TO BE WHERE LITTLE CABLE CARS CLIMB HALFWAY TO THE STARS

To be where little cable cars climb halfway to the stars

i love san francisco so much it breaks my heart everytime we leave. buntong hininga. bwakangina, kung may pera lang ako, bibili ako ng maliit na apartment sa gitna ng city at doon na kami ni jet titira hanggang… hanggang sa pumuti na ang buhok ko sa betlog at kunin na ako ni lord. kahapon ng umaga, naglakad ako simula sa hotel namin malapit sa fisherman’s wharf hanggang sa ilalim ng golden gate bridge. puno ng fog ang bay at medyo malamig. parang ayaw ko nang umalis. iba talaga ang epekto ng city ng san francisco sa iyo. ngayon ko lang na realize na tutuo palang lahat yung lyrics doon sa kanta ni tony bennett na kinaiinisan ko nung bata ako.

ang photo namin ni jet ay kinuha ni jun-jun sa rooftop ng apartment building niya. si jun-jun ay high school classmate ko at naging host namin for the two days that we were in the city. maganda ang career ni jun-jun sa bay area at manager na siya ngayon ng isang sikat na restaurant chain. nakatira siya sa gitna ng aksyon sa city at ang bintana ng apartment niya ay may direct view sa golden gate bridge na hindi naman gold at wala namang gate. pag laki ko, gagayahin ko siya.

21 thoughts on “TO BE WHERE LITTLE CABLE CARS CLIMB HALFWAY TO THE STARS

  1. hello po!i’ve been reading ur blog for more than a year now..just wanna say thank you for your stories.ang galing!kung di ka mapapaisip, matatawa ka ng malakas!ur wife is soooo lucky to have you.ingat po.keep the stories coming!

  2. nire-reserba ko yan Sampransisko sa isang pulot gatang di malilimutan…sana makapunta ako at nandyan pa ang Golden Red Gate Bridge 🙂

    parang pumapayat tayo ah…

  3. haay, ako din!! i loove san francisco. buti na lang sister ko lives in san jose so everytime i visit them, i get to see san francisco at ung golden gate bridge na hindi naman gold at walang gate.

  4. Nasuwertehan kong mapuntahan ang San Francisco last May 2006. Tama ka. Maganda nga doon. Di ko nga lang nakita ng buo ang Golden Gate bridge (na di naman gold at wala namang bridge) dahil sa kapal ng fog. Sana makabalik ulit. Ang saya nyong tingnan! 😉

  5. Ewan ko kung ano ang nakikita ninyo sa San Francisco na hindi ko nakikita over the years. Mayroong gayuma ang ‘Frisco, pero hndi enough sa akin para duon tumira. I love the beneficial effect of inhaling LA smog and the thrill of steering away from freeway drive-by shooters LOL.

  6. kanya kanyang hilig ata yan pare ko. kung saan ka maligaya eh di more power sa iyo.

    hi tanya. we miss you too. sana makabisita kami sa seattle one of these days. hopefully sooner rather than later.

    hi linnor. nakita ko nga yung latest pictures ng travels ninyo. sarap kunan ng litrato ng golden gate bridge na walang gate at hindi naman gold, ano?

    hi hazel. kakadating lang namin ngayon sa sacramento after driving in and out of san jose at ang mga karatig lugar niya. grabi ang traffic. parang pilipinas.

    NINAAAAAAAAAAAAANG! oo nga, lalabas talaga ang pagka romantiko mo doon.

  7. sang ayon ako
    sa sinabi mo
    masarap tumira sa SFO

    narinig mo na ba?
    ang bali-balita?
    ang magsuot ng maikling palda
    at salawal
    ay maghipit ipinagbabawal
    sa bayan ng san francisco

    kasi ba namam daw
    ay baka dumungaw
    ang kanilang mga betlog
    at dapuan ng langaw !

  8. sayang, naging busy ako sa beybi at hindi na nakadalaw dito sa tambayan. kung alam ko lang na mapapagawi kayo sa sfo, sana na-meet ko na kayo ni jet finally (i live in san jose). anyway, next time 🙂

  9. lubos kang mapalad
    kaibigan jay
    na kailan man ay malayo sa pagka-gay
    ang ibig ko lamang malaman
    ay anong inihalong gayuma
    at napa-ibig mo ang iyong asawa?
    lubos ka nga’ng MAPALAD
    sapagka’t ang pangarap mo’y natupad !
    sa ganda ni jet
    ay dapat mo siyang ibili ng helmet!
    ingatang mauntog
    at baka ang pangarap mo’y maudlot!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.