THE DOMESTICATION OF THE ANIMAL HUSBANDRY

di talaga ako magaling sa housework. at least, not at par with the meticulous and very high standards of jet. para sa kanya, dapat fresh smelling at mabango ang labada (na di ko magawa), yung sahig dapat spotless na halos madulas ka (na di ko magawa), pag may nahulog na abubot ay magagalit siya (parati kong ginagwa). those sort of things. it is an understatement to say na control freak siya sa bahay.

every evening, gumagawa si jet ng spreadsheet ng “to do” list niya for the next day. very detailed at right down to the last minute. 6:00 wake up, 6:05 brush your teeth, 6:10 make coffee, 6:20 wake up batjay, 6:30 make-up bed, etc. etc. etc. at magpapatuloy ang listahan na ito hanggang sa oras ng pag tulog namin.

kung naroon lang siya sa planning staff ni omar bradley eh baka isang buwan pa lang eh sumuko nang mga german at di na kinailangan nina speilberg at tom hanks na gumawa ng “band of brothers” at “saving ryan’s privates”, este, “saving private ryan” pala.

nasa manila pa si jet kaya ako’y engineer by day, house husband by night. pag ganitong week-end, full time house husband ako siyempre… sa katunayan, habang sinusulat ko ito, nakasalang na ang labada sa washing machine, kakatapos ko lang mag walis, inayos ko nang kama, tinimpla ko nang ulam kong pepper pork chops, nakaligo na ako at maya maya, pupunta na ako sa grocery para bumili ng mga supplies. hinihintay ko lang ang travel agent namin na dalhin ang plane ticket ko at passport dito sa bahay para sa trip ko sa pilipinas at australia next week. at lekat na iyon, alas diyes na wala pa. sinisira niya ang schedule ko! hehehe.

next sunday, sabay na kaming babalik ni jet dito sa singapore. until tuesday, at least, this flat is my domain. enjoy rin ako doing all the housework. nakikita ko yung perspective ng asawa ko, who has made the choice of spending her time at home. i find that there is a rhythm, a regularity and a sense of purpose in all of the little things to be done here in this house that appeals to her sense of orderliness. it is a career in itself and i take my pants off… let me rephrase that freudian slip: it is a career in itself and i take my hat off to all the housewives of the world.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *