TEN THINGS NA NATUTUNAN KO SA BUHAY NA WALANG KABULUHAN

1. sa pagpili mo ng makakasama sa buhay, mas importante ang ugali kaysa ganda/kapogian. although siyempre, mas ok kung makakakita ka ng babaing/lalaking magada ang ugali, presentable at may malaking boobs/titi.

2. huwag mag-aahit ng kilay kung mahilig ka sa sports dahil pupunta ang pawis sa iyong mata.

3. huwag kang hihigop ng kumukulong sabaw at malalapnos ang iyong dila. on the other hand, kapag mainit ang panahon, huwag ilalagay ang dila sa loob ng refrigerator.

4. kung tutuo si spiderman, dapat ang sapot niya ay lumalabas sa kanyang pwet.

5. pag nag absent ka ng lunes sa opisina dahil lasing ka nung week end, huwag mong idadahilan ang “LBM”. ginawa na rin yan kasing dahilan ng boss mo nung katulad mo palang siyang rank and file.

6. ang kulay ng siko ng isang lalaki ay siya ring kulay ng kanyang betlog.

7. kapag nagpi-prito ka ng ulam at natalsikan ka ng kumukulong mantika, ok lang na sumigaw ka ng “PUTANG-INA, NAPASO AKO!” basta lang hindi ito marinig ng mga bata. mahirap masanay silang marinig ito. pag lumaki kasi sila at natalsikan din sila ng kumukulong mantika, sisigaw rin sila ng “PUTANG-INA, NAPASO AKO!”

8. kapag umutot ka sa loob ng isang kwartong puno ng tao, ang mga hindi tatakbong papalabas ay ang mga tutuong kaibigan mo.

9. kung mayroong mga taong natira sa loob ng kwarto pagkatapos mong umutot na hindi mo kakilala, medyo kabahan ka na. dalhin mo na agad sila sa pinakamalapit na hospital.

10. ang mga balbon ay tinutubuan din ng buhok sa pwet.

* salamat kay gigi goess gaga sa idea. si gigi nga pala ang mabait na kapitbahay namin ni jet. she lives really close to us. in fact, pag umutot ako ng malakas, baka marinig nila itong mag-asawa.

36 thoughts on “TEN THINGS NA NATUTUNAN KO SA BUHAY NA WALANG KABULUHAN

  1. I’m pleased to say na hindi ko pa naririnig ang malakas mong utot. But I’m even more pleased to say na hindi ko naaamoy yan. Good neighbor ka talaga!

  2. ang maganda sa pag-utot sa isang kwarto na marami kayong magkakaibigan, mapagtutulungan nyong ubusin kagad ang amoy. E di wala kagad!

    BTW, kapitbahay mo pala si Gigi. I think I know one of her friends. Ask her if she knows Liesl Samson. She’s a good friend of mine.

  3. Maganda siguro mylab makapag-dinner tayo uli nila Gigi at Arnel para naman mapagusapan natin ng husto itong words of wisdom mo. ๐Ÿ™‚ It’s been a while.

  4. KB BJ and Jet – Talaga, we’re due for a dinner get-together! Pero off the menu ang beans, OK? At huwag sa lugar na dapat pa tayong sumakay ng elevator. Not because hindi kita mahal KB — kaya lang baka mag-duet pa kayo ng asawa ko. Patay!!!

    Rolly – Small world talaga! Next time you see Liesl pls. tell her miss na miss ko na siya. Did she tell you about the night she met Ice-T in Vegas? ๐Ÿ™‚

  5. uy tito rolly and gigi. small world ano? inevitable siguro na mayroon tayong mga common friends dahil maliit lang ang mundo ng mga cute sa pilipinas.

    hehehe.

  6. hindi yata accurate and siko-betlog connection. tinitigan ko nang husto ang siko ko, saka ko tinitigan din ang betlog ko, mas maputi pa rin ng di hamak ang siko ko e.

    tsk. pero pinagisip mo ako pare. next time ipagyayabang ko lagi ang kulay ng siko ko. baka may chick na maka-gets ng ibig kong sabihin.

  7. oh god! can you imagine inhaling all that methane gas? pag nangyari sa blogkada yan, walang lalabas, por syur…wala lang magsisindi sana ng sigarilyo hehehehe

  8. GuyS! Ang saya naman ng site nyo! Nakaka-aliw! For sure mas madali akong makakalimot sa break-up ko sa boyfriend kong tanga at inconsiderate!!!
    More power. Please I need alot of friends kahit praning!!!

  9. asstig ang mga mensahe nyo dito,
    sana my gumawa ng story about “lrt” dahil eto ang madlas naming tambayan ng mga kaibigan ko, sa legarda station.
    kaso epal ung mga klasmate ko nung second sem. amputa nilang lahat….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *