THE HEART OF THE MATTER

masaya ako ngayon kasi naoperahan na sa puso ang kapatid ko kaninang umaga at maganda na ang kalagayan niya. nagsasalita na nga at gusto nang kumain ng litson at saka sitsarong bulaklak. “over your dead body“, and sabi ko. hehehe. matagal ko na itong dinadalang mabigat kasi bago kami umuwi sa pilipinas ay na stroke siya and was in a coma for 3 days. ganoon kasama ang kalagayan niya – very very near death.

in any case, bigla siyang gumaling pero kailangan niyang operahin na talaga sa puso. napakamahal magpa opera sa pilipinas. sa kaso ng kapatid ko, kailangan pa naming mag tulong tulong para ma-raise ang halaga ng kanyang operasyon. mabigat sa bulsa at tanginangyan, masama ang loob ko. heto tayong nagkakandahirap na maghanap ng pera samantalang may mga tao sa pilipinas na nakahiga sa pera dahil corrupt. pukinginangmgayan. pero ang mahalaga sa akin ngayon ay gumaling ang kapatid ko. lalabas na siya sa hospital bukas at sasalbungin niya ang bagong taon sa bahay. maswerte rin ang kanyang doctor, sasalubungin niya ang bagong taon na may kung ilang daang libo sa bulsa. tinanong ko nga sa kanya kahapon kung magkano magpatuli at baka pwedeng akong masali sa package deal ng libre. di niya ako sinagot. pero maganda namang kausap at di tulad ng dating doctor ng kapatid ko na mukhang pera.

yung experience na ito ay nagpapaalala sa akin ng mga pasyente ni jet nung araw sa heart center. mga may kaya pero nagkanda ubos ang pera dahil kailangan ipagamot ang anak. nagsimulang magpagamot sa private ward. nagatagal sa hospital hanggang sa kinailangan ni nilang ibenta ang mga bahay at lupa. naghirap hanggang sa nauwi sa charity ward kung nasaan nagtatrabaho si jet. in the end, namatay din ang anak nila. malupit talaga ang buhay para sa mga taong may problema sa puso at lalong lalo na rin sa kamag-anak nilang magbabayad ng pagpapaospital. sa mga ganitong pagkakataon mo maisusumpa ang buhay mo, ang bayan mo at ang iyong kinikilalang diyos.

11 thoughts on “THE HEART OF THE MATTER

  1. This is good news, sir BatJay! In fact, it might be the best Christmas gift ever — the gift of a second life. Thank God, ok na ang sister mo. I also commend you for being cool the whole time. kung ako yan, panic time na ako nyan. That is really good news. 🙂

  2. fafa, tuwang-tuwa ako na magaling na ang iyong kapatid. nagpapasalamat ako sa Kanya kasi binigyan kayo ng kapasidad na magkakapatid na tulungan ang kapatid ninyong nagkasakit. And for that alone, it will be a wonderful new year!

    sana tuloy-tuloy na ang pag-galing ng kapatid mo. At sana lagi ring kayong biyayaan ni Lord ng magandang hanapbuhay at pagmamahalan sa isa’t-isa para matagal pa kayong mag-sama-sama na buong pamilya.

    my love to you and ateng jet 🙂

    (PS. mag-e-email ako sa’yo pagdating ko sa bahay. asa opis pa kasi ako. wala lang… may nadiskubre lang akong katawa-tawa)

  3. Thank God, ok na ang sister mo. Parang new year, new life.
    Totoo talaga yung sinabi mo na sobra sa gastos tlga ang pagpapagamot. Yung lola ko nga milyonarya yun kaso naubos sa sakit nya (cancer at heart disease). Pero ganun talaga ang buhay. Kaya nga agree ako sa kasabihang “an ounce of prevention is a pound of cure”. Get well soon sa kapatid mo and Happy Holidays to your family. God bless!

  4. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    happy new year sa iyo, ninang. medyo nairaos na nga ang operation. tamang tama sa pagdating ng bagong taon. maligaya kaming lahat kahit medyo malaki ang nagastos. sana tuluyang gumaling na ang ate ko.

    BUHAY NA ULIT ANG PANSITAN! bwahahahaha…. ninang, request ko lang yung mga image sa site ni jet. yung back-up ko kasi ay nasa singapore. ngyehehe… malapit na rin akong lumipat ng server.

  5. hi doc emer. salamat na marami sa message mo. kahit papaano ay medyo kabado rin ako kahapon sa labas ng OR. nasa leeg ko nga ang bayag ko at di mapakali. pero everything turned out OK. lalabas na bukas ang ate ko.

    ingat and see you this afternoon!

  6. sorry to hear bout your sister pero at least ok na sya. di ko ma-imagine kung ano ang gagawin ko kung mangyari sa min yan. naiiyak tuloy ako kasi di kami magkasama ng family ko huhu.

  7. Hello, happy new year sa inyo ng pamilya mo. Buti ok na sister mo… No more lechon for a while.

    Sabi nga sa commercial mahirap magkasakit. Buti nga nasa abroad tayo kahit paano nakakaalwa at nakakatulong tayo sa pamilya natin. Not that it’s easier, mahirap pa din lalo na kung mas importanteng ipadala mo na lang ang ipapamasahe mo kesa umuwi ka pa… I know lots of people here in London who did just that, I was one of them.

    Totoo ang sinabi mo, para kang makakapatay knowing you have to go thru hell to help your family, while some people in our country sits way too comfy with stolen money… I still don’t know how they sleep at night.

    I can only hope na magkaroon na ng cleansing sa atin… hehehehe

    Peace men

  8. Peace Auee!

    Happy New Year na rin – Marami nang bawal para sa sister ko. Torn ka nga pag nasa malayo ka at oo maraming mga tao forego the trip home para maipadala na lang ang pera sa Pilipinas. San tuloy na ang pag galing ng kapatid ko.

    Ingat,
    Jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *