THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel – pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa “fafa batjay”. maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo…

bakit nga ba ako nag abroad? mahabang storya gentle reader, sana may oras ka para magbasa. masasabi kong convergence ng maraming mga factors ang nagudyok sa akin para magabroad.

una: nagsawa na ako sa trabaho ko sa pilipinas at hindi ko na makasundo ang dati kong boss. siguro we’ve outgrown each other at masyado na kaming familiar sa isa’t isa. labindalawang taon din akong nagpaikot ikot sa pilipinas at hilong hilo na rin ako. pero huwag ka, enjoy ako sa mga byahe ko sa kung saan saan. sabi nga ni yoyoy villame eh – “according to our geography, the philippines is a great country“.

ikalawa: putangina kasi ang traffic sa maynila. biro mo, dalawang oras ang antipolo-makati papunta, dalawang oras naman makati-antipolo pabalik. apat na oras para lang sa pag byahe? packingsheet! binbilang ko ang oras ko sa loob ng kotse sa isang taon – 1056 hours! bwakangina, sabihin na nating 100 pesos ang singil ng manhours ko (eksampol lang naman ito). biro mo, 105600 pesos ang nasasayang ko every year, dahil sa traffic. idagdag mo pa diyan ang mala basketball sa laki ang nabibilog kong kulangot dahil sa sobrang tagal ng galaw ng mga sasakyan.

ikatlo: bingyan ako ng offer ng mga kaibigan ko dito sa singapore. yan ang isang maganda sa industriya namin: habang tumatagal ka eh marami kang nakikilalang mga tao. yung iba sa kanila ay maganda ang impression sa iyo. sila ang magbibigay sa iyo ng mga magandang offer. iyan nga ang nangyari sa akin. nag bigay ng offer ang kaibigan ko na magtrabaho sa singapore para sa isang kumpanya nilang based sa california. binigyan nila ako ng magandang offer na may kasamang pension plan, sales commission, medical benefits at libreng bakasyon pabalik sa pilipinas. nang makita ko kung magkano ang total package, nanlaki ang mata ko at sinabi ko sa boss ko: “sheet! you are so bery-bery gud! i wil begin with you por tomorow! (in madertang translation: “tangina! ang galing mo sir, magsisimula na ako para sa iyo bukas na bukas din”)

ikaapat: kailangan nang mabayaran ang bahay namin ni jet. mataas ang monthly payment ko sa bahay dahil 3 years to pay lang siya. yung sweldo ko sa pilipinas ay di kaya ang pagpapatuloy na pagbayad sa bahay. eh ito ang unang bahay na binili naming mag-asawa. naipundar at naitayo dahil sa packingsheet na pawis at dugo. di pwedeng mahinto ang pagbayad. ayun, dahil sa pag abroad ko ay nairaos din namin. fully paid na ngayon ang bahay at na enjoy na namin ito. yung nga lang eh tuwing umuuwi lang kami ni jet sa pilipinas. pero ika nga ni mick jagger: “you can’t always get what you want”. kaya happy na rin kami sa ganitong sitwasyon.

naku, tingnan mo nga yan, napahaba na pala ang sagot ko gentle reader. bukas ko na lang sasagutin ang isa mo pang tanong na “kung masarap bang mag abroad“. ingat diyan at sana ay makasama ka sa asawa mo sa pag abroad para naman di masayang ang sex life ninyong dalawa.

25 thoughts on “THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

  1. Bakit kaya sakin walang mag-offer tulad ng sa yo?
    kahit sa timbuktu, wala! Hay, buhay!

    Di bale, masaya na rin ako kasi nababasa ko mga buhay-buhay nyo dyan. Ingat!

  2. Hi Doc Emer and Tito Rollie.

    Kung sana man lang ay pantay ang playing field sa Pilipinas ano at walang lagayan – WITH the same conditions as I could have here. I would come home in the blink of an eye, kahit mas maliit ang suweldo.

    Perhaps in the next generations to com. In the meantime, makapag ipon muna ng pang retirement money para pag pumuti nang buhok sa kili kili ay mayron pa ring pang gastos.

  3. Hi……are you a former rockjock in RJ and if yes…what was your handle? By the way i am a big fan of your brother. i really enjoy your site. regards. roy

  4. hi roy. thanks for the comment. i really enjoy people who write in and say they enjoy the site.

    yes, i was a former rockjock at RJ. but only for a very short while in 1987 (and that was enough for me). i get some mail from fans of my brother from time to time. he’ll be pleased to know that you’ve said hi! take care my man, and keep on rocking.

  5. ‘bat di pwede magparamdam dun sa confessions of a dangerous mind? i thought it was very funny, my kind of funny, ultra wry and pwedeng/parang totoo hahaha. you should see the movie (if you haven’t yet)’man in the moon’ the one w/ jim carrey in it, maybe you’ll like it.

  6. hi atinna.

    natatakot kasi ako at baka may mag comment ng bastos. ako lang ang pwedeng mambastos sa site ko. AKO LANG! hehehe… maraming salamat. buti naman at pareho tayo ng sense of humor.

    i’ve watched “man on the moon” many many times. in fact, if you read through my site, you’ll find a lot of hidden and obvious references to elvis, my idol andy kauffman and the lyrics of the “man on the moon” song.

  7. alam mo, fafa, proud na proud nga ako at tapos na ninyo ni Ateng Jet ang pagbayad sa inyong balay. Medyo nga lang malaking sakripisyo din sa inyong mag-asawa ang pag-likas sa singapore dahil di nyo na madalas makita ang inyong mga kamag-anakan at di ninyo laging natitirhan ang inyong magandang balay. Pero I’m sure, sa inyong pagtitiis ngayon, in the future, may magandang kahihinatnan lahat ng inyong sakripisyo.

    Basta ako, lagi kong pinagdadasal ang inyong mabuting buhay. Sa anumang mga binabalak at pinaplano ninyong mag-asawa para sa hinaharap, susuportahan ko kayo palagi.

    Eh kasi nga labs ko kayo ni Ateng Jet, eh 🙂

  8. hi! tuwang tuwa ako everytime binabasa ko ang blog mo!! si rolly ang nag introduce sa akin sa blog mo, just started mine and i hope you dont mind if i link you!!! by the way taga antipolo rin ako!!!

  9. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    maraming salamat sa comment mo ha. na touch ako. siyempre labs ka rin namin ni jet. parati ka nga naming pinaguuspan kasi miss ka na namin. parati naming binabalikan ang masasayang araw natin na puno ng tawanan at kantahan.

    oo nga – nakaraos na rin sa bahay. at least di na namin worry ang titirahan kung sakali mang matapos na ang contract ko rito.

  10. hi joan!

    maigi naman at may nag comment dito na kabayan ko sa antipolo. salamat sa pag sulat sa akin. sana ay patuloy kang mag enjoy.

    binisita ko ang site mo pero di ko mabisita. hehe. di ko kasi makita kung saan iyon. di bale, you can run but you can’t hide. we will find it if it’s there.

  11. hi batjay, enjoy talaga ako sa blog mo, dami kong natutunan! kaya nga pag bored ako d2 sa work ko d2 eh binabasa ko mga blog mo at natatawa ako sa ibang mga kwento mo. 😉 sana okei lang sayo kung link kita 🙂 sana sa future, maging okei din yung career ko gaya sayo! idol na kita! nyahahahah!

  12. hi michz.

    tama ba ang pag spell ko sa first name mo? paano ba iyan i pronounce? maraming salamat sa iyong comment. natatawa rin ako sa ibang kwento ko. hehe. pero hindi lahat. oks lang na mag link. binisita ko nga ang site mo – ang laking gulat ng mga kaopisina ko nang mag biglang tumugtog na music. skandalosa pala ang site mo. pati ako, nawala yung antok ko. akin din kitang ililink. nakita ko rin ang mga link mo at mga kakilala ko ang karamihan sa kanila.

    narito ka ba sa singapore?

  13. pano i-pronounce name ko? um.. mits! hehehe.. kahit ano pwede.. yung blog ko – oo sobrang ingay yun.. ako rin lagi naiirita kaso gusto ko yung song eh.. aalisin ko na nga yn 2day eh.. wala lang.. pasensya na 😉
    wala po ako sa SG, and2 ako sa pinas, pagala-gala, walang magawa..! lolz.. sana makapunta din ako SG para masaya 🙂

  14. You’ve made your points very well. You’re right about the traffic…sobrang sayang sa oras. Lalo na’t dito na din ako sa Germany, everytime uuwi ako sa Pinas at NA-TRAPIK, napipikon ako sa wasted DAY.
    And congrats pala sa inyong TAHANAN!

  15. hi justice.

    mailipat ko nga ang link sa iyo, nag iba ka na pala ng site. bakit nga pala ikaw naglipat?

    kaya nga kami napabili ng bahay sa antipolo ay to get away from the stressful city life. pero mahirap din dahil when you go down to the city – ayan na ang traffic na nakaka inis. yan ang isa sa mga nawala nang lumipat kami rito: ang non-work related stress.

    ingat!

  16. halu!! grabe nakakatawa, “unkyel”!! bago yan ah!

    wala akong masabi, totoo lahat ng sinabi mo. and all of us working our butts off in singapore will say the same thing.

    sige, maghahabol pa ako ng ibang blogs mo. have a great weekend sa inyo ni jet! 🙂

  17. salamat sa comment mo glenda. maganda talaga ang buhay…

    ganon din sa iyo jean. sana nga magka boyfriend ka na para di ka na ganyan ka desperate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *