tenks, tenks

  1. nagpapasalamat ako at mayroon akong problema sa trabaho. mas mahirap kung problema mo ay wala kang trabaho.
  2. nagpapasalamat ako at wala akong pangatlong utong. ARF!
  3. nagpapasalamat ako na nasa itaas tayo ng food chain. at lalo na’t thanksgiving ngayon, nagpapasalamat ako na hindi ako pinanganak na pabo.
  4. nagpapasalamat ako dahil kumakain ako ng dinuguan, kare-kareng buntot at balut. para sa mga kaibigan kong amerikano, exotic na kasi ito.
  5. nagpapasalamat ako dahil natuto akong magluto ng adobo at 40. kasimple-simple lang palang lutuin pero bwakanginangyan, pagka sarap-sarap.
  6. nagpapasalamat ako dahil sa papaya. pampa ligaya, pampa regla. pampa lambot, pang tanggal ng kulubot.
  7. nagpapasalamat ako at may space bar ang computer ko. mahirapkasikungwalangspacebarangcomputer.

4 thoughts on “tenks, tenks

    • maraming maraming salamat!

      nag clean install ako – ok naman ang performance so far. gumagana lahat ng mga peripherals.

      galing din ng t-shirt. sinuot ko nga kahapon, daming nagandahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *