The older you get, the tougher it is to lose weight

dear unkyel batjay,

ako po’y isang pinoy na OFW at based dito sa singapore. 5’1 po ang height ko at mahigit 250 pounds. ang sarap po kasi ng pagkain dito at halos araw-araw ay lamon ang kain ko. hindi ko na po alam ang gagawin kasi ayaw na po akong tabihan ng misis ko. tulungan po ninyo ako.

lubos na gumagalang,
gentle reader



dear gentle reader,ano ba yan. pandak ka na, mataba ka pa. pinikit ko nga ang mga mata ko para ma imagine ko kung ano ang hitsura mo. mukha ka sigurong higanteng kalabasa ano? medyo obese ka na pare ko. lalayuan ka nga ng asawa mo niyan kasi nahihirapan siya sa iyo dahil ang bigat bigat mo. mahilig ka pa siguro sa missionary position ano? delikado yon kasi baka mamatay siya. anyway, ang suggestion ko sa iyo kung gusto mo pang mabuhay ng matagal ay mag diet ka na may kasamang exercise.

huwag mong paniniwalaan ang mga napapanood mo sa TV na iinom ka lang ng kung anong gamot at papayat ka na. hindi rin yan madadaan sa dasal at kahit ilang ave maria ang ibulong mo ay mataba ka pa rin. katulad ng buhay, kailangan pag hirapan muna pago makamit ang premyo. tignan mo ako – binawasan ko talaga ang kain ko. wala nang karne at lahat ng mga pagkain namin sa bahay ay matabang na. tapos araw araw pa akong naglalakad.

malaki na ang timbang na nawala sa akin – mga 23 pounds na simula nung february. para nga akong pinanganak ulit. magaan na ang pakiramdam ko at maganda parati ang aking well being. ang problema ko nga lang ngayon ay hindi ko na masuot ang mga pantalon ko dahil sa laki ng niliit ng tiyan ko. pero ang maganda sa nangyari eh nakikita ko na ang titi ko tuwing umiihi ako. malapit na nga ulit akong bumalik sa timbang at hitsura ko nung ako ay nasa college. gusto mo bang makita ang hitsura ko nung araw? nagmodel kasi ako para sa isang sculpture bago ako mag graduate nung 1988.

heto siya…

CLICK TO ENLARGE: MICHELANGELO'S LOST MASTERPIECE

oo ako yan. look, my mole.

hindi naman sa pagmamalaki pero talagang malaki ang paa ko. size 12 ata. alam mo naman ang ibig sabihin ng mga taong malaki ang paa di ba? oo gentle reader, malaki ang mga medyas nila.

ingat na lang at good luck sa pagpapayat mo, gentle reader. balitaan mo ako sa iyong progress.

unkyel batjay


pakinggan ang DEAR UNKYEL BATJAY PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.

10 thoughts on “The older you get, the tougher it is to lose weight

  1. boss batjay, bakit dilaw yung saplot ng iyong sandata ng pagibig? yan ba yung medyas mo?

    sangayon ako kay gentle reader tungkol sa pagkain sa Sgp. ang sasarap. pero naman, 250lbs at 5’1″”? daig mo pa ang isang bean bag.

  2. nung magkaron ako ng diabetes, ang laki ng ipinayat ko. Lahat ng pantalon ko e nagluwagan talaga hanggang kinailangan kong gumamit ng suspenders. Bumalik din sya after several months. Ang lakas ko kasing kumain e. In fairness, wala pa ko sa Singapore nun ha. 🙂

  3. bossing,

    malaki nga ang percentage ng mga nag weight loss na bumabalik sa dating weight. ang challenge nga ay to maintain the weight kaya importante yung lifestyle change kasi pag diet-diet lang ay malaki ang chance kasi once you revert back to the food you used to eat, babalik yung weight. pero mukhang namang maganda ang hitsura mo sa mga latest pictures mo.

    sana ma-maintain ko ang weight ko. ayoko nang bumalik sa dati kong timbang dahil ang hirap kumilos. pareho kasi tayo, left on our own eh malakas kumain.

  4. Wow, 23 lbs? Congrats Fafa Batjay! Sana ay mamaintain mo na yan ng tuluy-tuloy. Or do you still have to lose some more?

  5. hi toni.

    i still have a lot of losing to do. parang ako nga yang si gentle reader na OFW na galing sa singapore. i topped the scales at 219 pounds last january. a month after, i was at 206. this morning, i weighed 181. i am still overweight based on my 5’10 height. the normal cruising weight for this height is between 150-170. over or below that is not good.

    my goal is to get down to around 155, so i still need to lose 26 pounds. hopefully, i can do that before my next check-up this june.

Comments are closed.