The sun is the same in the relative way, but youre older – Shorter of breath and one day closer to death

si raymund ang isa sa mga barkada ko from notre dame na based na rin dito sa california. nagkikita kami every other week para pumalo ng maliit na bolang may dimple. malaking pagbabago dahil during our younger years, pag nagkikita kami eh siguradong uuwi kami pareho ng nakainom. hindi na ngayon. una, mahigpit dito ang DUI (driving under the influence). malaki ang multa at baka makulong ka pa. pangalawa eh pareho na kaming health conscious kaya ang idea namin ng good time ngayon eh magkwentuhan. pinagkukwentuhan namin madalas yung mga pagkain at inumin na hindi na namin makain at mainom. ganyan ata talaga ang tumatanda. alam mo nang hindi ka indestructible at iniisip mo na parati kung ano ang gagawin para hindi ka mamatay ng maaga.

minsan napagkwentuhan rin namin na maganda sana kung noon pa kami nag abroad. na siguro kung maaga kaming naka alis eh by this time, mas maginhawa na ang buhay namin at malamang ay may sarili na kaming mga bahay dito sa amerika. kung alam ko lang noon ang alam ko ngayon eh sana nag abroad na kami agad ni jet a few years after college. naalala ko tuloy yung enigmatic na linya sa “against the wind” ni bob seger – “wish I didn’t know now what I didn’t know then“. it doesn’t make any sense but what the heck, it’s a fucking great line.

halos pareho kami ng circumstance ni raymund. nagtrabaho kami ng matagal sa pilipinas bago umalis. minsan iniisip ko, sayang ang panahon dahil yung period namin na pinaka productive (25 to 35 years old) was spent working for less money than what we should have earned kung sa labas kami nagtrabaho. kung mayroon akong advice para sa mga may balak umalis, siguro sasabihin ko ay do it while you’re still young.

16 thoughts on “The sun is the same in the relative way, but youre older – Shorter of breath and one day closer to death

  1. there are just things that you learn the hard way. marami kang grand dreams pero hindi laging maliwanag kung paano at kelan mo matutupad ang mga ito.

    better late than never.. 🙂

  2. hay naku, fafa, pare-pareho lang ata tayo.

    ako man, ayaw kong tumanda, ayaw ko pang mamatay. Which so different from how I felt then after my heart surgery. Dati parang ok na sa akin kahit matigok na ako. Because I felt I lead a full life. Pero hindi pa pala. Mas lalo ngayon. Andyan na si Bossing… mas gusto ko pang humaba ang buhay ko para mas matagal ko pa syang makasama… to make up for all the lost time din na hindi kami ang magkasama.

    kamusta nga pala kay raymond!

  3. Sir! I would like to heed your advice…gusto ko na rin mangibang bansa eh while I’m still in my twenties…balak ko po sana sa Singapore makipagsapalaran…ok po ba dun in terms of work opportunities? Nininerbyos po ako kasi ako lang magisa dun kung sakali at tsaka 4 na taon pa lang po ako nagtratrabaho dito sa ‘Pinas…gusto ko po sana humingi ng pros and cons from you Unkyel Batjay (hehe, naki unkyel na rin ano?)

  4. kung nagbabalak kang mag abroad, singapore siguro ang pinaka ok para sa isang babae dahil safe doon at walang sasalbahe sa iyo. subukan mong mag apply from the philippines. pag walang opening, subukan mong mag tourist sa singapore at doon maghanap. kung may kaibigan ka na based doon, magpatulong ka. ingat at good luck sa iyo.

  5. Ako, andami ko pang hinahabol ngayon. Medyo nauna kasi ang retirement ko bago ang prolific years… hehe. Hirap nga kasi hindi na parallel ang physical capabilities ko sa requirement ng career ko at this stage. Pero hindi ko rin naman masabing hindi ko kaya kasi una, kaya ko naman at pangalawa, maraming mas matanda saken na kayang-kaya.

    I know that in time, everything will be much easier and much, much more comfortable all around.

  6. Let’s put it this way na lang. It was during your allegedly most productive years that the country needed you and you delivered. Now, you are just reaping the fruits of your labor, kung baga.

    Tsaka, I don’t think there’s an end to man’s creativity as long as he is able-minded. The mind, amazing as it is, does wonders, no matter at what age.

  7. I’m 21 batjay… ang totoo, gusto ko ring umalis na para magrabaho sa ibang bansa… pero hindi siya ganoong kadali–ang daming naglilimit… siguro naman okay ang mag-MA muna habang naghihintay ng magandang tyansa papuntang ibang bansa…

  8. Mga 23 ata ako nun ako ay nangibang bansa…naguumpisa pa lang ako sa paghahanap-buhay noon. Malaki nga ang pagkakaiba sa kikitain mo sa Western world. Ganyan talaga ang kapalaran, nakaguhit na ata kung saan tayo mapapadpad.

    Kung hndi ka nakaalis ng Pinas eh magkakaroon kaya ng Kuwentong Tambay?

  9. malamang. kwentong tambay based on my experiences as an engineer in the philippines. hindi malayo kasi mas marami akong kwento kung hindi ako umalis – local stories nga lang but that’s not bad at all. in fact, to some extent, it may be better.

    maraming mga teachers na pinoy ang nagpupunta rito to work. mayroon atang program for them to transfer here – siguro dahil kaunti na ang mga nagtuturo dito na mga amerikano.

    oo nga bossing. yon ang sinasabi ko sa sarili ko. during the period when i was most productive, i was in the philippines doing work for my country. pag sinasabi ko naman na “most productive”, i meant that it was the time when i could work all day and all night without it having any effect to my body. kaunting tulog lang, rejuvenated ka na. kaunting pahinga after a hard day, kahit lasing at hung over, buhay na buhay ka pa rin. ngayon, hindi na pwede. wala na ang stamina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.