THERE’S A STRANGE NEW MUSIC IN THE STREET

mga bagong bili na mga CD. baka kako magustuhan nyo rin.

Morph the Cat, By: Donald Fagen – nakakapagtaka na ito pa lang ang third album ni donald fagen. we know him of course as the other half of Steely Dan. this is actually fagen’s first in 13 years and it’s especially poignant becuase the songs are about growing old and about death. pero hindi siya morbid – impak, mapapasayaw ka pa nga because my main man fagen: he’s got the groove. ibang klase talaga ang musika nina becker at fagen – quirky, funny, dark and always off center. e.g., here’s fagen talking to soul legend ray charles in a song called “what i do“:

I say “Ray, why do girls treat you nice that way?”
He said it’s not what I know
what I think or say

It’s what I do

steely dan will be touring this summer with michael mcdonald. pupunta sila sa verizon ampitheatre sa july 17. this is just 15 minutes away from where we live. sana mapanood namin sila ni jet.


All the Roadrunning, By: Mark Knopfler, Emmylou Harris – collaboration ni mark at emmylou. si mark of course ang lead singer ng dire straits at idol ko sa pag gitara. you can listen to a never before heard song of mark knopfler at mahuhulaan mo agad na siya ang gumawa nito. very distinct kasi ang malalim niyang boses at mahusay niyang pag gitara. milya milya pa lang ang layo mo eh alam mo na siya ang tumutugtog. what can i say about emmylou? she has a sexy silky voice na marinig mo pa lang eh titigasan ka na. ang album na ito ay ginawa, on and off, over a span of 7 years – i.e., a few hours of studio time here and there while they were touring separately. the fact that this was completed is impressive in itself.


How Sweet It Is, By: Joan Osborne – medyo nakilala si joan osborne sa kantang “one of us“. sayang nga at hindi siya sumikat like some of the artist na nakasabay niya. perhaps this is just as well para hindi siya masyadong mabaduy. anyway, ang CD na ito ay puro mga cover songs ng mga rock, soul at mowtown classics at bagay na bagay sa style niya. na guest recently sa isang radio station si joan at kumanta siya ng live. napakinggan namin ito ni jet habang nasa kotse. humanga kami ng husto – ibang klase talaga ang dating ng boses niya.


We Shall Overcome: The Seeger Sessions, By: Bruce Springsteen – may bagong album na naman si “da boss”. ito ang unang ginawa ni springsteen na puro covers at appropriate na piliin niya ang mga folk songs (sa pilipinas ang tawag dito ay “poksong”) na pinasikat ni pete seeger. wala kahit ni isang e-street band member sa session na ito. instead ay nagbuo siya ng isang 14 piece band (complete with accordion, banjo and horn section) at nag record sila sa kanyang bahay sa new jersey. one would expect springsteen to be forlorn and serious doing a folk album (like what he did with “the ghost of tom joad”, “nebraska” and “devils and dust”) but instead this one’s joyous, exuberant, jubilant.

8 thoughts on “THERE’S A STRANGE NEW MUSIC IN THE STREET

  1. Sorry, walang kwenta yung comment ko, it’s just that when I saw the name FAGEN, naalala ko yung batchmate ko nung college na ang pangalan ay FAEGAN (at nakakairita siyang tao, daw. I fortunately did not get to interact w/ him.) 🙂

  2. KB – Sama kami sa inyo (seriously)! I saw Steely Dan during their reunion concert tour many, many years ago. Kaya lang, I’m not sure what I saw (or heard) — the cloud of smoke being spewed out by my pot-smokin’ neighbors was so thick and fragrant I couldn’t help but inhale. And you know the dangers of secondhand smoke, di ba?

    Naku, na-flashback tuloy ako. That must have been pretty good stuff.

  3. Galing ng mga description mo mylab… only from one who’s got music in his heart and soul and knows the really good from the mediocre and that from the really bad. Maybe all I know about music I learned from you. If I do get my leave, andami kong ire-record na CD sa pc ko. 😀

    Gigi, sige nood tayo. And if you’re interested, why don’t you come watch Les Mis with us on June 17 sa Pantages?

  4. jay, panalong panalo talaga ang morph the cat, grabe, salamat !!

    paborito ko and ‘security joan’, ‘brite nitegown’ at ‘mary shut the garden door’, ang husay talaga 🙂

    at sa inyong lahat na manonood ng steely dan sa july 17, ang masasabi ko lang, wag sana kayo mag-enjoy ;'(

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.