THE SECOND CHILDHOOD CLUB

SPIDEMAN-SG-08

MGA ANNOUNCEMENT: abangan nyo this week sa “Where in the world is Spiderman?” – guest puppets natin ang boxing doll ko na si george “dubya” bush at ang stoic statue ni batman. kung na tu-turn on kayo sa twisted humor ko and you want more, bisitahin din ninyo ang mga kapatid ko sa “2nd childhood club” na sina Cathy with her “Spiderman VS Garfield” at si Jop with her “lord of the ring dolls cooking adobo”. punta kayo at tiyak na ikakatuwa ninyo. nung una kong ngang binasa eh muntik na akong mabuwal sa silya sa kakatawa.

highly recommended naman para sa mga para sa mga medical practitioners at sa mga mahilig sa magandang storya: my wife jet’s “My Life… A Cup of Deja Brew”. read her great four part story on “the appendectomy of batjay”.

nag collaborate din kami ni tito rolly. gumawa kasi siya ng pilipino translation ng desiderata at ginawan ko ng voice over. kung gusto ninyong marinig ang boses kong nabububulul sa pagbigkas ng sariling wika, click here. pasensya na kayo, work in progress ito at marami pang dapat itama. finally, para sa mag sintunadong romantic na tulad ko, isa sa mga paboritong kanta ni jet, joe cocker’s “you are so beautiful“. pakinggan ninyo ang version ko. huwag sana kayong maimpatso rito – happy weekend!

16 thoughts on “THE SECOND CHILDHOOD CLUB

  1. Haaay! Salamat naman at up na uli ang site mo. Andami mo pa namang announcement mylab.

    Akshully no (style Ovid), di ko talaga peborit yang kantang yan. Gusto ko lang siya pag ikaw ang kumakanta… hehe

    Labyu mylab. Sana’y maging naaaapakaganda ng iyong buong linggo.

    Gulatan tayo uli bukas… bwahahaha!

  2. jay,

    salamat sa update at plugging ng ating 2nd childhood’s club. seryosohan na itow! but seriously, mainam na pampatanggal ng stress ang picture-an ang mga laruan natin di ba?
    alam mo ba may medium-sized box pa ako ng mga action figures na di pa nabubuksan? andun nga’t nasa trunk pa ni bruce si prof.x, magneto at beast eh. baka nag-uupakan na g mga yon. latest purchase ko ang jabba the hut from return of the jedi. yung may kasamang hooka-pipe… hinahanap ko na lang si princess lea.
    ba’t ganun? flip yata tong computer ko, di ko marinig nang diretso ang recording mo ng desiderata. bulok kasi tong internet explorer ko eh. hrrr.

  3. hehehe… hi ulit jop.

    naku, mas obsessed ka pala sa mga toys as i am. ako, tuwing makikiliti lang ang fancy ko for some items – like ito ngang spiderman. ang galing kasi 67 moving parts at ang dami mong magagawa. pero tama ka – malaking stress relief ang pag relive ng childhood. mas maganda nga ngayon ito gawin dahil may trabaho na tayo and can afford the toys that we just dreamed about when we were kids. lalo na ako, di naman kami mayaman nung araw at panay buntung hininga lang at times.

    in 40-50 years, who knows baka $1million na ang value ng collection mo. kaya, if you’re not displaying them, huwag mo na lang tanggalin sa balot ang iba mong mga collectibles para mint condition.

    ang isa ko pang obsession ay voltes V na die cast metal set. ngayon nga, ang laki na ng value nito kaya di ko na pinagiinteresan pero when i was in japan a few months ago, talagang lumibot ako. baka mayron pa. wala na yata – out of production na ito.

  4. jay,

    may talking yoda pa ko! hehe. iniisip ko nga kung di ko na lang kaya buksan ang ibang mga action figures ko pero talagang nilalaro ko sila. the only thing keeping me from opening them is P. wala na raw kasing space dito sa lungga namin.
    ako rin paborito ko ang voltes v!!! laking tuwa ko nga nung nagcomeback siya a few years ago. naalala ko nga pinatayo pa ako ng titser ko sa likod ng pintuan gawa ng nakikipagaway ako sa kakalase kong lalaki na fan namin ni voltron-gaya-gaya.
    ay naku jay kung makakpasyal kayo ni jet dito dadalhin kita doon sa fave hangout ko sa lower east side. pangalan ng tindahan ay tokyo toy. aliw!!! mauubos ang pera ko don. pero collector’s paradise talaga yon lalo ng ng japanese collestibles. punta tayo dun promise.

  5. sabi ko nga kay jet. dadalhin ko siya sa east coast on our next trip dahil ibang iba ang arrive kaysa sa california.

    balak ko siyang dalhin sa NY para pasyalan ka na rin namin tapos nood ng show, visit the museums. diretso sa atlantic city, philadelphia, tapos biyahe ng washinton DC. ang galing siguro non.

    tapos, bisitahin natin lahat ng mga paborito mong lungga. ang main ubos pera ko ngayon ay comics. binibili ko ang mga paborito kong collection. mai blog nga ang mga latest kong bili.

  6. hi mari.

    ang hawak ko? president george bush boxing puppet doll. pwedeng galawin ang mga contraption sa loob para sumuntok. ang ganda ng damit niya ano? parang pantakip sa lamesa. hehe… o kaya tama ka: parang jacket ni german moreno o kaya ni brother mike.

    punta ka sa spiderman website ko bukas, simula na yung george bush series.

  7. pinakinggan ko nga pala yung version mo ng ‘you are so beautiful’. aba, aba, aba! at pwede ka palang maging recording star nyan fafa jay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *