The Omega Man

dear unkyel batjay,

ano po ang gagawin ninyo kung nagising ka na lang isang umaga at nalaman mo na ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa buong mundo?

nagmamahal,
gentle reader

—————–

dear gentle reader,

hindi na siguro ako magpapagupit, mag-aahit ng bigote at pwede na rin siguro akong hindi maligo. paano kasi, kahit ano pa ang mangyari, kahit hindi ko na alagaan ang hitsura ko, ako pa rin ang magiging pinaka pogi sa sangkatauhan.

ingat,
unkyel batjay

10 thoughts on “The Omega Man

  1. Unkyel,

    Isa po akong masugid na mambabasa ng iyong malupet at napaka-inpormatibong blog. Araw-araw kailangang magbasa muna ako ng mga naisulat mo bago ako mag-simula magtrabaho. Ito ay para maging maligaglig buong araw.

    Kung ako na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo, ako po ay magtatago. Naisip-isip ko kasi na lahat ng babae ay hahanapin ka dahil kailangan nila ako.

    Pasensya na po, di po kasi ako ganung tao. Ako po ay naniniwala sa sagradong kasal at sa totoong pagmamahalan.

    Amen. Ü

  2. ang sarap nun , kahit na di ka mag ahit at dehins goli eh hahabulin ka pa rin ng mga bebot dahil mag isa ka lang na kelot pero iba na ngayon may third sex na ..eh kung sabihin ng mga bebot sa tibo na lang sila…at siyempre para sa malikot mag isip paano kung mag isa ka lang na certified na kelot sa mundo tapos lahat ng kasama mo aklabs…pero di ata pwede iyon di na dadami ang lahi dahil wala nang magkakaanak..

  3. Wow… kapag nangyari yan eh cguradong magiging super yaman si lalaki dahil kailangan ang role niya sa lahat lahat tulad na lang ng pagiging leading man sa mga pelikula, etsetera, etsetera at etseterang ka-eklayan ng sangkatauhan.

  4. Unkyel,

    I researched about the comic you mentioned (Y: The Last Man) and it is a very interesting read. Thanks for the that!

    By the way, in wikipedia, it says that the comic will be turned into a movie.

    Astig to. Nag-iisang lalaki sa mundo ng mga babae. Heaven. Ü

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *