The first cut is the deepest, baby I know

THE FIRST CUT IS THE DEEPEST, BABY IT'S TRUE rite of passage ng halos lahat ng mga lalaking pinoy ang magpatuli. o sige, isama na rin natin ang mga sister natin na bading dahil tinuli rin naman siguro sila. kadalasan ang schedule ng tuli ay during summer vacation, ie, the months between march and june. it is a long enough vacation para gumaling ng husto ang sugat na dulot ng pagputol ng balat (foreskin) at ng pagtahi. masakit ba ang magpatuli unkyel batjay? ang nagtuli sa aming mga magkakaibigan sa novaliches ay ang aming neighborhood doctor na si dr. paras. may anesthesia kaya hindi masyadong masakit. i would say uncomfortable. i can still remember everything that happened during that day, 27 years ago. packingsheet ang tagal na pala! yung subdivision namin ay nahahati ng tullahan river, at ang kabila ng neigborhood namin ay literally bulacan. nung 1970’s, probinsya pa talaga ito kaya ang mga kaibigan namin sa kabilang ibayo ay tinuli by “place your dick in the chopping block, hit it with an itak, sabay talon sa ilog” method. ang problema ay napaka unreliabe nito dahil hindi doctor ang gumagawa ng procedure (nagkakatay ng baboy ang nagtutuli? hindi naman siguro) at hindi sanitary kaya malaki ang posibilidad ng infection (pangangamatis ang tawag namin dito) or much worse maaaring ikaw ay maging “sungaw”. sa mga hindi nakakaalam, ang sungaw ay titing tinuli na bumalik sa pagkasupot. mayron mga kapitbahay kaming taga bulacan side na tinuli ng itak na naging sungaw. dumadayo pa sila sa amin para ipa-repair kay doctor paras. naawa nga ako sa kanila kasi alaskado sila ng husto. katulad ng supot, masakit masabihan ng sungaw.

30 thoughts on “The first cut is the deepest, baby I know

  1. Samin sa Marikina noon, si Mang Ambo ang taga tuli. May barkada akong sinamahan magpatuli kay Mang Ambo nang siya;y 17 years old na. Naku talagang putlang putla. Nautot pa nang ibagsak na ni Mang Ambo yung pamukpok dun sa labaha na nakataya sa foreskin niya. Tawa ko ng tawa…

  2. hi dara.

    kulang na lang ng letter “N” ang pangalan mo, pwede ka na sanang lumulon ng bato at lumipad.

    goodwill 2. hmm…. perhaps. parang naalala ko na ito. ang tirahan ninyo ay part ng bulacan side of the tullahan river. if i am not mistaken, the site of your subdivision used to be our playground.

    parang kanta ni madonna… “this used to be my playground”

  3. meron akong kaibigan na briton… di sya tuli, at di bale na raw na may mabawas sa ibang parte ng katawan wag lang sa big ben nya dahil talagang may masusuntok sya… ang argumento nya don sa mga nagdadahilan ng relihiyon ek ek… kung gusto daw ng Diyos na magpatuli ang mga lalaki bakit pa Nya nilagyan ng foreskin si manoy….

    kwan na taga-kwan na maghilig mag kwan

    ‘nga pala…. nanonood ka rin ba ng Eat Bulaga? 25 years na pala sila?

  4. oo mari, naduling sa sobrang takot.

    maraming salamat kay polo for taking the picture of my circumcision. di ko alam kung paano siya nakakuha ng picture ko – 1977 ako nang tinuli at ang pagkakaalam ko walang tao sa room except the doctor, my mom and my nephew dennis.

  5. sayang apol…

    akala ko pa naman ay bentenuwebeng balisong ang ginagamit sa pagtuli ng mga batangueno. hindi mas romantic na kwento yon imbes na labaha. pero ayos na rin yon – kumakatay pala ng aso ang taga tuli sa inyo. maganda yon, pagtapos ng tuli diretso nang inom ng lambanog na may pulutang azusena. awoooooooo!

  6. “kung gusto daw ng Diyos na magpatuli ang mga lalaki bakit pa Nya nilagyan ng foreskin si manoy”….

    ano yan trick question? hehehe. siguro kaya nilagyan ng diyos ng foreskin ay para pag may masamang tao kang kinaiinisan, pwede mo siyang tawagin na “kupal”.

    sorry kwan, walang channel 7 dito sa singapore kaya matagal na akong di nakakapanood ng “eat bulaga”. naroon pa ba si conny reyes mumar at si aiza?

  7. bro, naalala ko rin nung ako ay sumailalim sa tuli, ilan rin kaming magkakabarkada na sabay-sabay nagpahiwa. Ang masarap roon eh, noong papagaling na. contest sa palayuan ng ihi…matutuwa ka sa bagong kakayahan ng bagong tuli noon.

    pinakamasakit naman na naranasan ko ng papagaling na ay ang malingat sa telebisyon at makapanood ng kahit na naghahalikan lang…madaling magalit si pututoy noon at pag nagkataon, ibayong sakit ang mararanasan mo sa pagkakabanat ng tahi…

  8. ang sabi nga ng mga matatanda nung araw eh pag nakita raw ng babae ang bagong tuling pototoy ay siguradong mangangamatis. parang the other way around yata eh – pag ikaw na bagong tuli ang nakakita ng babae, siguradong mangangamatis.

    mabuti na yong contest na “palayuan ng ihi”. at least hindi ito nakakabulag. hehehe.

  9. usapang tuli pala ang meron dito ngayon batjay. Sa pukpok din ako tinuli pero walang kasamang talon sa sapa. Masasabi kong okay lang naman dahil hindi ako namutla yun nga lang diyahe kasi yung tisay na anak nung nagtuli sa akin panay naman ang silip. hehe

  10. ang panglangas na ginamit sa akin ay yung nilagang dahon ng bayabas hindi katas ng bayabas, diba malagkit ang katas ng dahon ng bayabas?

    natawa ako sa reply mo dun sa kulang ng “N” (darna) ..”pwede ka na sanang lumulon ng bato at lumipad” hahahahahahhaha

    okay ang picture ng pag tuli sayo, naduduling ka nga sa nerbyos at takot pag nagpatuli sa pukpok lang hehehehehe

    magandang araw po!

  11. ka BongK. kamusta ka na?

    yun nga ang ibig kong sabihin – dahon ng bayabas na nilaga. panglanggas ng sugat ng tuli ng mga pinoy! hehehe… masakit din yon lalo na pag bagong kulo. bwahaha… nakakaduling talaga pag pukpok ang tuli.

  12. hello mylabopmayn.

    naku, pinagsabi mo ang real name ko. lagot, baka may makabasa nito at makilala ako. hehe.

    sampung demonyo na nangdedemonyo – 5 on my left hand and 5 on my right hand.

    gagawa ako ng haiku para sa iyo:

    “may demonyo sa likod ko
    kung ano ano ang kinukwento
    sa sobrang kulit
    ako’y nabuwisit
    tinusok ko ang pwet nya ng tinidor”

    lab U!

  13. Koya,
    ang naalala ko nung nag patuli ako nung early 80s, si angkel ko na Medic ng Marines ang nag tuli sa amin.. levi’s cut daw yung sa akin.. sa mga barkada ko.. yung pang karaniwan lang daw na Levis-Recto Cut.. kakatawa, kasi yung lugar namin, halos mag kakaidad yung mga kabataan. Aba’y nung araw ng tuli-an, naubos yung mga bata sa kalye.. kase nasa bahay at nag papagaling.. hanggang ngayon, yung angkel ko ang “idol” ng mga tropa..kasi, ang popogi daw nung mga tutits nila pag nagagalit (sabi ng mga syuta nila ha)..

    ang maganda nun eh, may P20.00 akong komisyon sa bawat tutits na tinuli ng angkel ko.. hehe nung time na yon,.. ako ang pinaka madaming pera sa tropa..di nila alam heheheheh

    Bong Burnok
    nyeheheh

  14. maayong buntag bong burnok.

    maraming salamat sa pagdalaw at paglagay ng comment. maganda pala ang tuli mo at military grade. siguradong matibay ang pagkakagawa niyan. sana pinalagyan mo ng camouflage para batik batik ang dating. ano ba ang levi’s cut? pag sinabi kasing levi’s cut ang naaalala ko ay “kadena ang tahi”.

    magaling ka pala sa negosyo. pwede kang magtayo ng circumcision clinic.

  15. samin ang nagtutuli si tito carlito ko nong akoy tutulian na nakapikit ako kaya nong last na pukpuk nan dilim ang paningin ko hahahaha pinagtatawan ako ng mga kabarkada ko sobrang nakakahiya

  16. Yung kaibigan no having SUNGAW.Natatakot mag patuli ulit kasi 20 years old na sya. Pwede paba yun mag patuli? Hehehehe kawawa kasi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *