TIME FLIES LIKE AN ARROW; FRUIT FLIES LIKE A BANANA

mayron akong malaking delay sa travel time pag umalis ako ng after 7 am. ang analysis ko ay nasasabay ako sa start ng rush hour. karamihan kasi sa mga office workers ay sabay sabay umaalis ng mga 7 AM at exponential ang increase ng tao sa kalye. buti na lang at naka bike ako. at least i can weave in and out of the traffic. exciting nga eh dahil para akong nasa obstacle course. ako lang ang gumagalaw habang naka gridlock ang mga sasakyan. enjoy talaga ako sa pag bike ko to and from work. ang medyo ayaw ko lang ay ang bwakanginang shower room sa building namin. walang naglilinis ng mga shower cubicles porke ako lang kasi ang gumagamit. paano ko nalaman? yung tinapon kong bote ng conditioner before christmas ay naroon pa rin sa basurahan hanggang ngayon.

gusto ko sanang mag reklamo kaya lang malambot ang puso ko doon sa mga janitor namin dito sa opisina. as in most of singapore, ang cleaning duties sa company namin ay binibigay sa mga retired singaporeans. karamihan sa kanila ay mga mahihirap na matatanda, aged between 65 to 75 years old. nakakaawa nga. sila ang generation na nagpa-angat sa singapore and what do they get? comfortable retirement? NO way! walang welfare sa singapore and you don’t get anything if you don’t work. paano ako magre-reklamo ngayon kung alam kong pag ginawa ko ito, isa sa kanila ay masisibak. tangina, di ko ata kayang sikmurain na matanggal sa trabaho ang isang 75 year old na lolo or lola.

2 thoughts on “TIME FLIES LIKE AN ARROW; FRUIT FLIES LIKE A BANANA

  1. Hindi kaya puwedeng dumiretso ka na lang sa kanila para mag-request na medyo linisan din yung shower room? Alam ko nakakaawa sila. Pero nakakaawa ka din pag nakakuha ka ng infection from the mold and stuff that might already abound in your uncleaned shower room. Di ba may mga ka-batian ka naman sa kanila? Baka puwede lang personal request. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *