I saw a rabbit standing in front of a candle

pag uwi ko kanina may maliit na kuneho na tumalon malapit sa paradahan ko ng kotse. muntik na akong mahimatay sa takot. akala mo nga eh may magic show. cottontail ata ang tawag sa kanila at marami nito sa opis namin pag gabi. kung minsan nga eh nasa isang location lang silang lahat – isang barkada ng mga kuneho na nakatambay. nakakatakot nga, lalo na pag lahat sila ang nakatingin sa iyo. parang may malevolence sa kanilang mata, lalo na pag nasikatan ng head light. iba na talaga ang mundong ginagalawan ko. nung nagtatrabaho ako sa pilipinas ang nakikita ko lang na kuneho ay yung nasa candy. pilit ko ngang hinabol yung gumulat sa akin na rabbit kaya lang sobrang bilis ang takbo ng lekat. pakiramdam ko, para akong si alice na nakikpag habulan down the rabbit’s hole, papunta doon sa wonderland tea party. should i take the red pill?

20 thoughts on “I saw a rabbit standing in front of a candle

  1. Una kong hinanap pagdating ko sa US of A—Epol, Apple…not the bunga but the puno.Nakagat pa nga ako nang langgam! (gettahelloutahere!).

    Wala ba squirrel dyan?

  2. Hahaha ang cute naman ng kwento mo. Marami ka pa sigurong makikita diyan. I heard a story na a deer was in my cousin’s backyard ata, tapos minsan fox naman. Parks and Wildlife right in your backyard!

  3. hi toni.

    i hope you guys are doing ok. alam mo last year, around february, jet and i were here for a visit and there was a mountain lion attack on a jogger just a few miles from where we live now. the person who was attacked died. well, they also killed the lion.

    ingat.
    jay

  4. hi Jay,

    congratulations for your new layout (sorry at ngayon lang ako ulit naka bisita sa byutipool blog mo).. ang galing ng design, kaw ba ang nag drawing? (i know kay decoy yung caricature nyo ni jet sa gilid)..

    elibs talaga ako sayo bossing, despite super hectic ang skedyul and activities mo jan sa Ow-C ay nahaharap mo pa din ang yong blog..

    always take care and regards to jet!!!

  5. aba buti naman at nagse setel na kayo dyan sa kali, balita ko lang me roling blakawts daw ngayon dyan. ganda ng mga postings at ideas mo dito pare, kaya ako naman pinoporward ko sa mga prends and klasmeyts ko site mo, enjoy naman sila sa pagbabasa.
    kung mainit dyan, dito kami sa houston, tx-pati ilalim ng kuko mo me pawis, pati tutuli mo umaagos sa init at humidity..hehehe

    tony

  6. bosing, baka kung yung blue pill ang inumin mo, eh baka ibang kuneho wonderland na yan.
    ako din takot sa wabbits, kase natakot ako sa kwento ni Roald Dahl na “Kiss Kiss”.
    saka ang hirap na makyutan nsa mga wabbits na yan. pano mga mukhang addik, pula ang mata!!!
    have a gud weekend bosing!

  7. JOP! may rabbit phobia ka pala. ano ba ang tawag sa mga taong may phobia sa rabbit? KunoBia? yung mga rabbit dito – mahilig sa barkada. nakatambay sila sa labas ng opis sa gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *