There’s room at the top they are telling you still

magiging seryoso ako ngayon at pag-uusapan natin ang mga katangian na hinahanap ng mga kumpanya sa mga nag a-apply sa kanila ng trabaho at ang mga common questions na tinatanong sa mga interview. isasali ko rin ang mga katangian na hinahanap sa inyo ng mga managers sa evaluation ng iyong first six months. siyempre dahil engineer ako, related ang topic na ito sa mga katangian ng isang magaling na engineer. pero applicable din sa mga non technical positions tulad ng isa kong sideline – ie nagkukulot ng buhok.

1. MARUNONG KA BANG UMINOM? sa mga job interview, ito ang una kong tinatanong. ice breaker ito pero importante rin dahil kadalasan sa mga project work, magpapainom ka ng customer para ibigay sa iyo ang project or papainumin ka ng supplier para ibigay mo sa kanila ang project. in both cases, iinom ka whether you like it or don’t.

2. ILANG BOTE ANG KAYA MONG INUMIN? siyempre ang sagot sa Q#1 ay “OO” kaya ang follow-up question ay tungkol sa capacity. ang tamang sagot sa potential employer mo ay: “HINDI MASYADO SIR, MGA DALAWANG BOTE LANG, TAPOS HINDI NA AKO NAGBIBILANG”.

3. PRACTICAL QUESTIONS. minsan during the interview, bibigyan ka ng mga trick questions. halimbawa: “kung nakasakay ka sa isang bangka kasama ang nanay mo, asawa mo at si ara mina. tapos biglang lumakas ang alon at tumaob ang bangka, sino ang una mong sasagipin?” siyempre ang tamang sagot ay si Ara Mina. ARAYKUP! sinong nambatok sa akin? mylabopmayn biro lang yon… ang pinaka tamang sagot ay: “SIR, YUNG PINAKAMALAPIT PO SA AKIN” kasi ito ang pinaka practical na solution. pop quiz lang naman ito kaya di kasali ang damdamin sa sagot.

4. EXPERIENCE COUNTS. tinitignan din siyempre ang previous work experience. kung virgin ka pa sa trabaho, yung mga sinalihan na mga orgamization ang titingnan (malaki ang pogi points kung presidente ka, halimbawa, ng sharon cuneta mataba sha fans club). kung senior position ang opening, siyempre titingnan ang work history mo, duration ng stay sa company, references, etc. importante ba ang experience? you bet. ano ba ang experience? let me put it this way: kunware nag sama sama kayo sa project sa bundok, pagkatapos nagka brownout. yung taong may experience ang biglang bubunot sa backpack niya at magaabot sa iyo ng flashlight. may experience na kasi sila sa mga ganitong situation at alam nila na malimit mawalan ng kuryente sa bundok.

5. COMMON SENSE MAKE SENSE. above all, common sense ang tinitingnan ko sa mga bagong tao. itinuturo ito pag bata pa lang and you cannot learn this in the classroom. common sense siguro ang pinakaimportanteng qualification sa lahat ng qualification. marami na akong napauwi na mga cum laude (magna cum yelo, zuma cum galema at kung ano ano pang mga cum) – mga honor student na walang magawang tama sa trabaho dahil walang common sense. ano ba ang common sense? let me put it this way. kunware, nag sama sama kayo sa project sa bundok, pagkatapos nagka brownout at binigyan ka ng boss mo ng flashlight. yung may common sense, hindi na magsasabi ng: “BossJay, sisindihan ko ba itong flashlight?

6. TAKE THE INITIATIVE. isa pang importanteng skill na mahirap ituro sa classroom. ang initiative ay yung ability ng isang tao na gumawa ng paraan on his own. very important itong skill sa project engineering. pag kasi nagbigay ang project manager ng instruction: very general ito, and it’s up to the project engineer to find a way to execute. the best project engineers are usually those who can work without being told what to do. those who can think for themselves and make the correct decisions. these people are worth their weight in gold. so, ulitin natin. ano ang inititive? kunware, nag sama sama kayo sa project sa bundok, pagkatapos pinagluto ka ng boss mo ng pansit bihon. later on nalaman mo na wala palang bihon at malapit nang mag lunch. yung may initiative, gagawa na lang ng chopsuey kasi alam naman natin na ang chopsuey ay pansit bihon na walang bihon.

7. I CAN SEE CLEARLY NOW. sabi sa dictionary, ang foresight daw ay “the ability to judge correctly what is going to happen in the future and plan your actions based on this knowledge”. doon sa problema natin sa pancit bihon sa itaas, yung taong may foresight ay parating may nakahandang bihon dahil alam niya na ang boss niya ay mahilig sa pansit. sipsip din ang tawag doon sa taong iyon, pero that’s another story.

57 thoughts on “There’s room at the top they are telling you still

  1. hay naku. wag nang sagipin si ara mina. lulutang syang kusa. ๐Ÿ™‚

    kakaaliw yung mga bundok. at natuwa naman ako sa sarili ko na alam ko na ang chop suey ay pansit na walang bihon.

    parang arrozcaldo yan eh. palitan mo lang yung malagkit ng sayote at dahon ng sili, tinola na.

    keep it up batjay!

  2. lagi ako nagagawi dito pero ngayon lang ako magpo- post.galing kasi ng mga tips mo.sana masalubong kita sa orchard at makapag pa otograp naman.

  3. kamusta diego.

    sana nga magkita tayo one of these days sa orchard road. parati naman ako roon. laman ako parati ng comics section ng takashimaya. paminsan minsan ay nagpupunta ng lucky plaza para bumili ng suka at toyo. pag nakita mo ako, kilitiin mo lang ako para makaututang dila man lang kahit sandali.

    buti naman at nagustuhan mo ang mga ttips. yan ay galing sa tunay na buhay na experience ko sa kabundukan.

  4. hi jessie.

    hehehehe. arrozcaldong walang malagkit na may sayote at dahon ng sili ay tinola. oo nga naman. ayos. may natutunan ako sa iyo.

    matagal kasi ako sa bundok eh kaya ang dami kong kwentong bundok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *