THE MOMENTUM OF MEDIOCRITY

nabalitaan na ba ninyo na may nakawalang jaguar sa singapore zoo recently? oo virginia, yung jaguar na hayup at hindi yung security guard (na tulad nung sa pelikula ni lino brocka starring philip salvadorr). nakawala daw ang malaking pusa doon sa kanyang kulungan at kinailangan pa nilang i-evacuate ang lahat ng mga bisita at isara ang zoo ng mga 30 minutes hanggang sa mahuli ulit nila ito. how bizarre is that? buti na lang walang nakain. ang ganda sana ng headline sa newspaper: “FILIPINO TOURIST EATEN BY HUNGRY JAGUAR“. hehehe. pero two days after that, muntik nang magkatutuo ito. hindi pinoy, pero isang chinese tourist ang nakagat ng serval cat sa animal show ng night safari dito rin sa sinagpore (and not far from the zoo where the jaugar escaped). yung serval cat ay isang pusang haliparot (wild cat) na kasing laki ng aso. kinagat niya yung chinese tourist ng mahigit 2 minutes at kinailangan pa nila itong ipa hospital (yung turista ang na hospital at hindi yung pusa).

ang sabi ng kaibigan ko, parang gumaganti lang daw ang pusa kasi mahilig daw kumain ng mga serval cats ang mga intsik. kaya simula nang incident na iyan ay banned na sila from the night safari (yung mga servil cats ang banned at hindi ang mga chinese tourists).

14 thoughts on “THE MOMENTUM OF MEDIOCRITY

  1. E akala ko ba mahusay magkulong ng mga dapat ikulong ang mga taga-dyan? Di ba’t walang kawala ang mga nakapiit sa Changgi Prison?

  2. Kawawa naman yung malas na intsik na yun. E di ba mylab, sabi nga ni Lau and Antonia, nothing ever happens in Singapore. At pag may nangyari pa sayong di ka-aya-aya, e malas mo na lang talaga.

    Psst, pogi! I will see you real soon. šŸ™‚ Labyu!

  3. di pala magandang magbaon ng siopao sa zoo at sa animal show, ano? baka tayo pa ang gantihan ng mga pusang yan. naniniwala ako sa kaibigan mo, na marunong gumanti ang mga animals. may mga feelings din sila with their own kind tulad natin.

  4. I guess its sweet revenge for the serval cats long derided and abused. Napagbintangan pa ngang source din sila ng bird flu virus during the height of the SARS scare.

  5. marunong talaga ang mga animals ka uro. yung kapitbahay nga namin na mukhang aso eh scholar pa sa alma mater ko. seriously – matalino talaga sila. yung aso ko nga, hindi nakakalimot. pag umuwi kami, parating masaya ang bati sa amin ni jet.

  6. hi CAM. thanks for dropping by. nakawala yung jaguar doon mismo sa daanan ng pagkain niya. talagang matatalino talaga ang mga hayup. kaya nga naniniwala ako sa sikat na kasabihan na “MATALINO MAN ANG MATSING, SA SIMBAHAN PA RIN ANG TULOY”.

  7. totoo nga. minsan may napatay akong daga. kinagabihan habang nakahiga ako sa kama may narinig akong daga. maya-maya bigla ko na lang naramdaman na may kumagat sa isa kong daliri. palagay ko kapatid yon nung napatay kong daga at talagang hinanap ako para makaganti. doon ko nalaman na matalino talaga sila at tatandaan ka nila lalo na kung may atraso ka.

  8. kaya nga di ako lumalapit sa baboy, baka at manok kasi baka kainin din nila ako. minsan, takot din akong lumapit sa kang kong at patola.

    mahilig din kasi ako sa gulay eh.

  9. Revenge of the Wild. Sa Korea naman yun nakawalang elepante diba?

    Sooner or later mga buwaya naman makakawala sa Parks & Wildlife dito.

    Ay marami na pala non sa EDSA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *