The only think I like better than talking about Food is eating

kagabi, for the first time since moving to california ay nag-ulam kami ng hipon. part pa rin ito ng on-going healthy living diet namin ni jet. napansin ko kasi na simula nang umalis kami ng singapore eh wala na akong allergy attacks dala ng pagkain ng mga shell fish. buti nga kasi i love to eat shrimps. ang sarap nga ng ginawang halabos ni jet, lalo na dahil may sawsawang suka na may toyo. ang napansin ko lang na medyo nakakainis dito sa california, at least yung nabibili namin sa mga grocery dito, eh wala nang ulo ang mga hipon. na miss ko tuloy sipsipin yung katas ng utak. nung araw nga, gagawin ko eh ibubuhos ko sa loob ng ulo ng hipon ang suka na may dinikdik na sili at ikakain ko sa steaming white rice. packingsheet, ang sarap. those were really the days of glorious food and great eating. miss ko na yung panahon na yon na kahit gaano karami ang nakain eh isang utot lang at kaunting lakad ay tanggal na agad yung kinain mo. ngayon kasi, pag kumain ako ng isang steak, mga dalawang buwan ata bago ko ito ma digest. tapos sa sobrang taba eh ang sagwa kong tingnan sa salamin pag naka side view. yung profile kasi ng katawan ko ay parang yung drawing ni exupery ng ahas na kumain ng elepante doon sa chapter 1 ng little prince.

21 thoughts on “The only think I like better than talking about Food is eating

  1. mahilig ka rin pala sa hipon..parehas tayo, kaso ako bumibili sa mga oriental market..yun bang may wet market sa loob- dun ka pumunta pare, sariwa mga hipon dun…at may ulo pa na santambak ang taba! wow! minsan nga naka bili pa ko ng buhay naman hipon na maliliit, nako hinugasan ko lang at pinigaan ng lemon at asin..instant jumping salad, ang tamis ng lasa! kaya lang kailangan may laman na sikmura mo..

    by the way pare, i saw on the news, nasa orange county na raw yung brush fire jan a..malayo ba sa inyo? may kita ba na usok?

    ingats kayo ni Jet!

  2. i’m sure wala nang sasama pa sa picture nung bobong ahas na lumunok ng crocodile, so there’s still hope for you ๐Ÿ™‚

    ang masarap kainin pag nasa states, paksiw na salmon, or sinigang na ulo. na may sawsawan na lemon patis at jalapeno peppers. mmmmmmmmm…..

  3. nakita ko na yung picture na yon misis p. naku what a coincidence. ang ulam namin mamaya ay salmon. kaya lang sinigang sa miso. sarap din yon.

    matagal ko nang gustong kumain ng paksiw. miss ko na yung paborito kong paksiw na tiyan ng bangus sa ima. alala ko, we always had breakfast meetings there.

  4. malapit lang sa amin ang sunog. in fact, i can see a large column of smoke right now from my office window. it’s really huge – mga 100 acres na ata ang apektado at sarado na yung highway (the 241) that almost passes near our apartment. i think it’s going to get worse dahil tomorrow the santa ana winds is going to strengthen.

  5. PLEASE PRAY FOR NICK AND JAY…MALAPIT SA KANILA WILDFIRES!

    MGA KAIBIGAN, THIS IS NOT A JOKE..NOT FOR ME NOR THEM!

    PLEASE KEEP US INFORMED PARE SA SITUATION NINYO JAN! PLEASE BE SAFE!!!

    TONY

  6. naglalaway ako. gusto ko kumain ng hipon.

    siguro yun na ang pinakamasarap sa pagtira sa baguio. dahil di kalayuan ang dagat, pagdating sa min eh fresh pa rin. tapos halabos nga.

    ayan gutom na naman ako.

    sana safe kayong dalawa parati.

    hi jet!

  7. hey ms. dyezebel.

    napaka simple ng halabos na hipon ano? i think that’s what makes it a great meal – it’s simple. sarap nga sa baguio ano, malamig pero malapit sa dagat.

    ingat din diyan!

  8. Sarap nga nung halabos no? Mamayang gabi sinigang na hipon naman ang ulam natin.

    Hayaan mo na mylab, ngayon na naumpisahan na natin ang healthy eating, at least mas mataas na ang percentage na hindi tayo aabutin ng sobrang pagtaba sa ating old age.

    Mga… konti lang… hehehe! ๐Ÿ™‚

    Labyu!

  9. “ngayon kasi, pag kumain ako ng isang steak, mga dalawang buwan ata bago ko ito ma digest” — hahaha, how true! lalong-lalo na pag dinner.

    isa pang masarap na luto sa hipon, yung igigisa sa (low-fat hehe!) butter at maraming-maraming garlic ๐Ÿ˜€

  10. nicanor, alam mo ako nagka allergy lang din nung lumipat dito sa s’pore! nung isang araw nga ang ganda ganda ko na naman kasi mata ko naman ang namaga! as in parang sinapak ni pacquiao ang pagmumuka ko! cguro nararapat na din akong lumipat sa kalipornya .. tutal madaming forest-related news jan… gaya ng forest fires…. hmmmm.. that’s a tot!

  11. pauwi ako pinas ngayon, kakain ako ng marami nyan! plus tahong, dalagang bukid etc. sarap! hi, im a newcomer in blogworld. hope u dont mind, but i put u in my link.

  12. JENNYPENG.

    pakiwari ko nga ay may kamalignohang nangyayari diyan sa singapore. baka yung pinaghalo halong mga sangkap at kung ano-anong mga ek-ek ang nagbibigay sa atin ng mga allergy. simula nang lumipat dito, wala pa ako kahit na isang allergy attack. praise the god!

  13. buti p kyo…hipon lng problema nyo…and n-experience nyo mkpangibng-byan…eh! ako? ano problem q? Asawang palagi me nilalait…dina-down…at iniinsulto…na khit hiwalayan q n at playasin at plano q ng ptayin dhl glit n glit n q s mga pambbaboy nya s pgktao q e hanggang ngaun ksma q p dn s bhay…I’m so xhaustd w/ r situation! …d reason y at ds late midnite i’m composing ds piece, not 2 comment but to loosen my feelings thru ur weblog site…i hav so much of my marriedlyf story, & i’m fed-up! …
    Huh?! w/ juz few strokes of keys i’m relieved! Tnx guys..u save my mind.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *