THE WALKING WOUNDED

dito nag dinner sina leah at eder ngayong gabi. nag luto si jet ng sinigang na baboy. walastik sa sarap… maasim na sabaw na pinalapot ng nadurog na gabi. may okra at kangkong, pinaghalong laman at taba ng baboy. at siyempre, pamatay ang sawsawang patis na may dinurog na sili. pero packingsheet na malagkit, di ako makakain ng marami. actually di na ako dapat kumain ng marami. may restrictions na ako sa diet dahil may chance daw akong magkaroon ng full blown diabetes. dang. nabanggit ko na rin ba na two weeks na akong hindi naninigarillo? wala na talaga akong bisyo. di na nga ako nambababae, nagsusugal at umiinom, my one and only poison is taken away from me pa. parang naawa tuloy ako sa sarili ko. twisted & destructive self pity logic, i know.

katulad ko, bagong opera rin si leah. habang ako ay nag rupture ang appendix, siya naman ay nag rupture ang achilles tendon. aray. medyo mas matagal ang recovery niya. ngayon nga ay may cast ang kanyang kanang paa and she’s on crutches. nagkakatawanan nga kami kanina dahil dalawa kaming walking wounded.

pero kahit tagilid pa ang lakad, susubukan ko nang pumasok bukas. sana maawa sa akin ang boss ko at maaga akong pauwiin. makanood man lang ng NBA finals. go pistons!

11 thoughts on “THE WALKING WOUNDED

  1. Pistons ka pala, pareng BatJay. Lakers ako. Sana makahabol kami para maganda ang laban.

    Hanep naman pala ang panghoholdap na ginawa sayo ng St. Lukes. More than 100k??? Aba eh kung nag-dinner tayo sa Shangrila hotel, eh baka puede na din nating isama si Sassy, si Cath, si Mark, si Prem, si Bayi, at mga pamilya nila….at me sukli ka pa. Grabeng mahal pala. Sabagay, ginto yata ang kama at iniksyon nila dun. Sayang sana nalaman ko, pinakilala na lang sana kitang kapatid ko para libre ka doon sa doctors’ fees. Dko kasi alam. Sori, pare ko. Next time (heaven-forbid), email me.

    Kakainggit naman kayo nina Leah. Sinigang? Sampalok ba yan o bayabas? Me patis ba at kalamansi. Anak ng…. sarap nyan!!!! To die for. Hehehe! Alam mo pareng BatJay, dyslipidemic din ako. My fats are nearing the 500-mark pero di naman halata sa katawan ko. Lahi ko lang ang mataas ang cholesterol. Bawal sa akin yan. Pero, ipokrito naman ako pag sinabi kong di masarap yan. Lagi nga akong pinagbabawalan ng gf ko, pero grabe lang talaga temptation minsan. ‘Practice what I preach’ daw sabi nya. Mahirap. Nanlalamig at pinagpapawisan ako pag nakakaamoy ako ng mga ganyan, pero I manage. All in the name of health.

    Potential diabetic din ako na gaya mo. The best for people like us is to avoid refined sugars this early. Di natin maiiwasan yung diabetes, pero made-delay natin ang onset. Bawal ice cream, softdrinks, cakes, mga minatamis na kahit ano, etc. Di ba malungkot? Pero choice yan eh. But believe me, I know what you are undergoing.

    Welcome back, pare ko! Go Lakers! =)

  2. Nagulat naman ako sa balita mo. I hope you’ve fully recovered. And pabayaan mo ‘yang diet diet na yan — makakasanayan mo rin yan, and it’ll be good for you. πŸ™‚ Ingat palagi.

  3. sarap nga doc! pati yung embutido sarap eh! salamat ulet…pa-simple si eder pero ang dami niyang kinain ah! haha…

    di naman Detroit fan ako pero ya…same sentiments…GO PISTONS!!

  4. Bosing, ingat ka lagi. Makinig ka kay Doc Emer. Ako diabetic na pamula pa nang mag 40 years old. Ang hirap. Sakit pa naman yan ng matitigas ang ulo. So far, yung akin nakukuha pa sa gamot kaya okay lang. Pero eventually, sa lakas kong lumamon, lalo na ng rice…

  5. bakit po kayo nagka-rupture ng appendicitis? Hindi ko po mahanap na sinulat niyo. Did the doctor say anything. Paano ho ba ito maiiwasan?

    Ang dami kong tanong. Sana po ay sagutin niyo

  6. imbes na pambababae eh puwede mo na rin cgurong subukan ang panlalake hehehe. πŸ˜•

    just trolling around, hope u don’t mind my posting. great site with a great writer, really like this site.

  7. Dear Jay,
    ngayon ko lang nabalitaan na naoperahan ka pala sa appendix–see how busy i’ve been! (dahil sa comic strip na yan para sa Star!)
    pareho na tayoh niyan! appendectoless!
    i had mine removed 14 years ago –kaya
    tuwing todos los santos nag-aalay ako ng kandila sa yumao kong appendix-yong maliit lang,yong pangbirthday candle,nay! nakwento ko na ba na may aso akong pinangalan kong “appendix”?paguusapan natin yan over a bottle of…teka…kung natut-tut-o ka na di pwede ka nang uminom? mwahaha! henewi,welcome back!

  8. hi doc.

    medyo tagilid nang lakers. actually gusto ko nga na mag chapion ang lakers if only for the sake of malone and peyton, who took a big cut in their salaries just to get into a championship team. that in itself speaks volumes in terms of their character. isa pa, our mother office is in southern california and whenever i am in the states, we all are laker fans.

    di ko lang kasi masakyan ang parating nitpicking at pagaaway nina koby at shaq. so talented and so rich but they don’t have the leadership, desire and passion of michael jordan. i get turned-off.

    i’ve been at my best behavior ever since my surgery. i’ve been eating less and more healthier food. i’ve stopped smoking. i’ve been doing the right things healthwise. i hope it shows in my body over the next few months. ang ok lang sa akin ay di ko talaga gusto ang mga sweet food eversince so mababa na talaga ang intake ko ng sugar. di rin ako pala inom ng softdrink kaya my bloodsugar gets better.

    2 weeks na after my operation. medyo hirap pa akong maglakad pero the wound has healed quite well.

    thanks doc.
    jay

  9. boss idol dengcoy!

    hehehe… ang hirap palang ma operahan. akala ko nga di ako makakabalik agad dito sa singapore. buti na lang at tinamaan ako ng pagputok ng appendix sa maynila. at least naroon ang mga nag aalaga sa akin. 1 week sa hospital at 1 week ako nakakulong sa bahay. matagal din… muntik ko nang abutan ang opening ng cartoons mo sa philippine star.

    balitaan mo na lang ako pag lalabas na siya para ma annouce ko sa lahat ng mga kaibigan ko’t mga kamag anak na kumuha ng copy para sa akin.

    eto ako narito sa singapore, tagilid pa ring maglakad dahil di pa magaling ang sugat.

    ingat sir! kailang ba tayo iinom? huwag muna ngayon at bawal pa sa akin. hehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *