Through early morning fog I see

simula pa nung malaman naming aalis kami, isa lang ang gusto kong gawin parati: ang ma re-experience lahat ng mga bagay-bagay na nagustuhan ko sa singa bloody pore. ngayong gabi, kumain kami sa peborit naming thai restaurant – ang lemon grass sa downtown east. kasama namin ni jet si antonia, isa sa mga naging kaibigan namin dito. siya ang nagturo sa amin tungkol sa mga do’s and don’ts, saan masarap kumain, saan bibili ng this and that nung una kaming dumating. wala rin siyang tinatago kaya masarap siyang kausap tungkol sa singapore life. si antonia rin yung nagsabi sa amin na karamihan daw sa mga singaporean na lalaki ay boring at puro trabaho lang ang inaatupag. kulang na lang sabihin na wala silang kalibog libog sa buhay. hehehe… hay buhay. ang isa pa sa mga pinag usapan namin kanina ay tungkol sa suicide. paano ba namin naging topic ito? ah, i forgot.

heniwey, sa paguusap namin ko nalaman (ewan ko kung tutuo) na sa singapore pala, ang suicide ay isang crime. pag nalaman daw ng mga may kinauukulan na nag attempt kang magpakamatay eh maari kang makulong. and then what? papaluin ka pa raw sa pwet ng yantok. nagpakamatay na nga eh papaluin ka pa! tapos tinanong ko kung paano pag namatay yung nag suicide? papaluin pa rin daw sa pwet (pero hindi na ikukulong, siyempre). kaya kung mabuhay ka raw pag nag attempt kang magpakamatay dito, huwag mo raw aaminin pag tinanong ka ng mga pulis. so halimbawa, nagbigti ka tapos hindi ka namatay – sabihin mo na lang siguro sa mga pulis na gusto mo lang patunayan kung tutuo yung universal law of gravitation ni newton.

23 thoughts on “Through early morning fog I see

  1. ang tindi pala ng mga yan pagdating sa suicide ano? napakainteressanteng kuntil butil naman niyan bosing.

    tiyak na mamimiss nga ninyo ang singapore. di na bale, maraming adventures pa ang naghihintay para sa inyo dito sa yu-es-op-ey

  2. oo jop, kaya pag nag suicide ka rito, siguraduhin mong patay ka para hindi ka mapalo. or hindi mo maramdaman na may pumapalo sa iyo. maganda nga uminom muna ng lason bago mag bigti para sure ball.

    kakatapos ko nga lang mag bisikleta – dumaan ako sa park na parati kong pinupuntahan for the last time. ito yung malapit sa beach. na senti ako.

  3. change topic po muna…pag umalis na ba kayo ni ate jet sa singapore eh papalitan mo na din ang subtitle ng blog mo?…wala lang, naisip ko lang po…sige, balik na po ulit sa main topic….

  4. i still don’t think it’s true na fina-flog pa yung namatay as a result of suicide. granted may pagka-offbeat yung mga laws ng singapore, pero many singaporeans deal with it with an equally offbeat manner….by sensationalizing it.

    pero the one thing i totally agree with is the fact that most local men here are workaholics….and make terrible lovers…daw. hehe…i wouldn’t really know about the “lovers” part. 😛

  5. oo nga ate leah.

    sa tingin ko eh niloloko lang ako ng kaibigan ko. ngyehehe. bakit pa nga naman papaluin eh patay na. so, totoo pala talaga ang mga workaholic singaporeans na walang ka amor amor.

  6. napanood ko dun sa “the eye” na pag nag-suicide ang isang tao eh bilang kaparusahan, araw-araw, sa oras din na nagpakamatay siya eh nagpapakamatay ang kanyang kaluluwa.

    share lang!

  7. kya nga ayaw ko magasawa ng isang singaporean eh hehehe, nagpapakamatay, at walang ka el el, aysus hahahaha…pinoy parin ang da best!

  8. Off topic din…bittersweet ang paglipat nyo sa USA. Sana ay meron pa ring Kwentong Tambay na mababasa kaming mga laging nag-aabang dito. 🙂

  9. oh carol.

    hindi naman siguro lahat… karamihan lang. ngyehehe. may mga kilala naman akong lalaki na mahilig. ah isa lang pala siya. the rest nga puro seryoso sa buhay.

    tatlo sa mga colleagues ko sa trabaho ang binata pa. one is in his early 40’s the two are in their mid 30’s. wala ring mga girlfriend. di ko nga alam kung bading o torpe.

  10. ganon ba dyan, balak ko pa man din magtrabaho dyan in the future. dapat makapagasawa na dito sa pinas kundi, baka maging matandang kadalagahan ako dyan. sus! hehe..

    naku, sana naman ay makapagblog pa kau manong batjay! inaabangan talaga ang mga post mo! pag boring dito sa office e yan lang ang binabasa ko para maaliw! =p

  11. hi con. marami namang mga pinoy rito na binata. sana hindi sila nahawa sa mga singaporean copunterparts nila. subukan ko pa ring mag post pag napunta na kami sa yu-es-ey.

  12. hmm, that stirred my interest to ask my singaporean colleague here. patay na nga, may parusa pa. ang weird. hehe.

    observation ko lang based on my exposure to singaporean men. bihira sa kanila hygienic! di yata everyday ang ligo, di ko sure pati toothbrush. hahaha.

  13. hi tin.

    ngyehehehehe… mahirap yon tin pag dehin goli lalo na para sa ating mga noypi na mahilig maligo. kung sabagay, marami na akong na meet na mas malala. mayroon akong mga colleagues from china, korea at europe – isang linggo bago magpalit ng shirt.

  14. ay nako, your move will be a great loss to singapore! in the land of boring and lackluster men, mawawalan ng batjay na punong-puno ng li… gaya. oy ha, tuloy pa rin ang kwentong tambay (baka this time puro showbiz naman, he he).

  15. hi vangie.

    hindi naman great loss. marami pa rin namang mga pinoy rito na nakakatawa at mahilig. sana nga makapag tuloy pa ng kwento sa california. i’m sure mas maraming kwento roon. california from the eyes of a probinsyano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *