The great roots of night grow suddenly from your soul, and the things that hide in you come out again

habang sinusulat ko ito. kasalukuyan pa rin akong nasa gitna ng aking the great singaporean shrimp allergy attack. ewan ko ba kung saan ko ito nakuha. hindi naman ako nakatikim ng hipon nung lunes. although nakasubo ako ng ilang pirasong manggang hilaw na may bagoong during last saturday’s dinner with eder, leah and helen. siguro yun ang dahilan. pero napaka arbitrary naman. nung isang buwan, nag ulam pa kami ng kare-kare at ang dami kong nakaing bagoong. hindi naman ako simumpong. siguro may masamang feng shui na nangyari: baka mali ang ikot ng plato, o kaya iba ang korte ng tinidor na pinangsubo ko kaya ako kinakati. baka naman may natuwa sa akin at na usog ako? if so, kailangan akong malawayan.

at talaga namang napakahirap abutan ng allergy attack. in my case, it takes a week before the allergy finally runs its course. during this time, lahat ng parte ng katawan ko ay kakatihin. and yes virginia, kasama na roon ang kati ng betlog. one time it’s your entire arm that’s itchy tapos lumilipat na parang virus sa paa. random itong nangyayari na palitapat lipat sa kung saan saan. parang science fiction na story ano? reminds me tuloy of the michael crichton book called “PREY”, kung saan isang swarm na micro-robots ang sumanib sa katawan ng mga characters sa novel, transforming them into beautiful people with attitude problems. hmmm… marahil ito na rin ang dahilan ng bigla kong pagka gwapo lately.

26 thoughts on “The great roots of night grow suddenly from your soul, and the things that hide in you come out again

  1. Hay, naku, bakit ka kumakain ng bagoong? I avoid that dahil din sa allergy. Pero ako, di nangangati, sumusuka lang. hahaha

    Gross. Mas ka, kesa ako. Hahaha

  2. bakit nga ba ako kumain ng bagoong nung sabado? masarap kasi eh. lalo na pag ang bagoong ay ginisa sa bawang at itinerno mo ito sa manggang hilaw na pagka-asim.

    O kaya, nasa Singapore ka at di nakatikim ng pinoy food for a while at biglang may naghanda ng bagoong na may sawsawang kare-kare.

    nawawala ako sa sarili ang now i pay the price.

  3. Ingat ka rin bosing kasi baka mapuruhan ka. I don’t know how accurate this is but what my friend did was inunti-unti ang pagkain ng shrimps. Sabi niya di na siya allergic dito. Na-immune yata. Ewan ko lang kung kwentong totoo o kwentong kutsero yun ha.

  4. di kwentong kutsero, maaaring totoo. nagkakadevelop tayo ng tolerance sa ano mang allergen if we are exposed in increasing levels through time.
    i-compare natin sa lactose intolerance: yung mga taong nasisira ang tiyan pag umiinom ng gatas(o kumakain ng dairy products), they do not have the enzyme that degrades lactose. acquisition of that enzyme can be developed upon taking in lactose in small dosages…hanggang padami through time until maging tolerant ka. at least theoretically this is true.
    he he…parang pag-inom din ng alcoholic drinks…di ba tumataas level ng tolerance pag matagal na?

  5. hi ate glo.

    hmmm… magandang analogy ang lactose intolerance at pag-inom ng alcoholic drink sa pagtaas ng level of tolerance. in my case, ganyan nga ang ginagawa ko. i eat a little bit of shrimp once in a while. this bagoong case is one of them. di naman marami ang kinain ko. just a little bit. di ko alam what triggers the attack.

    well i know that it is shrimp. pero shrimp plus what? kasi, katulad last month, ang dami kong nakain na bagoong pero ok lang. ngayon, 3-4 pcs ng magga with bagoong – attack na agad.

    kailangang magkaroon ng senate investigation tungkol dito.

  6. i remember nabanggit mo na ito sa akin the last time we’ve met tito rolly. at di lang ikaw ang nagsabi nito sa akin. yung colleague ko from australia na si norman told me that he used to be allergic to shrimp.

    pero ngayon ay hindi na. to prove a point, ininggit niya ako by ordering a whole lobster dinner which he demolished na may halong pang-inggit. hehehe. same solution on his part – kumain siya ng dahan dahan. pag alam na niyang namamaga na ang nguso niya at hihinto na siyang kumain.

  7. Mahirap talaga ang epekto ng shrimps sa mga may allergies dito. Ako din minsan inaatake ng ganito, although hindi ganito ka-grabe.

    Nung bata pa ako nag-allergy ako sa chicken so badly na kelangan pa ko itakbo sa hospital… (o sa doctor lang ba yun?) di ko na maalala, tanda ko na pala. Hehehe.

    “Wala kayo sa lolo ko…”

  8. Sorry mylab ha. Dapat di na lang ako nag-gisa ng bagoong e. E kasi naman, sabi mo ok ka lang sa bagoong… sabi ko na sayo hindi e.

    Anyway, puwede nga yung unti-unting exposure pero ingat ka pa rin. Minsan kasi, successive hypersensitivity attacks could be more severe. Natatakot ako pag ganyang may allergy ka kasi baka magkaroon ng respiratory involvement… yun ang delikado.

    Ingat na tayo mylab ha. Labyu! 🙂

  9. siguro mababa lang ang resitensya ko ngayon mylab kasi mabigat ang sipon ko ever since i arrived from manila. hindi nakayanan ng aking kili-kili powers protektahan ang katawan ko sa shrimp attack. in any normal day, ok naman ako sa bagoong. yung dinner natin kina leah at saka yung bintan trip – mas marami pa akong nakain na bagoong. di naman ako tinamaan.

    labU2

  10. Yung friend ko ang allergy nya sa shrimp/prawns nanggagaling daw dun sa itim na vein that runs through the back of the specie. So pag-inalis daw yun, tulad sa butterfly prawn dish, pwede na nyang kainin… Kaya lang ang hirap namang gawin nun sa alamang o hipong tanga hehehe

  11. oo nga, fafa. tama si ateng ko, ingat ka rin sa mga allergies mo kasi pwedeng maging respiratory sya. pwede ring ma-block nya ang air passage mo internally, delikado din yun.

  12. NINAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    maraming salamat sa paalala ninyong dalawa ng mylab ko. oo nga, iingatan ko ang sarili ko. medyo mahirap nga ang magkaroon ng respiratory problem. kaya nga ako nahinto sa pagyosi – nararamdaman ko na kasi ang epekto sa katawan ko.

    ingat.
    jay

  13. oh and by the way, that wein thing that jet mentioned, I was told the same thing by a chef, it is the shrimps gut where all the food they ate are maintained – the next question : do you know what shrimp eat aside from algae? kahkah of other fish…and in the Philippines and Vietnam – kahkah of ??? 😛

  14. hi g.

    thanks for dropping by. laughter may be the best medicine. but it’s not that good for allergies. the best remedy is still a good solid injection of antihistamene in the arm. hehe. hindi naman pihikan ang shrimp sa pagkain, i think. parang tilapia, they eat everything. including the inside of the guts of some animals. including the inside of the guts of humans? ngyahahahaha. sarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *