THE SANDMAN SAYS MAYBE HE’LL TAKE YOU ABOVE

WARNING: TOBACCO SMOKE CAN KILL BABIES

simula august 1, 2004 ay nakapaskil na sa lahat ng kaha ng mga sigarillo dito sa singapore ang iba’t ibang graphic pictures ng masamang epekto ng smoking. talaga namang nakakabagabag ng puso. yung kuha ko rito ay isang still born baby na agaw buhay. part ito ng shock campaign ng gobyerno para patigilin na ang population na manigarillo. buti nga. pero ewan ko kung effective ang bagong campaign na ito. sabi ng mga kausap kong smokers, wala rin daw effect. gumanda pa nga raw ang kaha dahil nagkaroon ng picture. hehe. mga ulul. huminto na kasi kayo eh.

gayahin ninyo ako – buong karangalan kong isinisigaw sa mundo na, as of july 31, 60 days na akong smoke free. bwahahahaha. ang hirap nga lang ngayon eh, dahil hindi na ako naninigarillo, ang lakas na ng pang amoy ko. may papalapit pa lang na may anghit eh parang napupunit na yung ilong ko. masakit. masakit.

speaking of unspeakable stink – kanina sa may train, may katabi akong amoy basahan. di ako makahinga. bukod kasi sa taong may putok, ang susunod na kinaiinisan ko rito sa singapore ay yung taong may suot na amoy kulob ang damit. marami ritong mga household na hindi marunong magsampay kaya yung mga labada nila eh kulob ang amoy. di pa nasusuot ang damit, ang baho na agad.

33 thoughts on “THE SANDMAN SAYS MAYBE HE’LL TAKE YOU ABOVE

  1. dito din, maraming amoy-kulob, pero hindi dahil hindi naarawan ang sinampay, kundi dahil yun din yung suot nila kahapon…at nung isang araw… sus, baka nga simula nung isang linggo pa! sakit sa ulo!

  2. nakakainis yung kulob na amoy ano ruth? parang basahan na sinampay. hehe. kadiri. mayron kaming neighbor dati – yung sampay niya ay katabi lang ng front door namin. naku, si jet sinusumpong ng migrain pag umaalingasaw ang amoy sa aming flat.

  3. hi reg.

    yun ba yung favorite picture mo? yung family portrait doon sa kaha ng marlboro lights.

    ang paborito ko eh yung utak na naputukan ng ugat dahil na stroke. at saka yung naghihingalong lalaki na kamukha ni palito.

    salamat doon sa graphic novel – ang galing. hanggang ngayon binabasa ko pa one chapter at a time every night.

  4. tso,

    di nga? kamusta ang paghinto? naisip ko na din ang tumigil, di na ko makahinga, kung di ako mamamtay sa bala dito sa sakit sa baga! hehe.

    hirap mag-isa ako walang babatok sa kin pag dampot ng yosi.

    yoko din ng amoy ng yosi sa kulob na lugar, medyo hawa naman sa di nagyo yosi.

    ano ang sikret tso? (wag mong sabihing magpa opera! 🙂

  5. idol ibet.

    simple lang – magpa confine ka sa hospital ng isang linggo. hehehe. ay, nasabi mo na nga pala na di ko pwedeng sabihin ang magpaopera.

    para sa akin ay yun ang naging impetus. napadali yung desisyon ko dahil doon sa operation at hospitalization. nakita ko na di na ako bata at di na ako superman. pwede na palang magkasakit at mamatay ng maaga. bigla ko na lang sinabi sa sarili ko na hihinto ng cold turkey.

    hirap pa rin ako – hanggang ngayon ay may withdrawal symptoms pa rin ako. pinipigil ko lang talaga. hininto ko na rin ang kape at inom na siyang nagpapalala ng aking paninigarillo nung araw.

    sana mabawasan mo na rin o kaya mahinto mo na. napansin ko nga na medyo malakas ka sa yosi tso. kaunting bawas lang…

    ingat.

  6. Ewan ko pero sa karamihan, ang naging epekto ng pagtigil ng yosi, tumaba sila. Dahil yata sa mas lalong sumarap ang lasa ng pagkain. Pero syempre, nag bawas ka rin sa pagkain, di ba? So, wa epek sa yo yung ganong observations.

    Mabuti naman.

  7. di rin ako pwedeng magkakain sir kasi binabantayan ko rin yung potential diabetes ko. ok nga, at least, di ako palakain.

    maganda rin dito sa singapore, marami kang mabibili na mga healthy food na pwede mong gawing snack in place of smoking. in my case, fruits and nuts.

  8. Ay naku! pag naamoy ko yung mga taong nagsu-suot ng kulob—-ibig-ibig kong itulak palayo at sabihin ng buong ningning…”ANG BAHO MO!”

    Sa paninigarilyo naman, again congrats sa iyong success.

  9. bossing jay, speaking of the sand man, nabasa mo na ba ung american gods ni neil gaiman?? maganda ba?? comment nmn bago ko bilin.

  10. hi justice. ay sinabi mo pa. asar na asar kami ni jet sa mga nagsusuot ng mga amoy kulob na damit. pag nakaka amoy nga ako ngayon ng kulob, ang pumapasok sa aking memory ay yung first flat namin dito sa singapore.

    lekat kasing kapitbahay yan – araw araw na lang eh puro kulob ang sinampay.

  11. hi marqee.

    hmm… yan ang mga gusto kong tanong! BOOKS. great. here’s my reply:

    oo nabasa ko na ang american god’s ni gaiman. baka mga 3-4 times na. ito ang dala kong libro sa hospital nung inoperahan ako 2 months ago. oo, maganda siya, at dapat huwag ka nang mag dalawang isip kung bibilhin mo siya o hindi. bilhin mo na. it is a great book that will scare you a bit, but not in a scary dracula, multo multo way. mas maganda nga kung mabasa mo muna ang “sandman volume 4 – season of mists” ni gaiman din before you read american gods. in a way, they are related in terms of some of the characters and perhaps, in the feel of the story.

    while you’re at it: buy – “neverwhere” and “stardust” as well. both are also by gaiman and are excellent reads. after you finish with these 3 books, we can talk about “sandman” and the rest of gaiman’s other graphic novels and children’s books.

    how’s that?

  12. the title of my entry “THE SANDMAN SAYS MAYBE HE’LL TAKE YOU ABOVE”, by the way, is taken from the don mclean song “WONDERFUL BABY”.

    i wanted to title it as “wonderful baby, i’m glad i’m not you” also one of the lines from the “wonderful baby” song, but i thought it would be too cruel given that the picture in the cigarette box is a dying child.

  13. hay naku, fafa, wagi ka talaga sa pag-tigil mo sa paninigarilyo! kongratyuleytment talaga tu yu.

    Ayaw ko ng amoy-kulob na damit. Kapag ganun, binabalik ko sa laundry. Para sa akin, hindi malinis yun! Kaya, sa inyo ni ateng, my deepest sympathies kapag may nakakatabi kayong ganyan. 🙂

    Yung may picture sa pakete ng sigarilyo, ginagawa na nila sa canada yan, mga ilang taon na rin. sabi ng gov’t of canada, nakatulong daw mabasawan ang number of smokers. Alam mo naman ang mga puti, hindi matitindi ang tyan ng mga yan sa mga scary at kakadiring litrato. Ewan ko nga lang kung eepekto yan sa asians kasi sanay tayo sa mga bizaare na mga bagay. Kaya nga diba, mas matibay tayo kasi wi ar istrong da stomaks? hehehe

  14. totoo dto sa canada may mga pictures ng mga effects ng smoking. Sabi ni ate sienna, bumaba daw ang percentage ng smokers. ewan ko lang dto sa toronto. kahet tumaas ang presyo ng yosi.. sige yosi paren. starting last june 1st, bawal na reng magyosi sa loob ng bars and clubs. makikita mo na maraming taong nagyoyosi paren sa labas.. parang ako.. lol sabe ko magququit na ako. ang hirap lalo na malapit nanaman ang winter.

    na ngangamusta lang po! 😀

  15. kumakain ako nung binabasa ko itong amoy-kulob entry. and sure enough, bumaliktad ang tyan ko sa pag-iimagine.i cannot imagine the torture para dun sa mga katabi. Kulob na space at amoy kulob in one space…that is what we call torture.

  16. ….up where the girls fly(?) on rhythm and blues, where babies don’t mind just counting their toes….

    i like that song and i still continue to smoke (locally-produced marlboro red, yoko ng blue seal).. but i know in time i will stop smoking too (i hope soon).. putik i just cant stop smoking..

  17. ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaang!

    oo nga agree ako sa iyo. mas mataas ang tolerance natin sa mga gross na pictures. kahit nga yung mga actual na patayan at maraming mga dugo na mga atcual scene eh ayos na ayos sa mag asians.

    ang singapore nga pala ang unang country sa asia ng maglagay ng mga graphic pictures.

  18. hi jah!

    ang ganda ng mga pics sa site mo! nag convert ka pala na gawing web album siya. ang galing. ang ganda ganda mo na ngayon. blooming na blooming ang dating. sa hitsura eh mukhang maligaya ka. that’s really great.

    bawasan mo na ang pag yosi mo ha!

  19. hi bong. bawasan mo nang pag yosi mo para matagal mo pang ma enjoy ang mga kanta ni don mclean.

    red234! yeah, imagine mo na lang yang kulob na amoy ng damit na pumapasok doon sa mala lungga naming first flat. it was a bit tough during our first year here. pero masaya naman kaming mag-asawa. besides, that neighbor na kulob ang labasa eh mababait naman.

  20. hello fafa jay, pati pala kape tinigil mo na din. over naman! nagyoyosi din ako dati, tumaba nga ako nung tumigil ako.

    havent read any of neil gaiman’s books. maganda ba?

  21. Congrats, Batjay. Welcome back to the world of nonsmokers. Makikita mo benefits nito pagdating ng panahon. Ituloy mo din yang fruits and nuts, magaling mga yan sa katawan. 🙂

  22. Yan mylab, kakalaba ko lang kahapon… hehe 🙂

    Fruits, nuts, Fruit and Vegetable juice, Oolong Tea, diabetic-approved chocolates, unsweetened orange juice and a whole array of vegetables na hindi na kelangang akyatin sa Baguio para mabili ng mura-mura… hehe

    Pag umalis tayo dito, adjustment na namang umaatikabo.

  23. hi mari. oo, tinigil ko nang lahat ng mga poison ko. smoking and coffee. spell coffee in kafamfamngan: “SI-HO-HEFF-HEFF-HEE-HEE”. hehehe. asan na ba ako? ah ok, oo mari maganda ang mga gawa ni gaiman. search mo yung site ko, marami akong review sa mga libro niya on and off.

    hi doc! sana nga ay maituloy ko yung pagka smoke free ko. it’s been tough. but i think i can hack this until i lose all my craving. i cross my fingers and i cross my legs for extra luck.

  24. oo nga mylabopmayn. mahihirapan tayong mag adjust pag lumipat tayo ng ibang country. singapore has been great hasn’t it?

    maraming salamat nga pala sa mga binili mong goodies para sa akin. it means a lot.

    lab U!

  25. chong, batjay…blessing in disguise din yung operation mo noh? hindi ka tumaba sa pagtigil mo mag yosi…ako kasi nung tumigil ako – lumobo ako ng mga 20 lbs. kakainis.

    pero medyo slim ka na nga ngayon….maintain mo na lang…di ka na mukhang giggolo kung payat ka….di ba diba?

  26. blessing in diusguise nga ka junnie.

    nahinto ako sa pag yosi dahil sa hospitalization. tapos may diagnosis pa na potential diabetes kaya diet ako – wala nang sweets tapos low carb na diet, exercise at wala na ring coffee.

    malapit na akong mag mukhang macho dancer!

  27. nag quit din ako mag smoke nung na-ER ako for high blood pressure. kaya ayun, napilitan. minsan nga iniisip ko, talagang ang tao iintayin muna ang kalabit ng buhay bago magbago. oh well – baka ako lang yun. It’s been two years – and counting….

  28. hi g.

    thanks for the comment. i appreciate the feedback from people like you who’ve quit. it is reassuring. thank you very much.

    good for you at nagsucceed ka sa pag quit. i know many people who have have experienced much worse at hanggang ngayon ang lakas pa rin sa sigarillo.

    sana magaya kita sa na nakapag quit for quite a while now.

    cheers!
    jay

  29. salamat sa comment mo bossing.

    matagal na rin akong lurker sa site mo and am a big fan. i love your photos and i love it when you write about your kids. nahihiya lang akong mag comment sa iyo kasi hindi wholesome and dating ng site ko.

    i hear they’ll be raising the prices of cigarettes here again to around $10 per pack. that’s around 330 pesos – malaking deterrent din pag mahal ang cost. sana ganyan din ang gawin sa atin pero i’m sure the tobacco lobby groups and a lot of the pinoy smokers as well will raise hell. minsan, gusto kong makipag away pag mag naninigarillo sa mall, especially pag nasa harap ko sila sa escalator.

    ingat!
    jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *