THE GREAT BARRIER REEF

Tom, Ceci and BatJay ang highlight ng bisita ko sa australia last week ay ang day tour namin sa great barrier reef. it is an awesome place at talagang mapapa packingsheet ka sa kayang malaking size (in this case, it does matter). the reef stetches from townsville kung nasaan kami nag host ng conference, all the way up to the northeastern most point of australia. sumakay kami ng 2 hour ferry to get to the reef from townsville. masarap ang byahe at wala ka nang hahanapin pa – buffet meals, diving gear at magaling na staff. alam na nila ang magandang diving spots at talagang first class ang service – malinaw ang tubig at punong puno ng mga isda ang hinintuan namin. naghagis nga yung staff ng fish food from the deck. halos mabaliw yung mga isda sa pagsalubong sa kanilang free lunch. naikwento ko na ba na may lumapit sa akin na pating?

opo, dear brader en sister, nakakita ako ng pating when we were snorkling. there i was, in the deeper part of the reef nang biglang may lumangoy na pating sa mismong ilalim ko. sasabihin ko sana eh it passed right between my legs pero sobrang pambobola na yon. hehe. sa excitement ko nga ay napasigaw ako ng malakas – SUNOG! nilapitan tuloy ako ng life guard namin. akala niya ay nalulunod ako. “sorry“, ang sabi ko – “i just saw a shack“. silent “R” kasi aussie accent siyempre. pero tangnenek, it was a real shark in the wild with me. how cool can that be? kung malaman lang ito ni astrobal, siguradong matutuwa siya sa akin. si astrobal nga pala, para sa mga di lumaki nung 1970’s, ang taong pating na idol kong pinoy superhero. tuwing miyerkules nga, bumibili ako ng aliwan komiks para lang mabasa ang mga adventures niya. siyempre, gusto ko rin yung romance drama story na “nang sumanib ang langis sa tubig“, pero nasa wakasan komiks naman yon.

17 thoughts on “THE GREAT BARRIER REEF

  1. oissst! idol, sino yung naka cap na lalaki na kasama mo sa boat? pwede bang makipag kilala sa kanya? mas lamang kasi siya ng 1.5 points sa laki ng utong niya keysa sa iyo. hahahahaahhaah!!!!

  2. i got the chance to swim with sharks before (sa palau) pero nung medyo eye-to-eye na kami eh nagmura na ako at naintindihan na nga ng asawa ko dahil sa linaw sabay gawa ng lahat ng hand signals nyahaha

  3. hehe, pano ka ba namang di magiging blogger of the year nyan, e kita mo naman, from sharks to Aliwan komiks ka kung magsulat. A lot in so little ika nga. Ako din naloko sa komiks nun. Espesyal, Aliwan, Darna, etc. Kasi paborito ko si Mar Santana atsaka si Bert Sarile. Si Mar Santana yung magaling na illustrator at si Bert Sarile naman ang mgaling na cartoonist na gumawas kina ping at pong, etc…

    May napanood pa nga ako na pinapakain yung shark straight from your hand. Di mo ba na experience yun?

  4. that’s one interesting trip. Would check your photo section for pictures. 🙂 Congratulations for being blogger of the year. You deserve it. Your blogsite has entertained a lot of us.

  5. fafa

    antagal mo magsulat abt FPJ’s death… feel ko kasi dami susulat abt that, yung sayo na lang babasahin ko!!!

    dali na!!!

    sulat ka na!!!

    demanding ba?

    mwehehehehe

  6. Nakakabighani nga ang tanawin dyan sa Great Barrier Reef. Hindi pa naman ako napadpad dyan di tulad mo pre, ang swerte mo. But i always see that place featured in many tv shows and magazines.

    How does in compare to our own Tubataha Reef? Ang alam ko the Great Barrier Reef may be the largest but Tubataha is slowly being reknown as the most beautiful.

    Nagparamdam lang, ha. In some other blogs, i was accused of shameless promotion.

  7. uy, justice magaling din ako sa mga hand signals. bwahahaha – mayron nga akong 12 versions di ba? yung sa akin ay fleeting lang kasi on the move yung pating. mas maganda sana kung matagal at face to face tulad ng sa iyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *