They paved paradise and put up a parking lot

kung gusto mong itaas ang estado ng buhay mo, hindi talaga pwedeng parati na ka na lang kuntento at maligaya. magiging stagnant kasi ang buhay mo at kamot bayag at tiyan ka na lang habangbuhay. for some people, acceptable ito but not for us who want to make our world better and our lives meaningful. sinasabi ko ito kasi karamihan ng mga OFW na tulad ko ay nag decide mag abroad kahit alam nilang mahirap dahil gusto nilang pagandahin ang buhay nila at ng kanilang pamilya.

pero may mga trade-offs kang dapat timbangin. pag nasa pilipinas ka, masaya pero walang pera. pag abroad, may pera pero hindi kasing saya. kailangan ata eh tanggapin mo na ganito talaga ang takbo ng buhay para makadiskarte ka at makagawa ng paraan para magkaroon ito ng kabuluan.

kung magsalita naman ako minsan, akala mo porke OFW ka eh para ka nang may pasang krus parati. on the contrary, maganda naman ang buhay namin ni jet, all things considered. may katumbas na sweldo ang aming pinagpawisang trabaho. nakakatulong kami sa mga kamag-anak sa pilipinas at may naiipon pa ng kaunti. safe dito sa tinitirahan namin at wala akong iniisip na may tatarantado sa amin. hindi ako tumitingin sa likod pag naglalakad. may mga kaibigan na rin kami rito at mas importante, yung iba kong barkada sa pilipinas ay narito na ring kasama ko.

ang dami ring mapupuntahan na mga sikat na lugar dito. nabanggit ko na ba na kapitbahay lang namin ang disney land? big fucking deal para sa isang dating batang tulad ko na nananaginip nung araw sa barrio talipapa na sana ay makarating siya sa bahay ni mickey rat. ang irony lang nga eh simula nang tumira kami rito ay hindi pa kami nakakabalik sa disney land. mahirap talagang maging turista sa sarili mong neighborhood. but the fact that it’s within easy access and that i could go there if i wanted to is good enough for me. ayan, napa ingles tuloy ako.

ang dami kong mga binanggit ‘no? pero actually, ang gusto ko lang sabihin gentle reader ay ito: hindi ako nagsisi na umalis kami sa pilipinas dahil kahit papaano ay masaya ako rito.

ingat na lang at good luck sa mga plano ninyong mag abroad.
unkyel batjay


BAGO TAYO MAGTAPOS, ISA MUNANG SHAMELESS PLUG

kung mayroon kayong spare time, imbes na mangulangot eh panoorin ninyo ang “BORAT: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan


BWAKANGINANG PELIKULA ITO, MATALINO AT TALAGANG NAKAKATAWA.

tawa kami ng tawa ni jet sa sinehan. i think this is going to be a very big hit. click siya sa audience dito sa california. actually, ngayon lang kami nanood ng sine rito na mahaba ang pila sa opening day.

hindi ko nga lang alam kung ipapalabas ito sa maynila kasi bastos, offensive, racist at may nudity. pero ito ang movie that exposes america’s hidden prejudices about women, gay people, colored people, jews, etc. you have to see it to believe it. it’s a powerful and funny film.


25 thoughts on “They paved paradise and put up a parking lot

  1. “acceptable ito but not for us who want to make our world better and our lives meaningful….”

    -agree po ako sa inyo… btw, i was able to read your book, (yung una), at kayo ang aking inspiration para sa bubuksan kong blog. more power!

  2. Tito Rolly, mas kawawa siguro yung taong miserable na sa buhay niya and then he takes it out on the people na kahalubilo niya sa araw-araw. Biro mo, malungkot na siya, wala pa siyang magiging kaibigan dahil sa ugali niya. Hahaha! Bakit ko ba napoint out ito? Wala lang, may recent encounter lang kasi. No big deal. hahaha!

    Titser Junjun, isa palang naman po talaga ang libro ni Batjay, wala pang pangalawa. Salamat po sa pagbasa.

    Mylab, madami pa tayong papasyalan at babalikan na mga lugar. Kagandahan nun, it never goes stale. The next time we visit the same place, we know better what we do there than just oggle and pass through… hehehe.

  3. hello po! saan pwedeng bumili ng book mo batjay? pero sana yung malapit lang, laguna po kasi ang location ko.i love your story, i mean yours and jet’s.gusto ko yung ganitong mode ng blog mo,nakakainspire. pero funny din yung mga medyo bastos,haha! engineer din po ang hubby ko, we are planning to try our luck din sa singapore. konting tips naman dyan;)

  4. tip sa paghanap ng trabaho sa singapore: hmmm…. pag walang contact na employer or recruiter sa pilipinas, your best option is to go there and apply. wala namang visa sa singapore kaya pwedeng pumunta as a tourist anytime.

    you can try to apply directly. may mga clout ang mga kumpanya sa singapore and if you or your husband are qualified, the government can give you a work permit in less than a month.

    BOOK: try national bookstore

  5. tama yung sinabi mo kuya, “be happy, wherever you are”! after all… ikaw naman talaga ang gumagawa ng lahat ng ito db?! gudlak pa po sa inyong mag-asawa! more blessings to come..

    ingat po lagi kayo ni te jet!!

  6. i have seen the aliG show at HBO and youtube. in fact, they are showing season 1 and 2 of aliG at HBO non-stop, probably to support the borat movie.

    thank you nga pala, buti naman at na-eenjoy mo ang “bog” ko.

    salamat din rho. sabi ko, tanggapin na hindi mo makukuha lahat ng gusto mo para makadiskarte ka at makagawa ng paraan para magkaroon ng kabuluan ang buhay.

  7. naku tamang tama yata ang pagkakabasa ko dito sa entry nyo ngayon sir batjay! =) balak ko na kasi mag-abroad e! sana pag nabigyan ng chance e maging masaya din ako, kung san man ako! =) yey!

  8. Minsan kapag nakakaramdam ako ng pagod naiisip ko na sana nasa pinas na lang kaming mag-iina at doon ay pwede akong kumuha ng makakatulong sa bahay tutal may allotment namang darating sa amin monthly. Kapalit naman noon ay mahihiwalay ang mga bata sa tatay nila, parang mas mahirap yata. Mas masarap pa rin yung magkakasama ang buong pamilya. Sabihin nating pagod nga ang katawan pero panatag naman ang isip.

  9. bossing batjay.. akmang-akma ang sulat mo ngayon.. kasi nasa shanghai ako ngayon.. hinahanap si jackie chan di ko makita.. nalulungkot ako kasi ngayon lang ako nahiwalay sa pamilya ko.. pero naiinis din ako kasi inimbita ako ng kumpanya na pumunta dito pero di maganda ang ginagawa nila para sa akin.. pinapahirapan ako.. lalo na sa byahe.. well anyway, sabi mo nga if you want to make your life better kailangan may katapat.. lungkot pero temporary lang naman kasi eventually makakasama ko na rin mga mahal ko sa buhay…
    sir kelan ka pupunta ng china?

  10. Kailangan talaga para umunlad sa buhay ang sakripisyo. Ok lang iyon dahil kasama sa kasiyahan natin sa buhay ang maabot ang pangarap kahit pa nga may lungkot minsan.

    Malamang di mapayagan dito sa atin ang pelikulang iyan, sa title pa lang lagpak na sa MTRCB, baka sa Quiapo makabili kami niyan πŸ™‚

  11. no matter how you look at it, may trade off ‘yung pagpunta sa abroad para mabuhay ang pamilya. ang masaklap nyan, may mga pagkakataon na ang sakrispisyo ay nauuwi sa wala. sa ingles: it’s all for naught.

    anyway, life is always good.

  12. My first job in the U.S. was a car salesman. This was in August 2005 IN PHOENIX, AZ (Valley of the Sun). I remember while I stand outside the parking lot, waiting for a customer (yes, para prosti) to pull in, I asked myself: Did we do the right thing? Kasi sa Manila, i had very comfortable job, ok ‘yung sweledo, etc.

    Anyway, tapos na ‘yun. I now have a better job. However, I still would advise anybody thinking of going overseas to think it over. It shouldn’t always be about the money and the financial gains. laging may trade off.

  13. Batjay – ako po ay isang teacher na nagba-blog ng mga katarantaduhan at kung anu-anong kaganapang nagaganap sa aking buhay bilang isang guro. Ang blog nyo pong ito talaga ang inspiration ko sa pagbubukas no’n.

    Jet – hello po ma’am jet. πŸ™‚ I was just confused, kasi volyum 2 na itong blog, i thought may volume 2 na rin ang book. πŸ™‚ Nakakatuwa, feeling ko nakasama ko na kayo ng matagal ni sir batjay nang mabasa ko ‘yung book. πŸ™‚ more power po sa inyong dalawa.

  14. ingat lang sa pagkwento pare ko. yung profession mo kasi medyo sensitive. baka may masabi kang hindi maganda sa pandinig ng mga parents ng students mo. good luck.

    car salesman sa phoenix? kyul!

    dear mr. tamad – mas maganda nga if you can bring your family with you.

    quiapo para maghanap ng borat movie. BWAHAHA. how appropriate.

    hi roamee. sa end of the month, nasa shanghai ako. good luck sa iyo diyan sa china.

    hello ann. mahirap pag malayo kayo. ang parati kong sinasabi nga ay if there is a way for your family together then do it even if it’s hard and expensive.

    good luck dayunyor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *