The nice part about living in a small town is that when you don’t know what you’re doing, someone else does

lumaki ako sa barrio talipapa, novaliches.

hayan, nasabi ko na nang hindi ako nahihiya. nung araw kasi, pag tinatanong ako kung saan ako nakatira, ang sinasabi ko lang ay “sa novaliches”. hindi ko masabi ang “talipapa” kasi pinagtatawanan ako dahil nakatira raw ako sa palengke. hindi na siguro obvious ngayon dahil marami nang nag-bago, pero nung 1970’s, mayroon talagang maliit na palengke sa kanto, kaya nga tinawag na “talipapa” ang barrio namin. gustong gusto kong mamalengke doon kasi “pogi” ang tawag ng mga tindera sa akin. ang hindi ko alam eh pogi pala talaga ang tawag ng mga tindera sa lahat ng namamalengkeng lalaki roon in the hope na bibili sila ng mga paninda. sucker.

lahat ng mga kalaro ko sa barrio talipapa ay may alias at ito ang tawag namin sa isa’t isa – mayroong danteng duling, ponching bato, jun kulot, carl bungo, ben combat (kasi malaki ang ulo ng titi niya at korte itong helmet). may rolly kawai (kamoteng hawaii, di ko alam kung bakit ito ang tawag sa kanya), gene daga, emer kapatid (kasi iglesia ni kristo) at marami pang iba. lahat ng natutunan kong mga kalokohan ay galing sa kanila. playground namin ang barrio talipapa simula 1970’s hanggang early 80s. kaunti pa lang ang nakatira dito at ang idea namin of a good time ay maupo sa tambayan pagkatapos maghapunan at magkwentuhan ng tungkol sa mga walang kwentang bagay. mas masaya pag may kasamang tinatagay na beer at sigarillong pinagpapasa-pasahan. wala pa kasi kaming mga pera nung araw kaya hating kapatid lahat, ultimo sa pagkain ng hot pandesal.

tumira ako sa talipapa ng mahigit 30 years, simula nung 5 yrs old ako hanggang sa nagkabuhok sa kili-kili at betlog, nagka-anghit at naglagay ng deodorant, nagbinata, nakatapos ng pag-aaral at nakapag-asawa. all in all, masaya ang pagtira namin dito at hanggang ngayon ay naroon pa rin ang mommy ko, malakas pa rin at 82 years old.

50 thoughts on “The nice part about living in a small town is that when you don’t know what you’re doing, someone else does

  1. si angel na kaibigan ko
    ay isang veterinario
    nagpakadalubhasa sa pangagamot ng kabayo

    at ako naman ay duktor ng kahayupan
    hinithit ang damo
    na pagkain ng kabayo !

    mga bata sundin ang payo ko
    iwasan ang damo
    sapgaka’t ito’y para lang sa kabayo!

  2. It means you are now confident and secure enough about yourself and your life that you don’t mind stating you are from “Barrio Talipapa.” I have cousins who grew up in Pasay City and you still can’t have them admit it, they always say they’re from “Makati.”

    Dr. Seuss said it best: “Be who you are and say what you feel, because those who mind don’t matter and those who matter don’t mind.” (Not in a corporate professional environment of course, nor to your spouse. maybe)

  3. Sa Makati ako lumaki, malapit sa ilog Pasig at karerahan ng Sta. Ana. I could remember swimming there, hubu-hubo, hagikgik ang mga ka-klase naming babae, lol. Thanks for making me dig that from memory.

    BJ, papaano mo nalaman ang laki ng ulo ni Ben combat? Hmmmm…..

  4. Hmmm… may isang character pa akong naaalala dun… si Gerry Hangin. Di ko lang sure kung tinawag siyang Hangin dahil mayabang siya or dahil sa sobrang payat niya kaya nadadala siya ng hangin. hehehe…

    Buti na lang sa Talipapa ka nakatira that time mylab. Kung hindi, baka hindi tayo nagkakilala… e di wala tayong lab story pag nagkataon. 🙂

    Labyu!

  5. Novaliches, Duon dati nakatira si Howlin Dave ng DZRJ (Dante David na anak ni Nick David radio announcer ng DZRH). Kaibigan kong pintor na si Prudencio Lamaroza a.k.a. Amor. Mahabang biyahe mula sa Monumento at malawak pa ang mga bukirin sa Novaliches nuon. Simoy ng hangin ay kakaiba sa Maynila. Madalas ako diyan nuon dahil maluwag ang lugar at tipong probinsiya pero malapit lang sa Quezon City. Ang biruan namin nuon ay pag tumawid ka ng ilog sa likod ng bahay nila Dante ay “Texas” na dahil sa layo ng bahay nila sa Maynila kumpara sa amin’g mga taga-Quezon City. Camping sa bukid at tsibug ng kang-kong at talbos ng kamote, yan ang isa sa mga maga-gandang ala-ala ko sa bayan ng Novaliches.

  6. maraming salamat sa ginintuang ala-ala ng talipapa. oo kilala ko yung mga binanggit mong mga tao.

    si nick david nga pala ay hindi nagtrabaho sa DZRH. matagal siya sa ABS-CBN, nagpunta sa channel 4, tapos naging regular ng Radio Veritas bago nag manage ng mga radio station sa isabela, mindoro at kung saan-saan pang mga lugar.

  7. hindi ako nakatira sa talipapa, malapit sa New Born Village (Bagong Silang)na mas malayo ng isandaang dura ata sa Talipapa. pero natuwa ako ng makadaan ako ulit kagabi sa talipaps (tawag namin ng mga sch mates ko) after 8 years (Fairview woman na ako). Ang dami kong naalala sa lugar na yun, kasi halos lahat ng klasmeyts ko duon nakatira kaya madalas akong bwisita sa bahay nila. masayang lugar ang talipapa, laging buhay. kaya gusto ko dun, pero hassle sa bigat ng trapiko. parang walang bukas 🙂

  8. Uuy, magkapit bahay ang bgy natin! Bgy Baesa kami, moved there since late 80’s, 9 y/o ako. Dami na pinagbago, at Batjay di lang jeepney drivers ang sira ulo, pati mga bus drivers!

  9. naalala ko tuloy yung kapitbahay namin ang tawag sa kanya BALBON, di naman sya gaanong mabuhok, yun pala puno ng tato ang katawan. kumusta na Batjay, congrats sa iyong bagong aklat.

  10. mister ko taga seminaryo, sa bagbag. hindi ko makalimutan yang talipapa kasi nung unang luwas ko ng manila, hindi ko kabisado ang bababaan ko.habang abala ako sa kakabasa kung saan na ako, may “tumutok” sa likuran ko at at nag-umpisa ng gumiling, nang lingunin ko,isang huklubang manyak!
    kaya sabay sigaw ako ng “para na ho” at dun ako nababa sa talipapa…

  11. Dahil nabanggit mo rin lang ang mga bansagan ng pangalan sa atin, di ba parang “puzzle” o “riddle” ang pag hula kung bakit ang bansag sa isang tambay ay halimbawa; “Boy Ipot”, aakalain mo na pala-ipot itong si Boy. Mali! Binansagan siyang Boy Ipot dahil sa balat niyang korteng ipot na basa sa may pigi ng kanyang puwet. “June Kabayo”. Yung madudumi ang isip o kaya bading eh iisipin na malaki ang ari ni June. Mali! Kapag nagagalit si June eh lumalaki ang butas ng ilong niya at lumalabas ang ngipin’g malalaki at gilagid pati. “Junior Talong” Ulit, yung mga bading at iba pa ay iisipin na mahaba ang ari ni Junior. Mali! Pero malapit dahil ang talong ay kumparado sa itsura ng lag-lag ng bayag ni Junior pag-hubo’t-hubad kami nuong mga bata pa kami at naliligo sa “Chinese balon”(ligu-an ng mga kabayo sa loob ng San Lazaro Hippodrome). Marami pa tulad naman sa mga babae, “Auring Santol”, heto ay hulaan niyo kung bakit binansagan si Auring na Santol!

  12. Ay naku BatJay, pasensiya ka na dahil matandang hippie na ako. Di ko napansin na kamukha mo si Dante David at duh! Nick David Jr. Kapatid mo ba si Dante? at op kors Tatay mo ba si Nick David? Marami akong kuwentong tambay sa iyo. Nakasama ko nga pala si Nick sa Channel 4 nuon sa Bohol Ave.(Martial Law days).

  13. auring santol
    sing laki ng bukol?
    bago bantay at bagong barrio
    morning breeze at novaliches
    balintawak at monumento
    takarang araneta wala pang isang bato
    guinoong batjay
    brother becky ng dzrj?
    nakasama ko dito

    sa dating trabaho

  14. pwede po bang makisabat? dati kasi nag lulurk lang ako dito e …
    i have a good friend who used to leave in talipapa, novaliches, q.c.

    it didnt matter really..cos she is pretty,witty,talented, smart,nursing board topnotcher, and that time a successful med rep in a big pharma company..

    then she dated a young doctor from one of the old rich families..dad is an ambassador, mom is a socialite…lahat ng society pages/events andun mukha nila..
    things went well for a while..dinaanan na lang ng friend ko sa charm and personality…

    then the guy called my friend up one day to say that he cant date her anymore…may nirereto daw kasi ang tita nya sa kanya ..mas gusto daw yun ng family nya for him cos the girl belonged in the same social circle…WTF!!!

    pag kinukwento daw nya yung friend ko sa family nya, despite her good qualities, they cant really look past the fact that her family is not rich and that they lived in novaliches..and barrio talipapa, at that …shithead no? that time the guy was almost 30 years old but he sounded as whiny as a 3 y.o. spoiled brat…

    tama na…nahihighblood lang ako pag naaalala ko yun e =(

    natrigger when i read about bo.talipapa in your blog

  15. pwede po bang makisabat? dati kasi nag lulurk lang ako dito e …
    i have a good friend who used to leave in talipapa, novaliches, q.c.

    it didnt matter really..cos she is pretty,witty,talented, smart,nursing board topnotcher, and that time a successful med rep in a big pharma company..

    then she dated a young doctor from one of the old rich families..dad is an ambassador, mom is a socialite…lahat ng society pages/events andun mukha nila..
    things went well for a while..dinaanan na lang ng friend ko sa charm and personality…

    then the guy called my friend up one day to say that he cant date her anymore…may nirereto daw kasi ang tita nya sa kanya ..mas gusto daw yun ng family nya for him cos the girl belonged in the same social circle…WTF!!!

    pag kinukwento daw nya yung friend ko sa family nya, despite her good qualities, they cant really look past the fact that her family is not rich and that they lived in novaliches..and barrio talipapa, at that …shithead no? that time the guy was almost 30 years old but he sounded as whiny as a 3 y.o. spoiled brat…

    tama na…nahihighblood lang ako pag naaalala ko yun e =(

    natrigger when i read about bo.talipapa in your blog

  16. bakit nga yung mga tuksong nakakabit sa pangalan mo nung bata ka pa nadadala hanggang tumanda lalo na pag sa maliit na baryo ka nakatira? like for example samin sa pagsanjan pag pinagtanong mo kung nasan ang bahay ni mang reuben hindi kilala pero sabihin mong si “ben tambling”(hindi ko alam ang history sa tawag na yan sa kanya)abay ihahatid ka pa malapit sa kanila. andaming matatandang may ibang nickname Litang pursing,amor duleng (hindi sya duling i swear)kadyong tapas kaloka pero ang saya.
    p.s.
    sa Conspiracy po ata bumili ang aking sister mr. batjay

  17. makulay kasi ang mga pinoy. maraming drama sa buhay kaya pati yung mga pangalan, ang daming mga dag-dag. dito sa amerika, dami ring nagbabagong pangalan – nagiging westernized. salamat sa pagbili ng libro – ok sa conspiracy. may libro na may musika pa.

    hi cheh with a double “H”. small towns have big ears. hmm… gandang kasabihan ang naimbento ko – “small tows have big ears”.

    hello sunshiner – memorable pala ang talipapa sa iyo. puno rin ng drama.

  18. Sunshinier, Alam mo puwede mong pagka-kitaan yang kuwentong tambay mo tungkol sa mahirap/mayaman lab apeyr! Gawin nating sine! Typical yan maski saang sulok ng mundo. Maraming ganyang istorya lalo na sa mga bayan na malawak ang agwat ng mahirap at mayaman. Tungkol naman sa highblood mo, iwasan mo na yang mga instant sopas na hinahaluan ng mainit na tubig dahil mataas ang sodium content at MSG (Vet-sin nuong araw) niyan na siyang sanhi ng maraming blood pressure problema. Pero sa totoo lang, ano kaya sa palagay mo ang nangyari kung nagka-tuluyan yung ispoyld brat at magandang mahirap sa altar? Isipin mo na lang na nag asawa ng Boyoyoy yung mahal mong kaibigan. Baka pinupulbusan pa ng api nilang katulong ang bayag nuon hanggang ngayon! Alam mo mas mabuti na nga yung di sila nagkatuluyan dahil maka-kapunta pa yung kaibigan mo sa States or England at kikita pa siya ng sarili niyang pera na di kontrolado ng boyoyoy niyang asawa na mabubuhay sa yaman ng mga magulang niya. Malambot ang buto nuon! Titi lang ang matigas sa kanya..dahil maganda ang kaibigan mo! Sana naman nakakita na ng tunay na mag-mamahal ang kaibigan mong maganda o dalaga pa rin kaya siya?…ako, binata pa rin at mapagmahal.

    Ang inyong Tio Delyo

  19. Batjay, Di mo pa sinasagot ang tanong ko sa iyo! Kapatid mo ba si Dante(Howlin Dave) David? Kamukha mo kasi at pareho kayong taga-Talipapa, Novaliches. Tapos nag-DJ ka rin sa RJ, Marami ka rin’g alam kay Nick David na Mr. Baritone emcee sa Radio nuon at kasabay ko sa NMPC sa Bohol Ave. nuong panahon ng Martial Law. Pasensiya ka na kung medyo makulit ako sa mga tanong ko sa iyo pero fablik pegyur selibrity ka na ngayon kaya enkuwayring maynds wan tu know.

  20. i therefore conclude based on the facts which cannot be denied na oo bossing, tatay ko si uncle nick at kapatid ko si howlin dave. mga hinahangaan kong mga legends at mistulang garapata lang ako, pag tinabi sa kanila.

    si brother becky? talaga. kyul. i remember her from the old rock of manila. marami akong classmate sa morning breeze at minsan pumpunta roon para mag barik.

    hello ulit noypetes. parang pagsagot sa puzzle talaga ang pag-aralan ang mga bansag sa mga pinoy. maganda nga itong gawing hobby kasi sigurado ako na may nakakatawang kwento sa likod ng mga bansag at palayaw.

    hehehe… si kawai? oo tito rolly, pwede na rin sigurong sabihing pogi. kwentuhan lang naman eh.

    kiko – kamusta ka na rin. maraming salamat sa pagbati. sana makakuha ka ng kopya ng libro. balbon? may kilala rin akong tao dati na “balbon” ang palayaw pero marami siyang galis.

    hi hazel. wow baesa. malapit sa francisco school? i remember the trip from balintawak to talipapa, parating traffic dahil maliit lang ang quirino highway. especially around baesa dahil bottle neck ito.

    hi gil – lungkot dahil sa mga bagay na hindi na pwedeng maibalik.

    hi len – mister mo, dating semenarista? wow, amen! hehehe. naku, marami akong mga war stories sa pagsakay sa bus – one time yung kaibigan kong si lynne. pumasok sa opisina ng madaling araw para umiwas sa traffic. sumakay sa bus na hindi puno dahil maaga pa. nakatulog siya dahil sobrang aga… nagising na lang siya sa bus dahil naramdaman niyang may katabi siyang lalaki na nagma-masturbate. sumigaw siya ng “MANIAC” pero hindi siya naging darna. umalis naman daw yung pervert.

  21. ka batjay,

    ala eh, masarap nga’ag magbarek lalo na lung primera klaseng lambanog ang tinutunga. ay ina ko, nakaka-giliw talagang umistambay kapiling ang mga kababata mo. di-ne eh baken gay-on? ka-hang-gan (kapit bahay)mo na eh hindi mo pa kilala ano.
    kahit ano pang sabihin nila ay talagang masarap ang samahan sa pilipinas eh ano?
    oo nga pala, huwag ka munang gagamit ng ispinats sa iyong sinig-ang…….aba baka ikaw ay madale ng e. coli eh,
    mag-tae ka sigue.

  22. Sa may Sta.maria bulacan nga eh merong kakilala ang friend ko na ang bansag sa kanya eh kamatis. Ewan ko rin kung bakit. pati mga kapatid at kamaganak nya eh tinawag na ring kamatis, tuloy, ang naging tawag sa lugar nila eh kamatisan. hehehe

  23. Sa may Sta.maria bulacan nga eh merong kakilala ang friend ko na ang bansag sa kanya eh kamatis. Ewan ko rin kung bakit. pati mga kapatid at kamaganak nya eh tinawag na ring kamatis, tuloy, ang naging tawag sa lugar nila eh kamatisan. hehehe

  24. Hi Batjay,
    Nung mga early 90’s na-destino ako sa Novaliches, nagturo ako sa Metro Manila College at Metro Manila High School ng mga computer courses. Doon ako natuto mamuhay as an independent Pinay. Di umaasa sa mga magulang. Naaalala ko nga ang palengke dun, masarap mamili.
    Oks ang kwento mo ha.

  25. Hay salamat at sinagot mo rin ang tanong ko sa iyo. Marami kaming pinagsamahan at pinag saluhang mga Amgirls ng kuya Dante mo nuong nasa RJ pa siya lalo na nuong weekends gig niya. Suki namin nuon ang mga anak na tsikas ng mga sundalo sa Clark at Gapo. Kaya kung napansin mong madalas mag kamot ng yagbols ang kuya Dante mo nuon eh ngayon alam mo na. Ang kuwarto ko nuon sa haybol namin sa West Ave. eh sukdulang tambayan namin atbpa. Pag nasa haybols niyo kami nuon ay madalas hilo-hilo kami at na-aalala ko pa ang ermat mo na alalang-alala sa amin. Natatandaan mo yung paboritong shades ng kuya mo? Ray-Ban na Pilot’s shades.

  26. tio delyo

    hahaha..natawa naman ako sa reply mo… i dont know about the ‘malambot ang buto nun’ part…last i checked he is now one of the most expensive orthopedic surgeon in town..he now has a slew of kids..the wifey kept reproducing like an energizer bunny on shortcircuit =)..i still see them frequently in the society pages of the broadsheets and glossies…i heard the mother pays a retainer to a PR firm just so she always appear on paper…kaya pala kahit small event, like eating halo halo e covered by media…

    anyhu, my friend is doing great now…she’s based in singapore with her goodlooking and responsible huband and she enjoys an equally succesful career

    sunshinier =)

    madalas din ako pala maglagi sa nearby baesa…overnight sa friend ko bec her asshole husband left her for his fugly secretary

    geez..wala yata ako maganda memory sa lugar nyo =(

  27. Sunshinier,
    Teka muna, mag-papaumanhin lang ako kay Batjay dahil medyo na-hijack na yata itong paksa niya tuloy sa barrio Talipapa. Tanong ko lang sa iyo, kung asar na sar ka sa mga sosayting pamilyan an tinutukoy mo, bakit hanggang ngayon eh sinusundan mo pa rin ang buhay nila? Siguro ikaw yung si mahirap at talagang may kras ka kay Dr. Orthopedic ano? Biro lang. Pero sa totoo lang, mayroon pa rin bang sosayti payds sa mga diyarrio hanggang ngayon? Buti naman at nakahanap na ng mabait at poging asawa ang maganda mong kaibigan sa Singapore. Tulad ng asawa ni Dr. Boyoyoy na anak ng anak, sa Singapore ay dini-diskareyds nila ang maraming anak. At saka yung alyas mo na Sunshinier, rason mo ba yan dahil ma-itim ka at tulad ng maraming mga artista natin ay nag-papa puti ka kay Dr. Belo? Biro lang ulit ha! Tanong ko sa iyo, Bakit patay na patay ang mga masa natin diyan sa mga mistison at mistisang balikabayan na ibinubugaw ng mga magulang nila sa mga kangkarot na talent agents para maging artista o kantarista sa Pilipinas? Paki paliwanag mo nga sa akin. Ako kasi itim ako sa araw tulad ng kuya ni Batjay. Pag-pinauwi ko diyan ang anak kong lalaki para mag-artista eh baka kontrabida o komikero ang maging papel niya sa pelikulang pinoy. Siguro makakatulong sa income ko pag-ibinugaw ko na rin ang anak kong espokening da blues para mag artista diyan sa pilipinas dahil parating nauubos ang sosyal security check at food satmps ko rito sa slot machines sa Las Vegas. Paki sagot mo lang ang mga tanong ko Batjay at Sunshinier.

    Tiyo Delyo

  28. sorry, batjay… napasarap ang sabat ko sa blog mo ha… naaliw kasi talaga akong magbasa dito e…i normally dont post

    tio delyo,

    nope, hindi ako yung mahirap na ka date ni dr. orthopedic.. hindi po ako nurse o med rep so wala akong interface sa mga doctor… yup, napaka laganap ng society pages dito sa pinas…i handle corpote communications for my company so i monitor publications regularly, kaya wala akong choice kundi makita ko ang pagmumukha nila

    hindi rin po ako maitim…nung dalaga pa ako, binansagan akong sunshine cruz ng mga officemates ko after her ” ekis” movie came out…we have the same build and figure daw kasi =) … the name stuck even after i got married and gave birth…

  29. pwede rin ako sabat? Bansag nila sa akin noon ay Bong negro, hindi naman kinky buhok ko at hindi makapal labi ko, medyo darker nga lang sa normal noypi, (lol), kasi gala ko ang buong Makati, Sta. Ana at Mandaluyong sa pagbebenta ng komiks, kamote Q at maraming iba pa. Hirap talaga mabuhay dito sa daigdig lalu na kung pobre ka! One days…lol.. makakaahon din si me basta huwag lang matulad ke Tio Delyo na nauubos atik, pati SS tsek at pagkain selyo (food stamps) sa slutz… (slot machines pala)…

    BatJay, bossing, pag-uwi ko sa Nov bili ako libro mo, promise! Belated congrats pala!

  30. hahaha natatawa ako saa mga kwentong nababasa ko…nakaka alis ng problema at longkot dito sa ice country. hahaha

  31. Ngayon ko lang nabasa ito, neighbor. Pwede mong isama sa cast of colorful characters mo si Eddieng Hika – adik na hikain na madalas na nakasabit sa likod ng mga yellow na tricycle (dun yun sa side namin, sa carreon subd, papuntang silvina) na ang isa pang sakit ay involuntary swearing (magmura) (a.k.a. coprolalia).

    But I can relate. There was a time na ni Novaliches nga di ko masabi, much less Talipapa – I just say I’m from Quezon City, with matching maarte accent na kunwari taga-La Vista or Xavierville kuno. Dyahe sa mga Maryknoller classmates ko na taga-White Plains at Greenmeadows eh.

    Patawad, Brgy Captain Roger Juan, sa pagtatwa ko sa aking pinaggalingan. I was young and foolish then.

  32. I stayed in talipapa for more than 12 years. Masaya dyan! Maraming di malilimutang experiene. OK yang si Roger Juan kahit ano pa ang sabihin nila. Fr. Senic is also OK.

Leave a Reply to florie fr canada Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *