There’s a battle outside and it is ragin’

mayroong isang grupo ng mga magugulang (ie, medyo mas matanda na kaysa mga bagets – inaderwords, mga 30 to 40 something) na bloggers na gumawa ng isang blogging community. para saan ba ito? wala lang. mahilig kasi ang mga members sa tsismis at isa itong paraan para makipagkwentuhan sa isa’t isa. ang pangalan ng group ay “The Rebels Without Because“. member ako rito at ang topic namin ngayon ay: “ano ang gagawin mo kung ikaw ang presidente ng pilipinas”. kung may oras kayo, dumayo naman kayo sa BLOGKADAHAN.COM para basahin ang mga posts ng mga siraulong katulad ko. toka ko ngayon at heto ang aking entry:

kung ako ang presidente ng pilipinas…

1. lahat ng walang pera ay bibigyan ko ng edukasyon para magkaroon ng pag-iisip na kumita ng pera

2. lahat ng walang asawa ay bibigyan ko ng pera para makapag plastic surgery

3. lahat ng walang makain ay bibigyan ko ng kapirasong lupang pwedeng pagtaniman

4. lahat ng hindi naliligo ay papatayin

5. lahat ng malaking kita ay lalagyan ng mas malaking buwis

6. lahat ng walang kita ay bulag

7. lahat ng graduate ng UP ay bibigyan ko ng mandatory 2 year contract na magtrabaho sa gobyerno bilang bayad sa mura nilang edukasyon

8. lahat ng mga magnanakaw ay papasakan ng barbeque stick sa pwet.

9. lahat ng mga key institutions ay bibigyan ng special attention. at simpleng goals sa unang taon para sa kanila – tanggalin ang corruption at patakbuhin ang mga sumusunod na departments: education, finance, public works, law and order, taxation at environment

10. lahat ng mga political speeches ay dapat 5 minutes lang (by law)

11. lahat ng aking kamag anak ay bawal sumali sa politics

12. libreng health care para sa mga may hika

13. gagawin kong capital ng pilipinas ang antipolo

14. gagawa ako ng batas na magbibigay ng isang milyong piso para sa mga taong makakarating sa age na 70

15. lahat ng bad breath ay bibigyan ng masking tape.

16. one day of every year, gagawa tayo ng “clean air holiday”. sa araw na ito, ibagbabawal natin ang pag utot at ang pag gamit ng sasakyan sa kalye

17. lahat ng may apelyidong “Lord” ay itatapon sa basilan – drug lord, huweteng lord… praise the lord.

18. libreng quality education hanggang high school para sa lahat. pag dumating ng 21 at hindi pa pumapasok sa college, automatic drafted sa armed forces of the philippines. itatapon din sila sa basilan, kasama ng mga may apelyidong “Lord”.

19. papatayin ang lahat ng panganay na anak ng mga mahuhuli ng corruption. ah, nagawa na ba ni moses ito? o sige, sana ay umulan na lang ng palaka sa mga bahay ng mga bwakangina.

20. kakain ako ng star margarine at tatalon tuwing bagong taon

21. lahat ng walang problema ay bibigyan ko ng problema

21 thoughts on “There’s a battle outside and it is ragin’

  1. sir, sana mabasa ng mga pulitiko to para ipatupad nila, kahit kalahati lang ng mga naisip mo! tiyak, magiging masaya at maunlad ang pilipinas nyan!

  2. Sir Bob Dylan, ikaw ba yan?

    Although may asawa na ko, sana bigyan mo rin ako ng pampa plstic surgery kasi mukhnag tsamba lang naman ang pag-kakaasawa ko e. Tsaka, ano bang dulo ang ipapasok sa wetpaks ng magnanakaw? Yung may tulis o yung wala?

  3. dear tito rolly (AKA troy montero),

    akala ko ba eh si troy montero ng pasig ka. bakit kailangan mo pa ng plastic surgery? eh ka gwapo mo na. ang lakas pa ng appeal mo dahil ang galing mong mag gitara.

    anong dulo ang ipapasok sa wetpaks? kanina ko pa nga iniisip yan eh. ano kaya kung dalawang pantusok na lang na magkasabay – one with a blunt end and another with a sharp end.

  4. Tito Batjay,
    DI lang palaka – magkapigsa pa sana sila. Saka hindi lang bbq ang ilagay sa wet-pu.Dapat itali sila sa puno na maraming pulang laggam at kakagatin sila. Pag marami nang kagat-bubudburan sila ng asin.

  5. Salamat sa post, Jay. Pinaka-ok sa amin ni soulmate yung numero quatro mo. Hehehe. Naiintindihan na namin ng labis-labis kung bakit hindi ka makahinga sa trains ng Singapore.

    Galing ng bago mong template! 🙂

  6. hehey doc emer. how was your singapore trip? sana nag enjoy kayo ni baby jane kahit naka amoy kayo ng putok na mas malakas pa sa kanyon while in the train. i’m sure you had a food feast. sarap ng chibog ano?

  7. batjay! kahit naging blonde ang kulay ng blog mo, parang nananatiling kayumanggi ang puso nito! nahuhulog pa rin ako sa silya sa kakatawa!

    gusto ko ang plataporma mo– iboboto kita batjay! LOL

  8. at kung may comedy day, dapat may ‘na-u-utot day’– araw na hindi hinuhuli ang mga na u-utot. hula ko, maliligayahan ang mamamayang bayan kung ang dalawang “days” ay magkatugma.

  9. . lahat ng graduate ng UP ay bibigyan ko ng mandatory 2 year contract na magtrabaho sa gobyerno bilang bayad sa mura nilang edukasyon

    – sama may enough jobs to absorb all UP grads. Mahirap to, pano pag Applied Physics, Food Tech, Chemistry, etc. ang course mo, hindi naman madami opportunities sa government for graduates of these courses.

  10. sana may enough jobs to absorb UP grads? hahahaha. how little faith you have. there are enough jobs in government even for graduates of applied physics. use your imagination my friend. a physicist could work in DOST, PAEC, PNOC. i could go on and on. a food tech graduate could work in the department of health or even with social welfare. a computer engineer like me could work in the national computer center.

    in fact, if i had the power, i’d put these graduates in customs, BIR, sa police force para medyo bumaba ang corruption doon.

  11. helo every one hws ur life.sana d2 s pilipinas malaki ng sweldo parang wla ng na aabroad pra wla ng ngtratrabaho sa abrod.para hnd na malayo s pamilya..kc kinukorap kc ang pea d2 s pilipinas ng ating gobyerno eh…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *