There’s nothing better than a good friend, except a good friend with CHOCOLATE

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nabasa ko ito sa balita kanina: “women who eat chocolate regularly had the highest levels of desire, arousal and satisfaction from sex”. ang gusto ko lang malaman eh: paano naman yung mga pilipino na mahilig sa “chocnut“?

BATJAY: dear gentle reader, ano ba ang ingredient ng chocnut? di ba chocolate din? kaya the next time na magpabili ang partner mo ng chocnut, huwag ka ng ilokanong bato at manghinayang sa $3 price per box. itodo mo na pati pamato at panabla. ano ba naman ang sampung kahon na chocnut (a $30 price tag) kung ang katumbas naman nito ay mind-numbing, halos magka sore throat ka sa kakasigaw na sex.

14 thoughts on “There’s nothing better than a good friend, except a good friend with CHOCOLATE

  1. Batjay, peborit ko din ang Chocnut. I prefer it to American chocolates though European ones are arooy maa (very delicious). Pero nothing beats good old Chocnut especially because it also brings back a lot of wonderful childhood memories. Buti na lang nung bata pa ako, di ko alam ang epek ng tsokolate ano, haha.

  2. hi yasmin. kamusta na diyan sa bangkok? i’m sure you’re having a blast.

    mahilig din ako sa chocnut. pero walang effect sa akin. siguro dahil matagal na akong mahilig. hehehe. mahilig sa chocolate.

  3. hi tin ni roland na kaibigan ni tin ni ronald.

    ikakasal ka na nga pala ano? wow. hindi mo pa kailangan ng chocnut ngayon dahil bago pa lang kayong magsasama. i am sure that your “level of desire” will be the least of your worries.

    try eating chocnut after 7 years.

  4. kung mas maraming nuts ang chocnut eh di dapat pala ang pangalan nito ay nutchoc? hindi bagay.

    masarap nga ang mismong bunga ng cacao, hindi ba doc? maraming cacao sa inyo sa batangas. one time nasa hidden valley kami sa laguna naman, ang dami naming nakain na mga tanim na cacao doon. natakot lang ako at baka may higanteng tuko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *