THE PROBE TEAM

ISA NA NAMAN PONG PAGBABALIK TANAW ng “Maala-ala mo kaya” hatid sa inyo ng inyong Unkyel BatJay…

gugunitain ko lang yung anporgatabol experience ko nung aking ruptured appendix operation last may. binigyan ako ng dirty finger ng doctora ko sa ER as part of the preliminary examination. ito ngayon ang parating kinukwento ko sa mga kaibigan namin during dinner time:

DOCTORA: “Mr David, bibigyan ko po kayo ng rectal examination”

BATJAY: (LUNOK) “kailangan po ba?”

DOCTORA: “OPO” (sabay bigay sa akin ng funny smile as if she’s enjoying it, nag gloves at naglagay ng lubricant).

BATJAY: “sige po doctora, eh ano bang magagawa ko. inyong inyo na po ang pwet ko”

DOCTORA: (inserts her finger and moves it to the left) “masakit po ba?”

BATJAY: “ARE YOU KIDDING ME? anong masakit po ba eh nasa loob ng pwet ko ang daliri mo?”

DOCTORA: “alam ko po na may discomfort – pero ang ibig kong sabihin ay mayron ba kayong nararamdamang pain”

BATJAY: “WALA. para lang akong natatae”

DOCTORA: (moves her finger to the right) “ayan, masakit po ba?”

BATJAY: “WALA. para lang akong natatae na naman”

DOCTORA: (takes off her finger) “ayan, tapos na po”

BATJAY: in a very serious tone – “HUWAG MO NANG UULITIN YON AH.”

ANG PAGBABALIK TANAW ay hatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang Gatas ng Dalagang Ina”.

11 thoughts on “THE PROBE TEAM

  1. i knew it all along….di ka na talaga burjeen!! haha…

    on a more serious note, salamat sa pag “alaga” sa ‘kin “alaga” in my absence. nasabi ko na dati kay jet, you make it a little less difficult for me to be away from eder ’cause i know you’re around. don’t worry, di ka niya ila-“lost”! hehe…

  2. bwakanginang doctora yan. enjoy na enjoy sa discomfort ko. hehehe. simula nga noon, nagbago na ang tunog ng utot ko. dati “pfffffffffffffffffffff” ngayon “hooooooooooooo”.

    huwag kang mag-alala, akong bahala sa papa mo. hehe. panay nga ang hor fun namin he. tapos nakanood pa kami ng concert. tapos mamaya kakain kami ng nasi lemak tapos pupunta sa east coast para manood ng mga sexi sa beach. hehehe. hindi – 2 beer lang sa bar na may tumutugtog na pangit na rock music.

    kita kita tayo bukas. may wine tasting pakulo si jenn.

  3. walastik na doctora yun batjay ah. pinagsamantalhan ang kahinaan mo. kung ganun pala hindi ka na VIRGIN sa puwet…bwahahaahahahaha
    nyweiz,salamat sa mga post mo, ako’y aliw na aliw lalo na’t ako isa ring nakikipambuno sa pagtrabaho para lang kumita ng atik. keep up the good work, i like your way of style para makuha mo kiliti para mawala mga sakit ng mga OH IF DOUBLE U like homesickness na kagaya ko.

  4. brought to mind yung isang Erap joke in Rico J sa isa niyang concert. tanong ni Erap sa doctor kung ilan ang ipapasok sa wetpu. sabi ng doctor isang daliri. sabi ni Erap: “doc, dalawahin mo na … para may second opinion.”

    batjay, kala ko tuloy habang binabasa ko pati ikaw hihingi ng second opinion. hehe. 😀

    second ko lang sinabi ni toknoy, keep up the good work.

  5. aliw to the max ako sa post na ‘to! ha ha ha nakakabago pala ng tunog ng utot yun? she must have enjoyed the experience ha ha ha what is with your pwet kaya? ha ha a alam ko na, you are still a virgin that time ha ha

  6. whahahahaha.. may pagnanasa ata sau yung doctora eh? whahahahah..

    muntik pa ako mahulog sa kinauupuan ko.. ^_^

    kuya batjay.. (makiki kuya na din ako.. hehehe) post ko site mo sa xanga ko ha.. di ko pa kasi alam kung panu ma-i-link eh..

    ty po.. ^_^ and more power!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.