The early bird gets the worm, but the second mouse gets the cheese

dear unkyel batjay,

nakakita po ako ng picture ng kesong puti sa photo website ni doc emer at bigla po akong naglaway. mahigit 10 years na po akong narito sa amerika at hindi pa po ako nakakauwi. naalala ko po kasi nung nasa pilipinas ako, pag almusal, piniprito ng nanay ko ang kesong puti at ipapalaman po niya ito sa hot pandesal. tapos, sasabayan ko po ito ng mainit na kapeng barako. haay naku.

saan po ba pwedeng makakuha ng kesong puti rito sa amerika?

nagmamahal,
gentle reader



dear gentle reader,

magtanong ka sa mga supot diyan, marami silang kesong puti.

ingat,
unkyel batjay

10 thoughts on “The early bird gets the worm, but the second mouse gets the cheese

  1. Kung narito ka sa timog kaliporniya, sa Palmdale maraming supot na nagtitinda ng quesong puti. mamili ka ng klase, amoy at tagal ng pag-ferment. Balita ko Tatak BatJay ang pinaka concentrated at matindi sa amoy. Sundan mo lang ang amoy pag nasa freeway ka na at mararating mo rin ang tindahan niya.

  2. sa pagkakaalam ko, feta cheese ang katumbas dito ng kesong puti dahil pareho silang gawa sa goat’s milk. iba nga lang ang texture ng kp, hindi firm tulad ng fc. siguro dahil mabilisan ang pagproseso.

  3. Malayo lang ako pero dito madami kesong puti (central america). Iba’t iba ang lasa. Me maalat, me amoy ewan (matindi sa amoy ng kili kili ng hindi naliligo), meron din naman masarap na sabi nyo nga iprito (sa Costa Rica and the best). Marunong din ako gumawa. Tinuruan ako ng mga nanay dito. Nakakalaki pala ng braso na gumawa non (e saksaksan na ng laki ng braso ko). Kasi ilalagay mo yon pinatigas na gatas sa batong malaki tapos dudurugin mo ng isa pang bato (gigil to the max ka kung baga). Hanap ako ng picture ng nag gagawa. Teka pano ba mapapakita sa inyo yon?

  4. Naku naalala ko yang pritong kesong puti sa pandesal na yan. Ang sarap nga nyan! Yun nga lang, tuwing kakain ako nyan pakiramdam ko pumapak ako ng taba ng alimasag. Ang riche kasi ng flavor, hindi cholesterol friendly… hehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *