The boldness of asking deep questions may require unforeseen flexibility

T: nagpa sex change ka ba talaga unkyel batjay?

S: hindi gentle reader, may bisita lang kami for dinner bukas at kailangan daw akong magsuot ng presentable clothes.

T: gaano na kayo katagal sa amerika?

S: three weeks and four days.

T: kamusta nang accent mo?

S: hindi na siguro mababago ito – carabao english pa rin na parang kambing na utal.

T: anong pinoy bad habit mo ang gusto mong matanggal diyan sa amerika?

S: ang magturo gamit ang nguso pag may nagtatanong sa akin ng directions. hindi ito naiintindihan ng mga amerikano. akala siguro nila eh gusto ko silang halikan.

T: tumaba ka ba simula ng lumipat sa america?

S: pumayat.

T: paano mo nasabi?

S: lumuwag kasi ang mga pantalon ko tapos mas nakikita ko ang titi ko ngayon pag umiihi.

T: kamusta weather diyan sa southern california?

S: summer. mainit. pero tuyo pa rin ang singit ko. wala kasing humidity.

T: eh di hindi amoy keso?

S: ang singit ko? hindi. tuyo nga eh.

T: ano amoy niya ngayon?

S: ng singit ko? parang paksiw na hasa-hasa na lang.

T: nagsisimba ka ba diyan sa amerika, unkyel batjay?

S: hindi, natatakot kasi ako at baka may masabi akong masama sa pastor, eh baka ipa assasinate ako.

T: si pat robertson ba ang pinupuntirya mo?

S: oo, gardenget. pro life daw siya at against abortion pero gusto naman niyang magpapatay ng taong iba ang paniniwala sa kanya. dapat siya ang bigyan ng sex change.

T: do you feel homesick?

S: hindi na masyado. masy TFC kasi kami sa cable at parati kong naririnig si kris aquino na sumisigaw ng “KEEEEE-WRECK!”

10 thoughts on “The boldness of asking deep questions may require unforeseen flexibility

  1. i get goose bumps dahil sa ‘kurrrek’ na yan from kris aquino to think na araw-araw pa sya sa tfc. sigh.

    kelan kaya dadating ang gma7 sa singapore? meron na dyan sa calif yata e. i think better yun sa tfc.

  2. di kami nagpa TFC kasi nga wala naman ako pinapanuod dun. though may Asian channel dito sa bay area na may TV patrol tuwing 6pm.

    Im still waiting for GMA pinoy tv, sa comcast cable dapat sila pero nagkaproblema yata recently kaya la pa rin sa lineup hanggang ngayon

  3. hi haydee. parang echo ah. hehehe.

    pag nasa malayong lugar ka talaga, kahit ano papatulan mo basta tungkol sa kapinoyan. kasi isa ito sa nagpapalapit sa iyo sa iyong bayang magiliw. magkabaduyan na tayo pero it brings home to us.

    sana nga may GMA 7 na rin para marinig ko si mike enriquez magbalita. pag siya kasi ang nagsasalita, akala mo magugunaw na ang mundo.

  4. Pwede si Sir Batjay sa Bubble Gang ng GMA7. Siya si Papaya Guanio (Pia Guianio)ng Chika Minute sa spoof nila ng 24 Oras.

    Mel Tiangco: Ano ha….?
    Mike Enriquez: Excuse me po!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *