The 2007 Philippine Blog Awards

nalaman ko ngayon na nanalo ako ng Best OFW Blog sa philippine blog awards. sayang hindi kami nakadalo ni jet. masarap sanang kumain ng libre, makipag beso-beso ng lips to lips na labas ang dila at makipag kulitan sa mga pinoy blogger na karamihan siguro ay pwede ko nang maging anak. maraming salamat sa mga organizers at sa mga judges.

nagbilin nga ako sa mga kaibigan ko na kung sakaling manalo ako ay kunin na lang nila ang trophy. sabi ko rin, kung hindi ako ang manalo eh kunin nila ang trophy doon sa nanalo. hehehe. sana nga ay may tumanggap ng trophy at cash prize. teka muna… may cash prize nga ba?

pero seriously – thank you very much at congratulations sa lahat ng mga nanalo. mayroon nga pala akong acceptance speech, kung naroon sana ako:

β€œi want to thank my wife for having good taste. i want to thank my parents for loving me and giving me baon. i also want to thank god for making me pogi. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)”

54 thoughts on “The 2007 Philippine Blog Awards

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *