The Kare-Kare Chronicles

nung nagpunta sina eder at leah rito last week, ang isa sa mga wish ni jet ay magluto si eder ng kare-kare. wala kasi sa aming dalawa ang marunong magluto nito. ayaw naman naming matuto dahil baka magluto kami nito parati at magka highblood ng tuluyan.

masarap magluto si eder. typical na makikita sa pinoy na gumagalaw sa isang environment na kailangang marunong kang magluto para makakain. kadalasan nakikita ko ito sa mga OFW at mga taong nasa construction industry or in the case of eder, both.

suwerte rin si leah dahil mayroong nagluluto para sa kanya ng pagkaing pinoy. napaka importante nito, lalong lalo na sa mga tulad nating mga wala sa bayang magiliw na pilit inaabot ang pilipinas kahit sa panlasa man lang.

9 thoughts on “The Kare-Kare Chronicles

  1. korek ka diyan boss. karamihan dito sa construction industry eh marunong magluto. ang tatay ko sa abroad lang din natuto magluto. ako naman, konting panahon pa siguro. hehehe.

  2. Agree ako sa iyo unkyel! Kaya naman nagpilit akong mag-aral magluto, para pag hindi available si misis magluto, e pwede pa din akong magluto ng pagkaing pinoy. Pero dito sa Merlion city, ang dami na ding naglipanang kainang pinoy, kaya pag walang time magluto o sadyang tinatamad ka lang talaga, punta na lang sa suking turo-turo! Hehehehe!

    Napahaba yata ang comment ko, hehehe!

  3. ako rin, dito na lang natutuo nung umalis sa pilipinas. tama talaga yung kasabihan na necessity is the mother of invention.

    naalala ko nung panahon namin sa bundok during my 20s and 30s, lahat ng mga kasama ko ay magaling magluto.

  4. Hi Jay,

    sa saudi, dahil malapit na akong tubuan ng pakpak sa araw araw na pagkain ng manok doon…ay napilitan na rin akong magluto, salamat na lang sa mga asian stores at sa mga instant mix, natuto akong magluto ng sinigang at adobo…na manok pa rin…hehehe.

    Kare-kare…sarap, iyan kaya ang lutuin namin ngayong thanksgiving?

  5. bossing!

    kamusta na? kailan kayo pupunta ng so cal?

    oo nga puro manok siguro sa saudi, ano? parang sa singapore at malaysia – yung common na pagkain na pwedeng kainin ng mga muslim, kristiyano at intsik ay manok.

    punta ka na lang ng pinoy-pinay at bumili ng kare-kare at crispy pata.

  6. tol,

    the best kumain ng kare-kare after your 10K marathon or after a very strenous exercise dahil very rich itong pagkain na ito. guaranteed balik ulit ang lakas mo. stay healthy and cool brod. have a nice day.

    regards (as ususal)……bong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *