THE SHORT WEEKEND BEGINS WITH LONGING

4 EYES hi daddy. happy birthday. kung buhay ka pa, sana 83 ka na ngayon. kamusta ka na? marami ka pa rin bang chicks na nilalandi? dinadaan mo pa rin ba sa ganda ng boses para malaglag ang mga panty ng mga anghel diyan? hehehe. sana. otherwise magiging boring ang buhay mo pag wala man lang kahit kaunting kerengkeng. tinitingnan ko ang mga album kanina at nakita ko ang picture na ito. naalala ko pa nung kailan ito kinuha. siguro mga eight years old pa lang ako. nasa bahay tayo ni tito bert sa santa mesa at biglang lumapit ang kapatid niyang si quintin na may dalang camera. hinila mo akong bigla and the picture was taken. it’s funny how much detail from childhood you can remember. and i do remeber all the little acts of kindness that you’ve shown and all the things we did together. lahat yon nakalista. it’s the only way i keep your memory alive. alam mo, paminsan minsan napapanaginipan pa rin kita. sa panaginip ko, nag uusap lang tayo tungkol sa buhay buhay habang nag iihaw sa garden ng bahay namin ni jet sa antipolo. na mi miss din kasi kita kahit papaano. sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong maniwala na mayroong afterlife. sana nga mayroon para magkita tayo someday. if that day comes, gigimmick tayo kahit saan mo gusto. sagot kita. o siya, happy birthday na lang ulit.

34 thoughts on “THE SHORT WEEKEND BEGINS WITH LONGING

  1. Kung buhay pa ang Daddy mylab, I’m sure, madami na ako’ng narinig na kwento galing sa kanya. Somehow ang daling isipin nung panaginip mo, a lazy weekend afternoon sa bahay, may tig-isang boteng malamig na San Miguel beer kayo, habang nag-iihaw sa garden. It’s so real I can almost touch its essence.

    Happy birthday Daddy! 🙂

  2. for the first time, kuya batjay, nakabasa ako ng nakakaiyak na post mo. lalo na nung sinulat mo na napapanaginipan mo pa ang daddy mo.

    i’m sure he’s happy knowing you and jet are doing great.

    happy birthday to tito daddy DJ nick!

  3. kuya batjay,
    isa po kau sa 2nay na mapagmahal sa magulang
    na touch po ako sa panaginip ninyo.kong nasan man
    ngayon ang dAddy nyo,siguradong masaya yun.

  4. bosing,
    napaka-heartfelt naman nitong post mong ito. happy bortday na rin kay daddy batjay. naisipan ko tuloy na bumait tuloy ng konti sa daddy ko.
    naisipan ko lang naman, hehe. pero in all seriousness, napaluha ako sa post mo.

  5. nakakatouch nman tlga pag tungkol na sa pamilya ang blog mo bossing..

    ibigsabihin plagi kau ni bossng jet binabantayan ng tatay mow..khit sa panaginip kasama k nya =)

  6. pag andito ako, kadalasan, natatawa ako. pero ngayon, unexpectedly, nalungkot ako.

    happy birthday na lang sa kanya at sana nga ay maraming anghel syang kalandian habang nag ce celebrate

  7. it’s so nice to know someone as hilarious as you is pretty sentimental sometimes. kamuka mo si daddy mo batjay! pramis!

    aaaanddd i believe may afterlife. and you’ll get to see him again some day..

  8. oo nga ka junnie.

    samantalahin mo nang usap at chika sa daddy mo habang pwede pa. ako, i’d give anything just to spend an afternoon with my dad.

    kaya lang di na pwede kaya sa panaginip na lang kami nag uusap.

  9. Perskasin Batjay,
    Lalag talaga ang panty! Natatandaan ko pa nuong bata pa ako nasa Rizal Coliseum tayo, si erpat mo at erpat ko pinagtitinginan ng mga girls dahil sa kanilang pagka guapohan, pero nang magsalita at marinig nila ang boses ni Uncle Nick, sa limang babaeng hindi magpaawat na lumapit, isa lang ang hindi ko nakitang lumaglag ang panty dahil ata wala talaga siyang panty. Anywho, dahil sa lubos na pagmamahalan sigurado akong aabot ang bati kong ito saiyo Uncle Nick, malagayang kaarawan po! napaka suwerte mong Ama. Sana paglumaki na ang aking mga anak, kahit isa lang sa kanila ay maging katulad ni Batjay para meron namang Robin. We miss u and Lab u! 😉

  10. DON LORENZO DE MODESTO!!!

    oo nga. eh si tiyong anas pamatay ang hitsura. laglag panty ng mga chicks sa hitsurang sean connery ni erpats mo. astig na astig. hirap talaga ng guwapo ano – parating may humahabol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *