the gospel according to mang boy #001

sabi ni mang boy sa sermon niya kanina – isa sa mga activities na parating pinapakialaman ng panginoong diyos ay ang sports. makikita ito, ang sabi niya, sa malimit na pagtawag ng mga athletes kay baby jesus tuwing gusto nilang manalo. at maraming mga nagwaging team ang nagpapatutuo rito.

itong darating na super bowl, sinabi ni baby jesus sa propeta niyang si mang boy na ang baltimore ravens raw ang mananalo sa superbowl laban sa san francisco 49ers. marami raw kasing bakla sa san francisco at galit ang panginoon sa mga bakla. at dahil raw dito, ang sabi ni mang boy, ipapanalo ng diyos ang baltimore.

sabi ko naman kay mang boy – sir, dahil ako’y walang panginoong dinidiyos, kakampi ako sa san francisco.

bigla tuloy akong sinabihan ni mang boy – wanna bet?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *