The University of Nebraska says that elderly people that drink beer or wine at least four times a week have the highest bone density.

narito na kami ni jet sa airport and on our way to la. pinaghalong lungkot at saya. mami miss ko talaga ang singapore kahit papaano. it has been home for four years. binigyan niya kami ng sustento, security, di mabilang na exciting experiences at maraming kaibigan. iba iba ring klaseng mga tao ang na meet namin itong mga nakaraang taon. may mga halos magdugo ang ilong sa pangungulangot, mayroong malakas pa sa kanyon ang putok at mayroon ding mga mas kupal pa sa tutuong kupal. bagay na madalas kong ikatuwa at ikwento rito. ngayon ang last entry ko sa singapore adventure namin ni jet at mami miss ko silang lahat.

ano bang mangyayari sa buhay namin simula bukas? malaking question mark. sana maging exciting din siya tulad ng buhay namin dito. sana mababait ding kaibigan ang maging kasangga namin. sana i won’t screw up in my new job. ano ba ang “screw up” sa tagalog? “umikot ng pataas”, “turnilyong paitaas”. ewan ko. malayong malayo na talaga ako sa aking comfort zone at siyempre takot ako. yung betlog ko ngayon nasa leeg na dahil sa nerbyos. pakiramdam ko, tatalon kami ni jet sa bangin at hindi ko alam kung makakalipad kami or babagsak straight down.

pero alam ko naman na parang first day of school jitters lang ang takot na ito. sasayawan ko lang ito ng “first day funk” at hindi na babahu ang kilikili ko. in effect eh – we will make it work somehow. lahat naman ng ibinato ng buhay eh nasalo namin kaya bring it on.

8 thoughts on “The University of Nebraska says that elderly people that drink beer or wine at least four times a week have the highest bone density.

  1. uyyy! dito na kayo sa l.a.? saya naman! san po kayo sa l.a.? hehehe… as if pupuntahan eh…pwede rin. mwahahaha! sabi nga ng kaibigan ko, lahat ito ay isang adventure lamang. kaya alam ko, magiging makulay at masaya ang buhay nyo rito. good luck!!!

  2. nakakatuwa at naka blog ka pa sa airport. i’ve posted our pics on my blog. ingat kayo and sana sa taiwan maka free internet pa rin kayo.

    kitakits sa october. maraming salamat sa masasayang memories.

  3. again, uulitin ko yung sinabi ko sa video ni jet kanina. maraming salamat po sa inyong dalawa for the company! kahit less than a year pa lan tayo magkakilala, feeling ko ang tagal-tagal na.

    all the best in LA!

  4. kay apo jim p. ko nabasa to: sa pagtalon sa bangin, magugulat ka sa kaalamang kaya mong tubuan ng pakpak. (o, baka naman mag lipad darnita lipad ka pa jan!) hemingway po, sabi nga ng mga manlalakbay, the greatest outcome in the discovery of all things is the discovery of oneself. yun na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *