THERAPY

ito ang typical park sa singapore. masarap lakaran o kay pag bisikletahan. maraming puno at maraming mga park bench kung saan pwede kang mag pahinga. kaunti lang ang nagpupunta sa mga park pag regular days kaya masarap ditong mamasyal para mag muni-muni.
labas sa oras na magkasama kami ng aking asawa, the most relaxing part of my day is my early morning walk and evening “bisikleta ikot ng ikot hanggang mahilo” routine. ginigising ako ni jet sa umaga ng mga 6:15 at naglalakad ako around our block ng mga 30 minutes. sa gabi naman, nag bibisikleta ako ng 9:00 hanggang 10:00. altough ang main goal ko ay mag loose ng weight (which is not as easy as it used to with a 38 year old body refusing to metabolize), ang offshoot of all this activity is that i have time to spend alone.

maliwanag pa sa singapore ng mga 7:00 pm kaya pag naka-uwi ako ng maaga (say 6pm), may oras pa akong pumunta sa beach in my bike. ang weekday beach run sa takipsilim ay magandang opportunity for reflection. bukod sa mga nagpupuluputan na mag-syota (get a room, will ya!) at mga matatandang joggers, walang masyadong tao sa paligid.

madilim pa pag lumalabas ako sa umaga ng mga 6:15. di naman ako natatakot. wala namang gagalaw sa akin dahil malaki akong tao at saka puro supot ang mga magnanakaw sa singapore. yung mga matatanda lang kasi ang mga ninanakawan nila. pero nung isang araw muntik na akong atakihin sa puso. nung maglakad kasi ako ng early morning may nakasalubong akong isang lady in red na tumatakbo. dahil maraming puno, naglaro yung light and shade sa katawan niya at nagmukha siyang multo na parang may umaagos ang dugo sa kanyang t-shirt. literally, napatalon ako sa takot. muntik na akong napasigaw at naihi sa salawal. ngayon lang ako natakot ng ganon. nasobrahan na ata ako sa kape.

One thought on “THERAPY

  1. hahaha! i can just imagine… ak-shu-li (tama ba?) naka-experience na rin po ako ng ganyan… hehehe dati kasi nagtututor kami ng kaibigan ko sa may B. Gonzales (isang madilim na kalye malapit sa katipunan na maraming nakatirang estudyante, madre, at koreano)… nang pauwi na kami, naglakad lang kasi kami, napahawak ako bigla sa kaibigan ko (buti rin di ako sumigaw at naihi)… pano ba nman… sa kabilang kalye may madreng nakaputi at mukhang walang ulo… putris… maitim lang pala siya gaya ko (di nila ako mapagkamalang multo kasi di namn ako nag-a-all white sa madilim no!)… nagblend ang ulo niya sa paligid… grabe! kawee-wee talaga yung experience na yun! buti di natuluyan…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *