THE REBELS WITHOUT BECAUSE ON “PERS LAB”

baka may kaunting oras kayo ngayon para magbasa, dalaw kayo doon sa community website namin na “The Rebels Without Because“. nabanggit ko na previously di ba na each of the thirty three members post entries on a common topic. nasa homestretch na kami ng second topic tungkol sa pag-ibig at masaya na naman ang talakayan doon. basahin ninyo kung papaano umiibig ang mga kuya at ate ninyong mga forty something. some of the stories are funny, yung iba ay serious, yung iba naman ay dreamy but all are interesting.

yung entry ko sa “PERSLAB” entitled “NADAAN AKO SA TAWA” ay tungkol sa unang pagkikita namin ng asawa kong si jet at kung papaano akong nabighani sa napakalakas niyang tawa. iba rin ang epekto talaga ng humor sa pagsasama ng mag-asawa. kung walang tawanan sa relationship ninyo – patay. bagsak agad ang bataan. seventeen years na pala kaming magkakilala this april. not bad ano, for a relationship that started with laughter (or is it “a relationship that was started by laughter“). don’t get me wrong, masarap pa rin ang sex life namin, even if we’re in our fourties. in fact, it’s been fantastic (malibog kasi ako eh). oragon (sa bicol). pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.

24 thoughts on “THE REBELS WITHOUT BECAUSE ON “PERS LAB”

  1. agree… pero better kung magkasama ang sex at humor, di ba?

    kidding aside, paano gaganda ang relationship kung walang saya, o tawanan, o asaran, o inisan, o jokes (kasama na green jokes), di ba?

    importante rin na parehong ma L at kenkoy ang magpartner… actually, sex minsan has nothing to do with the physical attributes din but with being intelligently sexy ng magpartner.

  2. napadaan lang po…. and agree ako dito….
    “pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.”
    ewan ko lang kung aagree din ang asawa ko. hihi =)

  3. Hello unkel BatJay :D, kakaaliw talaga itong blog nyo. Madami na na akong napasyalan na blog pero dito lang ako napaihi sa salawal ng katatawa hehehe. Goodluck sa iyo d’yan at ingat kayo lagi. Best wishes sa inyong dalawa ng lab mong si Jet.

  4. 17 years na tayong magkakilala next month, tapos next next month 14 years na kitang asawa? That’s almost half our lifetimes mylab. Imagine mo na lang kung hindi tayo nagkakatawanan. I kenat! πŸ™‚

    Labyu!

  5. Hello Unkyel BatJay. Actually maganda nga yung post mo sa blogkadahan. Mapapangiti ka sa pagkakasulat, pero mararamdaman mo rin yung “wistfulness” nito.

  6. hi kat –

    hehehe. kakatuwa naman. and i’m excited to start answering the questions. teka lang ha. bigyan mo akong kaunting oras. i want to answer it fraferli. thanks for thinking of me.

    keep on rocking.
    jay

  7. bicol defined:

    malubog -malabo
    oragon – magaling, matibay, salbahe, matapang
    (di ko alam kung saan nakuha ng mga ‘galog yung meaning nito na malibog) puedeng galing sa root word na orag (verb) which is actually fuck or
    k—-t in tagalog.

    he he…FYI lang po. πŸ˜‰

  8. ka BatJay!

    napa-daan nga ako sa kwentuhan niyo sa blogkadahan. ka-inggit, sarap ng kwentuhan. mey ay join yu? πŸ˜‰ . (pag-tapos na akong mag-sulat ng thesis … pag-puti ng uwak)

    sawap ma-in-labs, ‘neh? sawap ng may ka-tawanan, ka-kulitan, ka-kwentuhan at iba pang “ka”.

    Mabu-hey!

    ka edong
    “kasamang edong” o “kaibigang edong”

    p.s. ma-banggit lang, may bagong salta diyan sa singapore: si Jared. IT guy, blogger.

  9. oo nga mylab, 17 years and counting. tagal na ano? kung walang tawanan maaga yang magkaka ayawan. ayoko ng seryoso masyado sa buhay. gusto ko may humor at yung pumapayag na matawa at her/his own expense. buti na lang ganon tayo.

  10. manoy batjay,
    yung loro na ibon? alam mo di ko maalala kung ano yan sa bicolano!!
    anyway, but there’s a bicolano word PAROT which is some kind of “mura”. he he. siguro alam mo ito. di ko alam ang exact meaning pero parang mas malala pa sa put—ina. he he. πŸ˜‰ ikaw ha, puro bad words na bicolano alam mo! pero mabuti yan, i’m sure, nung andun ka sa sorsogon, di ka nila naibenta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *