THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!

GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.

UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng “THE BEST BLOGGER FOR 2004” sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan… baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.

THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

alam ko mas maraming mas magaling sa akin kaya di ko inaasahan na manalo ng award ang pagsusulat ko. pero, hayaan nyo akong mag speech: i want to thank my parents for giving me baon. i want to thank god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. i want to thank my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 13 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)

44 thoughts on “THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!

  1. Congrats bossing BatJay! Hep, hep, hurray! Mabuhay ang pepper steak! Mabuhay si Spider-Jay! Mabuhay ka, BatJay!

    Sobrang agree din ako na ikaw ang the BEST BLOGGER not only for this year but for the the whole DECADE! Mabuhay ka! 😉 Dapat noon pa nila binigay ito sa yo!

  2. heavy weight (read as: bigatin) ka na talaga kuya batjay! congratuleytsment from R and moi!

    kung di kami abot sa pinas eb sa dec 30 (anniv namin yun e — yihee) kitakits na lang tayo sa sting–sting–sting.

  3. Ang galing-galing! Kahanga-hanga ka nga BatDyey.
    Sana paglaki ko (at kung anuman ang kailangan pang lumaki sa akin) eh maka-kalahati mo lang ako, ayos na ako doon!
    Congratulations! Well deserved!

  4. Ta-inis!!!! FAFA!!!!!!!!!!!!!!!!! proud na proud ako sa’yo! I knew you had a big chance of winning that award kasi talaga namang ibang klase ang blog mo. Noone deserved it more than you did!

    Grabe… pagnagkita tayo, magmamano ako sa’yo ha? Mistula talagang godfather ka na ngayon ng blogging world!

    Tuwang-tuwa ako talaga… kung naihi ka, palagay ko pagpapasensyahan ka na ni Ateng. hehehehe

  5. aba! aba! CONGRATS! yip-tee-doo!!! ano premyo? one year’s supply of bagoong from barrio fiesta? or one year’s supply of penoy balut?

    ang galing talaga ni manong jay! neighbor ko sa novaliches yan! hindi nga lang kami magkakilala till now! haha

  6. MASIGABONG UTUTAN EHEK, PALAKPAKAN PALA.
    kailangan natin ang retrato na tumatanggap ng award. Korona at setro ha.
    Siyanga pala Batjay, (wala bang balato…bulong,bulong…)

  7. Ang lagay ba eh ganyan na lang?? Dapat sasayaw ka na talaga kahit walang isangdaan…

    Tagay p’re!! (huwag mo akong batukan..natuto lang akong tumagay sa blogging)

    Kongrats!

  8. BatJazz! just came back from my leave–took out my brain from a three-week cryogenic storage–thawed it out instantly with this great big news! hip-hip-hoooraay!
    mabuhay ka! Mwah! keep up the food, eheste, good work! sarap nga pala ng char kway teow dito sa zion road hawker food centre,sluurrrp! heheheh!

  9. Batjay, super congratulations!!!! Grabe, am I ever so proud to be in your blogosphere. Keep the humor and the stories coming, you make our lives more interesting!

  10. kapwa-winner, ka batjay,

    kakatawa ka naman, batjay!

    ngayon lang ako napa-daan dito. you’re hilarious. pahingi naman ng sense of humor mo. hawaan mo ako, kahit konti lang. 😉

    O di kaya pwedeng maka-bili ng katatawanan mo? (read it closely, hindi “katawan mo”, ha!)

    kung ikaw, muntik nang ma-ihi, ako nabilaukan ng di oras. Ano kaya ang nagawa kong kamalian?

    Congratulations, batjay! ;-p

    Mabu-hey!

    ka edong

  11. maraming salamat sa inyong lahat.

    medyo busy lang ako ngayong week kaya di ako makasagot sa inyo. may conference kasi simula nung wednesday tapos lilipad pa ako ng australia ng monday.

    i’ll blog later tonight and answer all the email. thanks and take care!

  12. Congrats po. Damer ka pala? Ako din, Batch 93 nga lang. And laki na pinagbago ng Notre. Ang ganda ng gym. Pati gradeschool, they have their own gym na. 40 Thousand na yata tuition sa HS. When I was there 11 Thousand plus pa lang. Ingat and God Bless.

  13. Pingback: Tales of the Un Lawyer

  14. Congratulations Persklasin! Why am I not surprised at all that you won this? Because it is SO well-deserved, that’s why!

    Uhh…permission to brag? ATTENTION EVERYONE…PERSKASIN KO ‘ATA YAN. 😀 (Ay, mali, perskasininlo lang pala ako! heh heh…)

  15. hay naku, kuya Batjay, you REALLY, really deserve to be the Best Blogger of 2004. would you believe my hubby NEVER, ever reads my blog? yeah, NEVER! pero he reads yours regularly. namamalayan ko na lang biglang nag-ta-ta-tawa yun pala he’s reading your posts.

    you’re the best! absolutely LOVE your blog. congratulations!

  16. congratulatory en da lavatory en da winner is…

    *You are one fine specimen* dafat kang magkalat ng lahi Sir! galing galing nman. Proud kmi of mah Ate G for u.

  17. batjay!

    bro, na-banggit ng bestfriend ko, si jorey guzman, na he took over your position in Siemens. Nag-meet daw kayo isang beses na bumisita ka sa office.

    Wonderware ka daw diyan. ayos! buti naman at may oras ka para sa kalokohang blog nakakapagpa-ligaya ng ibang tao. 😀

    keep on blogging!

    edwin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *