THE ACCIDENTAL TOURIST

narito na ako sa bayang magiliw. swabe naman ang flight from singapore to manila. pero putangina, grabe pala ang byahe ko. i have been literally living off a suitcase lately and it has been a long and tiring week.

WEDNESDAY, APRIL 6. naghanap kami ng makakainan ng dinner sa new delhi at nagpunta sa isang mall dahil yung kasama kong intsik ay biglang nagkaroon ng craving para sa McDonald’s mcveggie vegetable burger (oo virginia, walang hamburger sa india. magkakapatayan kung nagkataon. HOLY COW eh, alam mo na). it turns out, young mall na pinuntahan namin ay walang mcdo at nagpasya na lang kaming umuwi. medyo minalas lang nga kami dahil yung taxi na sinakyan namin pabalik sa hotel ay tumirik sa gitna ng madilim at nakakatakot na kalsada. buti na lang at may dumaan na tricycle after a while. pinara namin ito at PRAISE BE TO GOD JEEE-ZHAZ, sinakay kami. kung nagkataon na hindi kami sinakay eh baka napilitan pa akong pumara ng camel o elepante. it was that bad.

THURSDAY, APRIL 7. gising ng maaga to catch a flight from delhi to calcutta (ang bayan ni mother teresa). pahinga sandali and then off again to find yet another mcdonald’s dahil ang kasama ko still has a veggie burger craving. sakay sa taxi na walang aircon at dumiretso sa pinakamalaking mall malapit sa hotel. kung saan saan kami pinaikot ikot ng driver dahil feeling ko, gusto lang niyang kumita ng extra rupees. what the heck, ibigay ang hilig dahil mura lang naman ang taxi. libre pa ang pasyal. yung mall na pinuntahan namin ay wala pa rin mcdonalds. so uwi na naman kaming luhaan sakay sa taxi na walang aircon. pagbalik sa hotel, i oversleep dahil siguro sa pagod sa byahe at sa init ng calcutta.

FRIDAY MORNING, APRIL 8. i wake up at 4 AM dahil kailangan kong maghabol sa mga email. hirap talaga ng nasa byahe dahil yung office work mo ay nahihinto and it’s tough to catch up while you’re on the road. around 6:30 ng umaga – biglang nawala lahat ng kuryente at tubig sa hotel. patay sabi ko. malapit na ang conference namin at hindi pa ako nakakaligo. tawag sa front desk…

6:30 AM
BATJAY: hi good AM! when’s the power and water going to be restored?

FRONT DESK: good morning mr. david. just give it 10 minutes.

6:45 AM
BATJAY: it’s 15 minutes already. what time is the power and water going to be restored?

FRONT DESK: mr. david. just give it another 15 minutes.

7:00 AM
BATJAY: it’s 7AM for crying out loud, what time is the power and water going to be restored???

FRONT DESK: mr. david. we are having major problems. the engineers says another 30 minutes.

7:45 AM
BATJAY: i have to be in a conference in 15 minutes. what the fuck are you guys doing? i don’t know what your practice is in this place but i cannot live without taking a bath in the morning.

FRONT DESK: mr. david, we are sorry for all the delay. i will send someone to your room with a pail of water.

BATJAY: ‘NAMO!

sa tagal kong pinaghintay, wala ring nangyari. nagbihis ako (naka coat and tie pa, bwakanginangyan) na dehins goli. tapos pag dating ko sa conference room, walang aircon dahil sa power interruption. we moved the conference to start at 10 am. power was restored around 8:45 kaya dali dali akong nagpaalam para makapag quick shower.

FRIDAY EVENING, APRIL 8. kailangan dumiretso sa airport after the conference kaya bukas maleta. kuha damit, ligo, palit damit, sara maleta, sakay taxi at diretso sa airport. kung sino man ang nag aakalang masarap ang buhay ng puro travel eh, take it from me: it’s so fucking inconvenient. tapos pag dating sa airport ng india, mayron atang labingapat na security check. inspection na katakot takot at paulit ulit para tuloy ang sarap mag wise crack pero you take it all in dahil paalis ka na rin naman. i sleep badly during the overnight flight and to add insult to injury – nakalimutan ko pa yung “SIDEWAYS” kong libro sa loob ng eroplano. sana mag enjoy na lang ang makakapulot nito.

SATURDAY, APRIL 9. the flight from india arrives at 6:30 in the morning. checkout sa changi at check in again sa flight going to manila. i still have 3 hours, so i ride a taxi and go home. kailangan kong umuwi dahil: una, masarap mag shower. ikalawa, nakalimutan ko yung papeles ko sa POEA. hindi kasi ako papaalisin sa pilipinas kung di ko dala ang mga ito. yan ang red tape blues ng OFW – sana man lang pwede ang online processing para di na kailangan pang magpunta sa opisina nila. ligo, kuha ng papeles at sakay na naman sa taxi pabalik sa airport. i still have time to buy another copy of “sideways“. i end up buying another book. hehehe. arthur clarke’s “time’s eye“. matagal na akong sabik sa aking peborit na science fiction writer kaya i could not resist the temptation. pagdating sa pilipinas, ayaw mag landing ng eroplano. sabi ng captain, mayroon daw VIP sa runway at kailangan munang hintayin umalis. VIP? tanginangyan. welcome to the philippines batjay.

narito na ako ngayon sa antipolo. nagmumuni-muni about the week ahead. sa tingin ko ay magiging problematic ang manila conference namin dahil yung expected kong 80 people ay naging 170. we’ll just see how it goes. we still have sunday and monday to prepare. in the meantime, enjoy ko muna ang bahay namin at ang masarap na lutong pinoy ng alalay naming si anna banana. nag dinner kami kanina ng sinigang na baka. sarap. after dinner, bigla akong inantok at nakatulog na naman ako sa harap ng computer. nagising ako, late evening na at di na ako makatulog. pinaghalong jetlag at pagod. kaya heto, alas tres ng madaling araw – nagsusulat na naman. bwakanginangyan. sleep come free me. ano kaya kung magjakol na lang ako.

13 thoughts on “THE ACCIDENTAL TOURIST

  1. Rest well, sleep on it. Everything will be brighter in the morning. You’re miles away from that place now. You’re home.

    Labyu! 🙂

  2. alas singko na ako nakatulog kanina mylab. di kasi siguro ako sanay matulog sa bahay natin ng wala ka sa tabi ko. nagising ako ng mga 8 am at kumain ng breakfast. binili ako nina anna ng newspaper at may nakahanda nang pandesal, cheesewiz at kape pag baba ko. how sweet.

    miss na kita mylab. uwi ka na rito. lab U!

  3. batjay welcome home! sana nga kasama mo si jet.

    o, conspiracy na tayo. si gary tugtog bukas. 🙂 i’ll be there if you’re of a mind to follow. in the meantime, relax at good luck sa iyong planning.

  4. it was convenient for them to reason out the brownout, pero kahit di brownout, di rin sila maliligo tulad mo…

    hindi ata jetlag…baka JETLAB ang sakit mo…sana malapit na ang ilang linggo…how soon is now?

  5. ka junnie!

    city wide daw ang blackout at very apogetic naman yung manager afterwards. to their credit, naka abang yung mga manager sa lahat ng mga nag check out and were apologizing profusely. pero nag taray pa rin ako. BWAHAHAHAHA.

    now, is coming very very soon.

  6. hehehe… di ako masyadong nag cheesewiz tin pero yung pandesal pinapak ko. tanong mo kay jet, yung pandesal ata rito sa subdivision namin sa antipolo ang the best sa buong pilipinas. ang super sarap!

  7. ohh you left sideways 🙁 I can sed you mine 😛

    and I didn’t know there are tricycles in India, I thought those are exclussively Philippines hehehe duh!

    Enjoy your house although I know it isnot the same without the queen. Pan de Sal is good with coconut jam my dear 😛

    have lots of fun and rest!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *