THE WORLD IS AN APPLE

may bagong lipat na mag-asawa sa tapat ng bahay namin. siyempre pag may bagong lipat, para kang detective, dahil pilit mong inaalam kung sino ang magiging kapit bahay mo.

una kong nakita yung lalaki. puti siya na may european features. binati ko ng good morning – sumagot naman ng diretso na may kasamang ngiti. ah, isip-isip ko, without a doubt, true blue caucasian american.

yung babae ay sa malayo ko lang unang nakita. sa kilatis ko ay mukhang asian. nung mapalapit ay umiwas ng tingin pero nakita ko na pareho kaming kutis betlog. ah, naisip ko, southeast asian siya malamang.

pag silip ko sa bintana nila, mayroong wood carving ng dalawang malaking kalabaw sa loob ng bahay. ah pinay!

63 thoughts on “THE WORLD IS AN APPLE

  1. good for you and i hope it stays that way.

    ako rin, wala pa akong nakikilala sa opisina namin na pinioy na hind maganda ang ugali. lahat sila ay mabait, cool and very very accommodating.

  2. true yun, fafa.. ang pinoy hindi mahilig sa small talk. tamad ako kapag small talk na sa opis, mas lalo na kung inglesan ang usapan. di na ako pala-tambay sa cubie ng may cubie samantalang sa pinas, ang hilig kong tsumismaks sa kapitbahay. hehehehe

    pero mostly naman ng pinoy na na-e-encounter ko, may angking kabaitan. dadamayan ka kung kailangan.

    pero meron ding mga pinoy na sadya atang mayabang (pero kahit naman anong race meron nun for sure). parang yung isang kaupisina kong pinoy, hindi mo naman tinatanong kung ano katungkulan nya, out of nowhere babanatan ka ng “yang mga nasa harap na yan (kasi kumakain kami nun sa isang company picnic), mga tao ko lahat yan.” hello, gusto kong sabihan ng, “ay talaga, pay grade 17 ako, diba pay grade 14 ang level nyo?” pero siempre, miss universe ako – ngumiti na lang ako, tumayo at nagsabing “teka, kukuha pa ako ng mais, excuse me muna”

    wa ako weather…

  3. bwehehehehehe. sana pinaglaruan mo rin ninang. maganda kung pinahanginan mo rin siya ng mga “wala yan sa lolo ko” na kwento.

    tama ka nga, kahit ano namang race, pinaghalong mga ok at mga asshole. malas mo lang kung natapat ka sa asshole na pinoy.

  4. kapinoyan…..alam mo may nakasama ako dito sa hotel na grupo ng mga pinoy…they are on vacation/tour….sarap ng pakiramdam ng makita at makilala ko sila…..para akong nasa pinas….kasama ko sila mag-dinner…at minsan sumama pa ako sa tour nila…..bago sila umuwi ay iniwanan nila ako ng pagkaing pinoy…biscuits, cup noodles…etc…pag tapos nalungkot ulit ako….back to reality…estrangher sa ibang bansa…buhay nga naman….

  5. ate sienna, may na-encounter akong ganyang pinoy. Sinamahan ko yung kaibigan ko. Binisita namin yung bagong saltang pamangkin nya sa housing nang McDo. A pinoy told us (hindi naman namin tinatanong) “Sa ground floor ang mga crew nakatira. Dito sa 2nd floor, mga supervisors at managers lang ang nakatira”. Sabi ko “Sa 3rd floor po ba nakatira ang may-ari?”

  6. BatJay,

    Hahahahah nakakatawa ang mga coments sa mga experiences natin with fellow noypiz na may ugaling “Langaw tungtong kalabaw”. I have alot of these experiences here in Dubai. Minsan sa building namin may pinay akong nakasabay s lift. Syempre ngiti to the maxx kasi alam ko pinay sya. Tanong nya ako kung anong floor ako. sabi ko 2nd floor. Aba bigla ba naman akong iniringan sabay sabing ” Ay talaga, kami kasi nasa 10th floor” (the higher the floor kasi sa building namin, the higher the rent).Syempre, sabay sabi naman ako….” eh kung mag earthquake pala may chance pa kaming makalabas agad ng building…eh kayo manalangin na lang!!! ” sabay labas s lift. hehehhehe dagdag nguso ang ale …hehehhee

    In fairness naman, Filipinos are the most friendly nationality here in Dubai.Kaya nga halos lahat ng receptionist at hotel staff are Filipinos dahil meron silang angking charm na kahit pagod na eh nakangiti pa rin. There was even a survey here among various nationality kung sino ang friendliest…syempre Pinoy ang number one.

    I hope all of us should continue this legacy wherever we are in the world.

  7. ERAP BATJAY! di ka parin jan sigurado kung yong KALABAW ay Pinoy! ika nga Pare “Malalaman mo ang Sisiw kung babae o lalaki pag fining-ger mo sa ilalim at kung meron tatayo ikaw na bahalang humusga”.

  8. @ straydog – naco, pamula nung nauso ulet ang budol budol, naging aloof lalo ang mga tao. ako nga, pag may lumapit na stranger, naco, layo agad. mahirap na. nahy-hypnotize ka daw kse at binibigay mo everything halos sa kanila. meron nga lahat ng savings sa bank nakuha… dollar account, savings & current account, etc… mahirap na… kaya siguro hindi pala pansin lately ang mga pinoy nung nagpunta ka dito

    i’m not very friendly at first also, pero once the ice has been broken, naco, chikadora na ako…

  9. I have been reading your blog for the last 3 days. I am new here. i found you very eloquent, fluid and interesting. I just got back from trip to Manila and singapore kaya naka relate ako. Sa Pinas o dito sa Amerika may pagkasuplado raw ako. Dunno, pero i smile and knod my head lagi kahit di ko kakilala lalo na pag umuuwi ako at sakay ng dyip, nasanay na rin sa kulturang kano. Dito sa Bay Area sobrang dami ng pinoy, ewan ko mapili lang siguro ako, o takot sa kapwa pinoy na makulit. Makulit in the sense that d alam ung pede o di pede itanong kahit bagong kilala o kakikita nyo lang like your new neighbors. Siguro takot ako sa pakialamera o pakialamero. You know what I am saying? Asking you your age, how much do you make or tumataba ka ba? These are some of the few that our folks need not ask. Otherwise magagalit sayo ang mga ibang lahi. Naalala ko nung bago ako here working in Stanford Research institute, by the way I am a scientist (yabang noh) I had a friend, and asked her if she gained weight. Right in the afternoon I was called by HR and reprimanded about my gesture. I don’t want to go any further. You don’t ask that silly question. This is america and they spend millions to get rid of those unwanted fats. I’ve learned my lessons the hard way.

    kudos sa funny and interesting blog. ( I was laughing in my cubicle at no end reading one of your entries)

  10. thank you very much for poring over my blog – that’s 7 years of my life as an OFW in singapore and the US. marami ngang mga pinoy sa bay area. in fact, nariyan ang mga pinsan ko na parating binibisita. hindi na masyado ngayon kasi mataas ang price ng gas.

    ingat at hanggang sa muli!
    jay

  11. Pano ba ako na ligaw dito?

    Ah kasi nag se- surf ako ng “The World is an Apple”

    Ang aklat na iyon ay tungkol sa panahon ng Great Depression, gangsta’ at syempre, mabuti laban sa masama…

    Anyway:

    1.) Bakit kailingan nating maki-alam sa kapit bahay?
    2.) Ang antonym ba ng “True Blue American” ay yung mga umiiwas sa tingin na may “Kutis Betlog”
    3.) Paano kung na determine ka ng kapwa nating Kutis betlog na tsismosa ka at may “idiosyncrasy” sya sa mga ganung uri?

    Totoo nga, indeed “The World is an Apple”

    🙂

  12. ur story,..or maybe ur blog abt ur experienced in titled”THE WORLD IS AN APPLE” is much humiliating to Filipinos,….especially your words refer to adjectives,..

  13. ,..ur story,..or maybe ur blog abt ur experienced in titled”THE WORLD IS AN APPLE” is much humiliating to Filipinos,….especially your words refer to adjectives,..:(

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *