pinagbago yung lugar, di ko na siya makita.
    Ingat lang sir.

  7. Sa suweldo mylab, treat kita sa Asian Buffet, dyan lang sa El Toro, bandang Lake Forest. Celebrate natin ang pag-lose mo ng weight at pag-conquer ng diabetes and hypertension.

    I think may point si Dencio. Minsan naman siguro we can allow ourselves some nice things. 🙂 That is not to say though that I do not support your efforts cause I do and I am proud of you for doing it all on your own. And like I said, I’m happy when you’re healthy.

    Labyu! 🙂

  8. aba, panay pagkain ang topic a…sarap naman…tutal nabanggit mo titi ng kabayo e baka sa susunod sex naman topic pagkatapos kumain….hehehe

  9. yun ang gusto kong itanong sa iyo batjay? e pano yan nagkalat ang chinese buffet dito sa amerika at mura pa? siguro once in a while you can indulge moderately!ngek pede ba yun. we’re in the same age bracket, tinitingnan ko na ren ang kinakain ko ngayon, kasi nga ang diet ng pinoy e mamantika at maalat.

  10. paminsan minsan kumakain kami ni jet sa mga asian restaurants. may paborito kami na chinese-thai restaurant dito sa OC. mura lang at masarap pero matagal na kaming di bumabalik kasi nga maraming carbs yung paborito namin doon.

  11. salamat sa advice.

    hindi naman deprived ang buhay ko ngayon. actually masarap nga kasi na appreciate ko ngayon ng husto ang lasa ng pagkain. dati kasi, kain lang at walang tikim. ngayon, i really savor every bite. hindi na nga lang madalas ang mga pinoy meals but if jet cooks sinigang na isda or adobo, enjoy ako kahit kaunti na lang ang portions.

    i know that life is too short that’s why you want to live in moderation so you can enjoy what’s left out of life.

    sorry, hindi ko alam yung masarap na okoy sa grace park. isa lang kasi kinakainan namin – “lutong ulam” ang pangalan ng carenderia. nasa labas lang ng macabagdal gate ng notre. ang alam kong masarap na okoy, yung isang pinoy restaurant sa greenhills.

  12. Bragg Liquid Aminos? parang sabong panlaba ang tunog. sarap naman ng ulam ninyo – sinigang. nagluto si jet the other day ng sinigang na sword fish. ang sarap – parang tinolang isda ng mga cebuano ang lasa

  13. TORTANG GINILING! sarap – one of my faborites. lalo na pag medyo tustado ang torta pero medyo moist yung loob. nagutom tuloy ako sa kakaisip nito. tamang tama ma-suggest ko nga kay jet. bumili ako kagabi ng giniling na turkey meat. baka pwede na ito.

    speaking of spinach – yan ang isa sa mga kinakain ko ngayon. baby spinach, in particular. pag hinalo mo sa vinigarette sauce, ang sarap!

  14. asian buffet? sige mylab, punta tayo roon ng makatikim naman ng iba. sana nga parating mababa ang blood sugar at pressure natin.

    Like I said din – I am happy when you’re happy. Lab U.

  15. d ko ata kaya kumain ng walang kanin. kahit ilang tinapay or anuman ang kainin ko gutom pa rin ako, sa kanin lang ako nabubusog. Un lang kahit kain marino na ang gawin d pa rin ako tumataba =(

  16. hanube jay..food trip ka yata,haha! katawa ka talaga but……………..nagugutom ako everytime i visit your site.ahhh,i long for some pinoy foods right now,argh…. 🙂

  17. susginoo. uuwi na ako. gutom na ako. ganyan din kasi ako kumain ng sinigang.

    pero tama yang moderation. at ang kagandahan niyan, kapag di mo madalas nakakain, mas masarap pag inihain sa yo. 🙂

  18. ngyehehehe… ang sarap ng sinigang ano? sino kayang genius ang nag imbento nito? ang sarap kasi ng contrast ng asim ng sabaw sa alat ng sawsawan. naglaway tuloy ako.

  19. hi sachiko san.

    kamusta na sa land of the rising sun? kakatapos lang ng cherry blossoms di ba? ako, parating may craving for pinoy food pero i can’t eat it as much now. kaya nga, all i do is talk about it.

    ingat!

  20. huwag kang mag-alala, pag tanda mo ng kaunti tataba ka rin pag kain ka ng kain. sanayan lang ang walang rice sa diet. dati hindi ko rin kaya pero pag tagal nasanay na rin ako. mahilig nga talaga ang mga pinoy sa kanin – napansin ko sa asia, tayo siguro ang pinakamalakas sa kanin. yung mga iba nating mga neighbors hati sa rice and noodles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *