The real voyage of discovery consists not in seeking new landscapes

narito na kami sa yunayted isteyts pagkatapos ng pagkahaba habang byahe. madaling araw na rito ngayon pero siyempre hindi pa kami makatulog. jet lag epeks na sinamahan ng gutom. ngyehehe. pero mamaya makakatulog din ako, i can feel it eh. si jet? nag aayos na. OC talaga yon. gusto kaagad niyang normal ang buhay namin one minute after setting foot in our new home. buti na lang ganito ang ugali niya. at least nababalanse ang pagka gung ho, bahala na attitude ko.

ang hirap. sobrang hirap ng naglilipat. bwakanginangyan. kasumpa sumpa talaga. nagpa FedEx kami ng 12 boxes ng gamit na darating next week. saan ito ilalagay? yan ang tanong. may ilang araw pa para pag isipan kung saan. hulaan ninyo kung ilan ang dala naming baggage sa flight? sirit… anim na checked in bags at apat na hand carry. oo virginia, sampung bagahe (buti na lang hindi kami siningil ng singapore airlines dahil siguradong overweight kami. dahil nga sa sobrang dami ng dala namin eh mayroon kaming nakalimutan na i-claim at binalikan ko pa sa LAX airport kanina. ang hirap palang makaiwan ng bag sa airport sa amerika. lahat ng tinanungan ko mali ang binigay sa akin na information kaya akyat baba ako sa arrival at departure ng airport. marami rin palang tanga sa amerika. hehehe.

pero in the end, ok namang lahat. nabawi ko ang lost luggage pagtapos makipaghabulan sa tauhan ng singapore airlines. nakakuha na kami ng rental car at nakapagbyahe na papunta sa aming temporary tahanan dito sa mission viejo. oo nasa orins kawnti na kami at excited na sa kung ano ang ibibigay sa amin ng tadhana rito.

28 thoughts on “The real voyage of discovery consists not in seeking new landscapes

  1. good to know you got there safely, tito batjay and tita batjet.

    sana makakuha na kayo ng apartment na magugustuhan nyo soon. ingatski.

  2. its nice to know that you and jet are safe.. ^_^

    i have a friend in california pero sa irvine siya.. maybe she can help you find an apartment..

    and goodluck po pala sa inyo.. ^_^

  3. pre ko,skit s pwit nyan at s leeg pero mabuti naman at nandyan n kyo,kyang kya cgurado ang trabaho dyan kaso wla kang inspirasyon n may amoy,regards n lang at kita kita tyo next year,assemble k agad ng sound system at iimbitahin ntin ang mga pulis pag napunta kami dyan,Regards kay Jet,ingat.

  4. mapasyal sana kayo dito sa iowa…pahinga lang muna,take it easy at pagtapos e hataw na naman sa trabaho…regards to jet and congratulations too for passing the licensure exams.

  5. Welcome!!!
    Nasa Mission Viejo na pala kayo — just phone or email me if you need anything (off ako from work Mon and Fri) and I’m there. 🙂 As soon as you and Jet have recovered from jetlag, I’ll drag you off to grab some grub. Just let me know what you feel like eating. 🙂

  6. naku, mapapalitan na ang tagline nitong blog….

    Mga Kuwentong Tambay ng Siraulo sa Mission Viejo na!

    Ingat mga pards..parating na ako diyan….palapit na ng palapit ang ating mga tadhana…

  7. papalitan na ba ang title ng blog mo into “Kwento ng isnag tambay ng engineer sa Orange County”?

    ingat kayo lagi dyan, manong batjay and jet!
    goodluck sa pag-a-unpack at pag-aayos ng gamit. he he…kasumpa sumpa talaga! 😀

  8. Kaya ka naman pala pagud na pagod, naglagare ka kagad jan e. Di bale, ika nga e “all’s well that ends well”

    Galingan mo jan bosing. Show them what stuff we as a people are made up of.

  9. Akmang-akma ang Marcel Proust title quote mo. Kaya yan! Sa first week, sasakit ang likod mo sa kabubuhat at pag-aayos ng mga gamit nyo. But soon enough, I’m sure you will settle smoothly. New world, new adventure. Good luck! Kamusta kay Jet.

  10. oo marami ring tanga sa america…sabi ko nga, if being genius is universal, i’d say being, uhm, intellectually-challenged is just as universal.

    welcome batjay & jet! hopefully one of these days kitakits tayo! maganda ang mission viejo, at least halfway to LA & San Diego kayo–may options sa inyong mapapasyalan. here’s to another chapter ahead!

  11. Hindi lang tanga ang marami… marami ding kalbo.

    Napatunayan naming mag-asawa yan tuwing nabibiyahe kami at naglalaro ng “pendong kotseng kuba” / “pendong may kalbo” :0)

    Welcome to the States :0)

  12. /me hugs batjay and jet

    am sure you guys will do just fine there 🙂 panibagong struggles siguro…but you won’t be without friends, after all, blogging has made the world a lot less smaller, and a lot more friendlier diba nga? 🙂

    good luck… am sure it’s going to be an interesting journey 🙂

  13. woohooooo….nag-comment si eder sa blog niyo, jay!! if that isn’t indication enough that he’ll miss you guys a lot, ewan ko na! hope you settle down soon so that we can visit you na agad…hehe!

  14. Good luck sa bago nyong adventure sa ‘tate!!
    Kayang-kaya nyo yan…
    Ang mahirap lang sa paglilipat yung unpacking.
    Sabi nga nila – 6 days to pack, 6 months to unpack. 🙂

  15. thanks for the comment boss jim and sorry for the late reply. my wife and i just moved to california this week and were having a great time opening boxes, finding an apartment, getting a car, social security, etc. malapit na nga akong maloko. hehe. my wife jet is a member of ate sienna’s pansitan as well.

    baka kilala mo rin ang older brother ko – si dante davie (AKA howlin’ dave).

    cheers!
    jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *